Natulala ako habang nakatingin sa pilyo at malaking ngisi ni Axel na ngayon ay papalapit sa akin. Nang grumaduate kami ng Elementary ay iisang paaralan na rin ang pinasukan namin ngayong higschool na kami. Pare-pareho kaming nasa Grade 8 nina Shai at Axel. Hindi na nga lang magkaka-klase. Kinabahan agad ako ng magbalik sa isip ko ang maaaring sadya nito ngayon. Sabi ni Shai noon, may gusto daw ito sa akin. Kasi kailanman ay hindi ako nito binully o inasar. Imposible naman siguro kasi feeling ko hindi niya naman tipo iyong mga gaya ko. Atsaka marami ding girlfriends itong si Axel. Paiba-iba pa nga eh. "Oy, Dwayne." Maangas na tumango si Axel sa akin ng makalapit. Sinulyapan niya din si Shai at ibinalik kaagad sa akin ang atensyon. May dala-dala itong binder at naka-ipit ang sign pen sa ka

