"Ayusin mo iyan... Iyan din... Eto pa..." Nahihilo akong sinusundan ang mga bagay na tinuturo niya. "Pagkatapos mo diyan, gawan mo ulit ako ng portfolio. Kulay pula, bawas-bawasan mo ng burloloy, ha?" Tinuro niya naman ngayon ang study table niya kung nasaan ang mga kagamitan niya sa school. "Pwede ka ng magpahinga pag natapos mo lahat iyan." At iniwan niya na ako. Ganito na ang buhay ko simula nung napunta kami ni Nanay dito sa Manila para magtrabaho sa mga del Francia. Dalawang taon na rin ang nakalipas at sampung taon na ako't nasa ika-limang baitang na. Si Nielo ay ganun din dahil magkasing edad lang kami, wala pa ring nagbabago sa samahan naming dalawa. Kaya lang hindi pa rin tumitigil si Rocco sa pag-uudlot ng kasiyahan namin. Ayun yung bigla siyang susulpot at patitigilin kami s

