Hindi naging maganda ang weekend nina Melissa at Mike, palaging iniiwasan nang ginang ang kanyang mister, nanahimik na lamang ang inhenyero at binigyang space ang kanyang misis.. Hindi rin maintindihan ni Melissa ang kanyang sarili, pakiramdam nya nasisiraan na sya nang bait, walang kasalanan ang kanyang mister pero mas gusto nyang paniwalaan na nagloloko din ito para amanos na sila kaya lang nasasaktan din sya pag naiisip na na baka may nangyayari ngang kababalaghan sa pagitan nito at sa dalagang kaibigan nito sa Cebu.. Bumalik nang Cebu si Mike na baon ay sama nang loob at pag alala sa nangyayari sa kanilang mag asawa, hindi nya alam kung ano ang gagawin dahil bago sa kanya ang ganitong pakikitungo nang kanyang mahal na asawa sa kanya simula nang magkakilala sila at hanggang ikinasal..

