NAGMULAT ng mga mata si Laura. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita niya si Draco sa tabi niya. Nakapikit ang mga mata nito at base sa mabining paghinga nito ay mukhang ang himbing ng tulog nito. And why is he doing there? Bakit katabi niya ito sa kama? Pilit namang inaalala ni Laura kung paano niya katabi si Draco mula sa kama. Ang huling natatandaan niya ay noong dumating ang doctor na ipinatawag ni Draco. At first in denial pa siya kung bakit nagpatawag ito ng doctor pero noong dumating ang doctor at nang in-instruct si Draco na i-check siya ay doon na niya tinanggap ni Laura ang katotohanan na para sa kanya ang doctor na ipinatawag nito. At habang chene-check siya ng doctor ay hindi umalis si Draco sa kwarto, mukhang wala itong balak na umalis habang tiniting

