"WHAT a asshole!" sambit ni Margarette ng matapos niyang i-kwento dito ang tungkol sa pagpunta ni Peter sa mansion at ang mga sinabi nito sa kanya ng tawagan siya nito through video call. Sinabi kasi niya dito ang lahat ng sinabi nito sa kanya. At habang nakatitig siya sa kaibigan mula sa screen ng cellphone ay napansin niya ang inis sa ekspresyon ng mga mata nito. Ramdam niya ang inis sa ginawa at sinabi ni Peter sa kanya. "Ang kupal naman ng mukha--mayamaya ay napatigil si Margarette sa ibang sasabihin nito ng may maalala ito. Napansin nga din niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatitig ito sa kanya mula sa cellphone. "Wait, wait. I think I heard something?" tanong nito sa kanya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napakuno

