TUMINGALA si Laura para makita ang leeg niya sa salamin. Tinitingnan kung visible pa din ba ang pulang marka sa leeg niya. At medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang nag-fade na ang iba. At kaya na din iyong itago ng concealer at foundation. Ibig sabihin ay pwede na siyang lumabas ng kwarto. Halos dalawang araw din siyang hindi nakalabas ng kwarto dahil doon. Hindi naman kasi siya pwedeng lumabas kung tadtad ng hickey ang leeg niya. Hindi niya alam kung makikiusapan niya ba si Draco pero sinubukan pa din niya. Nakiusap siya dito na kung pwedeng idahilan nitong may sakit siya kaya hindi siya lumalabas ng kwarto. Pinakiusapan niya ito na sabihin nitong may sakit siya kaya hindi siya makalabas dahil ayaw niyang mahawaan ang mga ito. Pero sa halip na pumayag ay may kondisyon pa itong

