NAG-ANGAT ng tingin si Laura nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto sa kwarto. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo dahil sa narinig na pagkatok. Dahil alam niyang hindi si Draco ang nasa labas ng pinto ng kwarto. At kung ang lalaki man ang kumakatok ay hindi iyon kakatok, deretso na itong papasok sa loob. Sino kaya ang nasa labas? "Come in," mayamaya ay wika ni Laura. Napansin ng seradura hanggang sa bumukas iyon at pumasok si Aine, nakita niyang may bitbit itong tray na naglalaman ng pagkain. "Senyorita," wika ni Aine sa kanya ng magtama ang mga mata nila. At nang humakbang ito palapit sa kanya ay pasimple niyang hinila ang kumot hanggang sa matakpan ang leeg niya. Hindi pwedeng makita ni Aine ang mga pulang marka sa leeg niya. Tadtad kasi

