Miyerkules, unang araw ni Melissa na wala sa tabi nya ang asawa nang gumising… Malungkot.. pero para sa career at kinabukasan nilang mag asawa kailangan nilang magsakripisyo.. Tulad nang nakagawian, text at tawag ang komunikasyon nilang mag asawa...pati kay Alex.. pero ngayong araw ay ay hindi lang telepono para sa nobyo ang kanilang magiging ugnayan.. Babalik na naman sila sa kanilang makamundong pagtatagpo.. Trabaho sa buong araw ang inatupag ni Melissa, ayaw nya munang isipin ang kalungkutan at ang guilt na nararamdaman para sa asawa at excitement para sa muli nilang pagtatagpo nang nobyo. Si Mike naman ay nasa construction site kausap ang ibang inhinyero na kasama sa proyekto at mga foreman.. Mainit ang araw kaya pawis na pawis ito habang nag iinspeksyon sa ginagawa nang mga tauhan.

