"SENYORITA Laura, kami na po ang bahala dito." Sinulyapan ni Laura si Aine sa kanyang tabi nang marinig niya ang sinabi nito. At nang magtama ang mga mata nila ay nginitian niya ito. "Ako na, Aine. Madali lang naman ito," sagot niya, tinutukoy ang paghuhugas ng pinggan. Tapos na kasi silang kumain at nag-presenta siyang maghugas niyon. Baka pagsabihan na naman kasi ni Draco ang mga ito kapag nalaman nitong wala siyang ginagawa sa mansion. Eh, hindi naman na siya ang Senyorita doon. She was now working there as a maid. "Pero-- "Ako na, Aine. Wala sa akin ito," putol niya sa ibang sasabihin nito. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Aine. "Sige po, Senyorita. Kapag kailangan niyo ng tulong, huwag kayong mahihiya na sabihin sa amin." She smiled at her. "Salamat." Nang u

