SA halip na magsalita si Laura ay nanatili siyang nakagingin kay Draco na mababakas pa din ang galit sa ekspresyon ng mukha nito. Tumaas naman ang isang kamay nito para haplusin ang sugat sa gilid ng labi niya. Napaigik naman siya dahil sa naramdaman kirot ng dumampi ang daliri nito doon. At nang makita nito iyon ay napansin muli niya ang pagliyab ng mga mata nito dahil sa galit. Nagtatagis din ang bagang nito. "Who.did.this.to.you?" mariin na tanong nito sa kanya. Bawat salita na lumabas sa labi nito ay madidiin, halatang galit. Sa totoo lang ay medo naguguluhan siya sa kinikilos ni Draco. Why is he angry? Hindi ba dapat matuwa ito? Pero bakit taliwas ang nararamdaman nito? Bakit galit na galit ito nang makita nito ang sugat sa gilid ng labi niya? Bakit ito galit ng malaman nitong

