Skater Girl

675 Words
Shaem's POV "Shaem!" Sigaw ng katropa ko. Lumapit naman ako sa kanya sakay ang skateboard ko. "Wala kayong pasok?" Tanong nya. Di ko na papangalanan yan, di naman yan importante eh. "Wala si maam eh. First day of class absent." Sagot ko. "Tara sa park." Sumakay ako sa skateboard ko papunta sa park. Nice. Wala masyadong tao. Maganda to kasi--- Ouch ha. Ouch. Yan kasi hindi tumitingin sa daan. Naku. Kainis. Pinulot ko ang skateboard ko at nag-skate na paalis. Hayaan mo na yung babaeng yun. "Sino yung babaeng yun?" Tanong nya. "Malay ko." Sagot ko tapos mas binilisan ang pag-skate ko. Medyo masungit no? Minsan lang pag di ko feel makipag-halubilo sa mga human beings. "Shaem!" Sigaw ni Michael na hinihintay ako sa park habang nakaupo sya sa skateboard nya. Si Michael? Crush ko yan. Pero crush lang naman. Nothing special. Hindi kasi sya crush na as in CRUSH talaga parang ano lang crush lang ganun. Di ko alam kung gets nyo pero problema nyo na yan. "Shaem!" Sigaw din ni kuya Gee sa tabi ni Michael. Hindi ko sya tunay na kuya ok? Parang magkapatid lang kami dahil sa lalim ng friendship namin pero di kami magkadugo. Umupo ako sa gitna nila ni Kuya Gee at Michael. Ambango nila mennn~ "Pwede na pala tayong magparticipate sa COC no?" Sabi ni kuya Gee habang nakatingin sa cp nya. Pagtingin ko sa cp nya, nandun pala sya sa website ng school. "COC yung app? Eh naglalaro na ako nyan eh." Sagot ni Michael. Baliw din to eh noh? Parang walang pakialam sa mundo. "COC yung sa school. Ungo." Sabi ko sabay batok. Opo, ganyan kami ka-close. Kilig kilig ng slight. Slight lang naman kasi nga diba crush ko lang sya hindi CRUSH. U know? "Kailangan talagang mambatok?" Sabi nya tapos nag-skate na paalis. Hayaan nyo yun. Di yun galit. May naalala lang siguro yun. Tinignan ko si kuya Gee na kanina pa tahimik. Sus. Tutok na tutok sa cp nya. Kailan pa naging curious si kuya sa mga chismis sa school? Haay. Ay. Oo nga pala di pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Shaem Jam Delfin. Btw, Shem ang pag-pronounce nun. Ok? Klinaro ko lang. Yung iba kasi Sha-em ang tawag sakin eh. Nakakainis lang. Kasalanan ng parents ko masyadong bida bida magpangalan sa anak nila kailangan unique bat di nalang Mary o Joy para basic diba. Certified Skater girl ako. Lahat siguro ng mga skateboarding contest, nasalihan ko na at hindi naman sa pagmamayabang pero nagyayabang talaga, panalo ako parati. Simula kasi ng 6 years old ako, nagsimula na akong mag-aral ng skateboarding. Penny board, skateboard, long board, lahat ng board pati black board, basta may gulong kaya ko yan. Certified punk din ako. Pierce the Viel, Sleeping with Sirens, Slipknot, Simple Plan, Green Day, Bring me the Horizon at kung ano ano pa. Di ko na iisa isahin kasi baka matapos lang ang istoryang ito na puro mga punk bands lang ang laman. As you can see, I'm not like other girls. *kriiing kriiing* "Hello ma?" Sagot ko sa cp ko. Tumawag si mama ko eh. "Nak, umuwi ka nga muna dito at merong nagpadala ng package sayo dito." Sabi ni mama sa kabilang linya. "Ok ma." Sabi ko tapos binaba na ang tawag. Package? Kanino naman galing yun? Nagpaalam na ako kay kuya Gee pero parang di nya lang ako napansin kasi nakatutok parin sya sa cp nya. Tss. Bahala sya dyan. Pagkauwi ko, agad akong sinalubong ni mama at binigay ang package sakin. Kinuha ko ito at umakyat sa kwarto ko. Pinagulong ko lang ang skateboard ko sa kung saan at dumiretso sa kama ko habang binibitbit ko parin ang package. "Kanino kaya galing to?" Binuksan ko ang package at WOW lang mga tol. Ito na ata ang pinakamagandang skateboard na nakita ko. Kinuha ko ito mula sa box at may nalaglag na sulat mula sa loob. To: Shaem Jam Delfin Congratulations. You are now a leader of this years Clash of Clans blah blah blah... What even is this?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD