Kahit nag-aatubili ay sumunod parin ako kay Rocco. Mataman kong tinitigan ang babae na ngayon ay abala sa kahera, tila may inaayos pero halata namang nakikiramdam sa paparating na si Rocco. Sumabog ang inis sa sistema ko. Nang nakarating sa kahera ay ngumiti agad ng pagkalapad-lapad ang babae kay Rocco. Hindi man lang napapansin ang presensya ko sa likod. "Magkano lahat ito?" Normal lang naman ang boses ni Rocco pero parang kamatis na sa sobrang pula ang babae. Landi nito! Sumbong ko kaya siya sa Nanay niya? Luminga linga ako para hanapin ang kaniyang Nanay. Nakita ko itong may ka chismisan na kapwa tindera. "Sandali lang, ito-total ko." Aniya at kumuha ng calculator. Kinuha niya ang mga pinamili namin ni Rocco at tiningnan ang mga nakadikit na presyo. Pansin kong nanginginig ang kaniya

