Chapter 3

1243 Words
Humihingos akong pumasok ng kwarto. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Rocco kanina. Bakit ba siya galit na galit sakin? Masungit ba siya? Suplado? Matapobre? O baka naman ayaw niya lang sa bakla? Siguro lahat. Napapunas ako ng pawis sa noo, pagkakalas ni Nielo sa yakap ay nagpaalam na ako. Umalis ako ng hindi tumitingin sa mukha ng kuya niyang suplado. Ayaw niyang makipag kaibigan sakin ang kapatid niya dahil bakla ako. O baka naman iniisip niya pa ring magnanakaw ako. Nagpalit ako ng damit dahil medyo nabasa ako gawa ng paglalaro namin kanina ni Nielo. Napangiti ako ng maalala ulit ang kakulitan niya. Cute din siya at mabait. Hindi imposibleng magustuhan ko siya. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ulit ako. Mag memeryenda muna ako dahil narinig kong nagluto ang mga kasambahay ng turon kanina. Pagdating ko sa kusina ay walang tao. Nakita ko ang malaking pinggan na may mga turon kaya lumapit ako don. Akmang kukuha ako ng biglang may nagsalita. "Anong ginagawa mo?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Andiyan na naman siya. Bakit ba ayaw niya akong tantanan? Namumutla akong lumingon sakaniya. "Uhmm... M–mag memeryenda." Hindi ako nakatingin sakaniya. Nakatingin lang ako sa t–shirt niyang may tribal na disenyo. Hapit ito sa katawan niya kaya medyo bumabakat ang mga papatubong muscles niya. "Meryenda? Diba dapat naglilinis ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko maiwasang punahin ang makakapal niyang kilay. Ang sungit talaga. "Pagkatapos kong kumain maglilinis ako." Mabilis kong sabi sabay talikod. Akmang kukuha ulit ako ng magsalita ulit siya. "Bilisan mo. Pagkatapos ng tatlong minuto umakyat ka na sa itaas." Parang hari niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilingon ko ulit siya. "A–nong gagawin ko dun?" Naguguluhan kong tanong. Umismid siya at humilig sa counter. "Linisin mo kwarto ko." Maangas niyang sabi. Napamaang ako sa sinabi niya. "P–po? Pero hindi ko iyon kaya. Pagdidilig at pagpupunas lang ng mga muwebles ang kaya kong gawin." Hindi ako pwedeng sumabak sa ganung klaseng  trabaho, hind kakayanin ng maliit kong katawan. Sila Ate Pasing ang gumagawa non. "Aba'y dapat matuto ka na. Abala ang mga kasambahay kaya ikaw ang maglilinis." Pagkatapos ay umalis na siya. Naiwan akong tulala at kinakabahan. Pinaparusahan niya ba ako? At sa lahat ng pwedeng linisan, kwarto niya pa? Sana lang wala siyang masamang gagawin sakin. Pagkalipas ng tatlong minuto, umakyat na ako. Tingnan mo itong lalaking ito, pinapa-akyat ako sa kwarto niya ng hindi man lang sinasabi sakin kung alin diyan sa mga pinto. Limang pinto ang nakikita ko. May isang kasambahay akong nakita pero nang akmang lalapitan ko na siya ay bigla itong pumasok sa isang pinto na hula ko'y isang maliit na bodega. Lumapit ako sa unang pinto at akmang kakatok ng bumukas ang pinto sa pinaka gitna. Napalingon ako dun at nakita ko si Rocco na lumabas at sumilip. Nakita niya agad ako at napakunot noo. "Anong ginagawa mo diyan? Dito!" Masungit niyang sabi. Parang tuta naman akong sumunod. Nang nasa harap niya na ako ay tiningala ko siya. Masyado siyang matangkad para sa edad niya. "Linisin mo lahat. Mula sa kama hanggang sa banyo ko. Pag may nakita akong dumi, humanda ka sakin." Banta niya. Tumango lang ako. Tumabi siya at sumenyas na pumasok na ako.  Isang oras na at hindi pa rin ako tapos mag linis. Ang bigat ng comforter at ang kalat kalat ng mga toy collections niya! Mga damit niya nasa ilalim ng kama. Sobrang kalat talaga. Iniisip ko tuloy kung sinadya niya ba. May nakita kasi akong mga malilinis na damit na nakakalat at mga gamit sa skwela na parang sinadyang guluhin sa study table. Nang malinis ko na ang kwarto niya ay pumasok na ako ng banyo. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay para akong tinakasan ng dugo ng makitang may nakasabit na ahas sa towel rack. "Aaaaaaahhhhh!!!!!" Napatili ako at nagmamadaling tumakbo sa pinto ng kwarto niya. Nang pihitin ko ito ay hindi mabuksan. Naka lock! Napalingon ako sa may banyo sa isiping baka gumagapang na ang ahas. "Tulong! Buksan niyo ang pinto! May ahas!" Pinaghahampas ko ang pinto pero tila walang nakarinig sa mga hiyaw ko. "Rocco! Tulungan mo ko! May ahas sa banyo mo!" Halos mabaliw na ako sa kakasigaw pero hindi pa rin ako pinagbubuksan. Naiyak na ako at nanginig sa takot ng biglang may narinig akong hagikhik sa labas ng kwarto. Napatigil ako sa pagsigaw at paghampas at pinakinggan ang ingay sa labas ng pinto. Narinig ko ang hagikhik ng isang lalaki at umusbong agad ang galit ko ng mapagtanto kong si Rocco iyon. "Rocco! Buksan mo to! Ang sama sama mo!" Hinampas kong muli ang pinto at mangiyak ngiyak na sumigaw. "Hindi ito nakakatuwa! Ano bang kasalanan ko sayo at ginagawa mo ito sakin?" Pumiyok na ang boses ko kasabay ng pagbagsak ng panibagong mga luha. Narinig kong tumigil na siya sa pagtawa at maya maya lang ay bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang nakangising si Rocco pero agad din iyong napawi ng makita ang itsura ko. Nakita kong natigilan siya at nanlaki ang mga mata. Tinitigan ko lang siya ng masama habang pinapahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Walang sabi-sabing nilagpasan ko siya at mabilis na bumaba ng hagdan. Narinig kong sumusunod siya sakin dahil sa kaniyang mga yapak. "H–hoy! Di ka pa tapos ah! Bumalik ka." Binalewala ko siya at patuloy lang sa paglalakad. "Psst! Sabi ng bumalik ka dito eh. Isa!" Pinilit niyang tigasan ang boses pero maririnig mo pa rin ang kaba sa boses niya. Hinila niya ang braso ko kaya napaharap ako sakaniya at bumungad sakin ang namumutla niyang mukha. Hah! Ang lakas gumawa ng kalokohan matatakot naman pala! Akala ko ba tigasin siya? Masungit at walang takot kasi panganay ng mga del Francia? Tinitigan ko lang siya habang marahang sumisinghot. Pinasidahan niya ang kaniyang buhok at nameywang. "Huwag na huwag kang magsusumbong! Naiintindihan mo ba?" Mariin at dahan dahan niyang sabi. Inirapan ko siya na nagpakunot ng noo niya. "Nagkakaintindihan ba tayo, Dwayne?" Tanong niya ulit. Nabigla ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Unang beses niya iyong binanggit at hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa tiyan ko. Pero iwinaksi ko iyon at humalukipkip din. "Bakit mo ba ginawa iyon? Iyan ba ang pagpapa-salamat mo dahil nilinis ko ang kwarto mo?" Sinalubong ko ang tingin niya kahit nanginginig pa rin ako. "Ginawa ko iyon dahil gusto ko. Hindi dahil sa nilinis mo ang kwarto ko dahil gawain mo naman talaga iyon!" Bumalik ang pagiging arogante niya. "Hindi ko iyon gawain! At simula ngayon hindi na ako maglilinis ng kwarto mo!" Asik ko. Tumigas ang mukha niya at mas lumapit sakin. Gusto kong umatras pero hindi ko ginawa. Ayokong magpakita ng takot ngayon. "Katulong ka at gawain mo iyon. Ngayon kung may reklamo ka pwede ka nang lumayas." Bulong niya at mas lumapit pa. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa pisngi ko at hindi ko maiwasang mapuna ang mabango niyang hininga. "Hindi ikaw ang magpapasya niyan. Ang mga magulang mo! At isa pa, wala kaming ginagawang masama ng Nanay ko para lumayas dito." May diin kong sabi. Ngumisi sya. "Ang Nanay mo amo niya ang mga magulang ko. But you? You're my slave. Ako ang amo mo." Mayabang niyang bulong. Akmang susumbatan ko na siya ng putulin niya agad ako. "Ngayon, bumalik ka na sa kwarto ko at tapusin ang trabaho mo." Ngumisi siya ng nakakaloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD