MABILIS na tinakpan ni Laura ang bibig ng bumahing siya habang pauwi na sila sa mansion. "Are you okay, Miss Laura?" Napatingin siya sa rearview mirror para sulyapan si Jake nang marinig niya ang tanong nitong iyon. "Okay lang-- Hindi na niya muli natapos ang iba pang sasabihin ng muli siyang napabahing. "S-sorry," mayamaya ay sambit niya. "You don't have to apologize, Miss Laura," sagot naman ni Jake sa kanya. Matipid na ngiti lang naman ang isinagot niya dito. Niyakap naman ni Laura ang sarili nang makaramdam siya ng bahagyang lamig, hindi nakatulong ang polo na isinuot sa kanya ni Draco kanina para hindi siya ginawin ng sandaling iyon, lalo na at humahampas ang malamig ng simoy ng hangin sa kanya, kahit na mainit ang panahon ay malamig pa din ang simoy ng hangin siguro dahil sa n

