"WHAT's happening here?" tanong ni Laura nang makita niya na nagkakagulo sa labas ng Hacienda. May mga pulis kasi na dumating do'n.
Mayamaya ay may lumapit sa kanyang pulis. "Anong nangyayari? At anong ginagawa niyo dito?" Halos magkasunod na tanong niya dito ng tuluyan itong nakalapit sa dereksiyon niya, hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo habang nakatingin siya dito.
"Good afternoon, Ma'am," bati ng pulis sa kanya. "I'm Lieutenant Corpuz," pagpapakilala nito sa kanya. "Tumawag sa amin ang may-ari ng Hacienda. At sinabi niyang may mga illegal settler daw na naninirahan sa pag-aari niya," imporma nito sa kanya.
Hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng magsalita siya. "Ako ang may-ari ng Hacienda Abriogo na ito, Lieutenant Corpuz. I'm Laura Abriogo," pagpapakilala niya.
"Oh," sambit naman nito. "Si Mr. Acuzar ang tumawag sa akin, Ma'am Laura. At sinabi niyang siya po ang bagong may-ari ng Hacienda. At may ipinakita siyang dokomento sa amin na nagpapatunay na siya ang bagong may-ari ng Hacienda," pagpapaliwanag nito. May inabot nga din itong folder sa kanya, kinuha naman niya iyon para tingnan. At halos magusot niya ang laman ng folder nang mabasana niya kung ano iyon. "At isa po kayo sa mga tinutukoy niyang illegal setler na naninirahan sa pag-aari niya," dagdag pa na wika ni Lieutenant Corpuz.
"This is my property, Lieutenant Corpuz," giit naman niya.
"May ipapakita ba kayong dokumento, Ma'am Laura. Mukhang legit itong dokumentong ibinigay sa amin ni Mr. Acuzar," dagdag pa na wika nito.
Bumuka-sara naman ang labi ni Laura. Wala kasi siyang maipapakitang dokumento dahil nasa ama niya ang mga ito. At mukhang tama din ang lalaki na lehitimo ang dokumento na ipinakita nito sa kanya.
At mukhang nabasa ni Lieutenant Corpuz ang nasa isip niya dahil nagsalita itong muli. "At pasensiya na, Ma'am Laura. Sumusunod lang kami sa batas at sa utos mismo ng may-ari ng Hacienda. Kailangan niyo na pong umalis, kasama ng iba," dagdag pa na wika nito.
Kumuyom naman ang mga kamao ni Laura sa narinig. Napatingin nga din siya sa mga trabahor na naroon. Bakas sa ekpresyon ng mukha ng mga ito ang pinaghalong takot, kaba at lungkot. Naiintindihan niya ang mga ito, naiintindihan niya kung bakit ganoon ang nararamdaman ng mga ito. Dahil kung mapapalayas ang mga ito? Saan ang mga ito titira? Paniguradong sa gilid ng lansangan titira ang mga ito.
Ganoon na ba talaga kawalang puso si Draco? Hindi pa ito naawa sa mga ito para idamay sa galit nito sa ama? Pati mga inosenteng tao na walang kinalaman ay dinadamay nito.
Laura clenched his fist in anger towards Draco. "Just stay here and please don't touch them. I need to talk to someone," Laura said in a cold voice.
Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil tumalikod na siya para pumasok sa loob ng mansion. Halos kuyom ang mga kamay niya habang naglalakad siya patungo sa kinaroroonan ni Draco. Alam niya kung nasaan ito dahil nakita niya ito kanina na nakasilip sa bintana ng kwarto niyang inangkin nito.
She stormed into the room. At halos magusot niya ang kanyang ilong nang maamoy niya ang usok ng sigarilyo.
Nag-angat siya ng tingin at mukhang inaabangan na ni Draco ang pagdating niya dahil nakatingin na ito sa kanya, mukhang alam nitong pupuntahan niya ito. At napansin nga din niya ang sigarilyo sa kamay nito.
So, Draco is smoking.
"Wala ka ba talagang puso?" Hindi napigilan ni Laura na sabihin iyon kay Draco.
Humihithit si Draco ng sigarilyo at saka nito iyon ibinuga. "I already told you, Laura. You witness how asshole and heartless I can be if you don't follow my order," pagpapaala nito sa kanya. "Pero hindi mo pa din ako sinunod. So, take the consequence of your decision, Laura," dagdag pa na wika nito.
Alam ni Laura ang tinutukoy ni Draco na hindi niya sinunod. Inutusan siya nito kanina na ipaghanda ito ng lunch pero sa halip na sundin ang inuutos nito ay nagmatigas siya. Hindi siya nito tauhan para utos-utusan siya nito.
"f*****g leave my room and my territory now," mayamaya ay utos nito sa kanya.
"Aalis ako. But let them stay," wika naman niya kay Draco. Kahit na masakit para sa kanya na umalis sa Hacienda ay gagawin niya, basta huwag lang nitong paalisin ang mga nagta-trabaho doon.
"No," matigas ang boses na wika nito. "If you leave my territory, take them with you. I don't need them here."
Bumagsak naman ang mga balikat ni Laura sa sinabi nito. Mukhang siya din ang talo sa pagmamatigas niya dahil pusong bato ang lalaki, wala itong konsensiya at wala itong awa. At kung ipagpapatuloy niya ang pagmamatigas, siya lang at ang mga trabahor sa Hacienda ang magiging kawawa.
Her shoulder loosened again in defeat. "F-fine," mayamaya wika niya, hindi nga din niya napigilan ang paggaralgal ng boses. At nang mapansin iyon ni Draco ay napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. "What do you want me to do so you won't make them leave?" pagsuko ni Laura. Naisip niyang wala ding patutunguhan kapag paulit-ulit siyang magmatigas dito.
Sa halip naman na magsalita ay ipinatony nito ang bawak na sigarilyo sa ashtray. Pagkatapos ay humakbang ito palapit sa kanya. As he walked, his gaze locked onto her. He halted in front of her. Amoy na amoy naman niya ang mamahalin na pabango nito na may halong sigarilyo.
She looked like trapped prey again, vulnerable to his predatory gaze.
Unconsciously, Laura's tongue darted out to moisten her lower lip. At mukhang wrong move ang ginawa ni Laura dahil napansin niya ang pagbaba ni Draco ng tingin sa labi niya.
At bahagya na lang napaawang ang labi niya nang hindi na nito inalis ang tingin do'n. He noticed the subtle movement of her Adam's apple as he gazed at her lips.
"You're asking me what you need to do to keep them from being kicked out?" he asked, his deep, baritone voice low and husky.
At sunod-sunod na napalunok si Laura nang makita niya ang itim na mga mata nito ng mag-angat ito para magtama ang mga mata nila.
"I want you to kiss me," he replied, his gaze never leaving hers.
"What?" Hindi naman niya napigilan na ibulalas, bahagya nga ding nanlaki ang mga mata niya.
"I'm giving you five seconds. If you don't do what I want, I'll kick out all the workers here," he warned her again. Nasisiraan na ba ito ng bait? "One," bilang nito. Hindi niya alan kung ano ang pumasok sa isip nito para maisip nito ang bagay na iyon. "Two." Bakit gusto nitong halikan niya ito? "Three." Galit ito sa kanya pero bakit gusto nito ng halik sa kanya. "Four." Shouldn't he feel disgusted with her, given that he believes she's the daughter of the man he hates the most? Pero bago pa umabot sa lima ang bilang ni Draco ay humawak ang dalawang kamay niya sa balikat nito.
Tumingkayad nga din siya para maabot niya ang labi nito sa gusto nitong mangyari. She kissed him in the lips. Sinabi naman nitong halikan lang niya ito, wala itong sinabi kung french or torrid na halik lang iyon. Kaya smack lang ang ibinigay niya. Wala pa ngang dalawang segundo na magkalapat ang mga labi nila ng ilayo niya iyon. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang habulin ni Draco ang labi niya. At hindi lang basta smack ang ibinigay nito sa kanya kundi pinaghalong torrid and french kiss.
Draco bit her lower lip before quickly slipping his tongue into her mouth, and she couldn't help but moan as his tongue explored every corner of her mouth
At nang makabawi siya mula sa pagkabigla ay itinulak niya ito pero para lang siyang tumulak sa pader dahil hindi man lang ito natinag. But she didn't give up. She tried to push him harder, but she didn't succeed. And it seemed he didn't like what she did, and as her punishment, he kept kissing her as if there was no tomorrow. She felt breathless from the way he was kissing her, but Draco didn't care. He continued kissing her the way he wanted to.
Maalab, malalim at mapagparusa.
At bago pa siya tuluyang mawalan ng hangin ay doon lang naman pinakawalan ni Draco ang labi niya. Halos habol naman niya ang hininga.
"That's the kiss I ordered. Not that lame kiss of yours," Draco said in a deep and baritone voice.