minah pov
mahal sino kaya ang taong gusto manira sa atin , mahal natatakot ako , baka sa susunod hindi lang ito ang gawin nya , basta mahal kahit anong mangyari wala tayong paniniwalaan kungdi ang isat isa , not over the phone pero dapat pag may problema pag uusapan natin ng personal para magkaliwanagan tayo sabi ni Josh habang hawak ang kamay ko . mahal may Good news ako na settle ni Joyce ang schedule ko at monday pa ako magkakaroon ng mga meeting and appoinment , thursday lang ngayon ang alam sa company na sunday pa ang uwi ko kay may party after the shooting thats why pwede ako mag stay dito hanggang sunday atleast masasamahan kita hinawakan nito ang muka ko , salamat naman kung ganon ilang araw na akong di makatulog , maluwag ang pakiramdam ko na mayroon akong kasamang makakaunawa sakin sabi ko sakanya . Nag uumpisa kana ba sa Job mo ? Not yet mahal gusto ko pag dating na nila zep para makapag bigay din sila ng opinyon at idea , teka kumain kana ba ? tanong ko sakanya , parang nawalan nga ako ng gana kanina , pero ngayon meron na sabay tayo ? sabi nito sakin , kumain na ako mahal halos kakatapos lang namin , tara sa kusina mag pre pared ako ng food for you nahiya ako utusan si yaya nida baka nagpapahinga nadin ito kaya ako nalang ang magluluto para sayo .
kinaumagahan
nagising ako na tirik na ang araw kita ko yun dahil mirror lang ang bintana papuntang terrace sa second flor ng room ko , nangiti nalang ako ng makita ko nakayakap sakin si Josh at tulog na tulog padin , siguro ay napagod ito sa byahe nagdahan dahan akong tumayo para hindi ko maabala ang gising nito , pero lalo pa humigpit ang yakap nya , inulit ko ulit na tanggalin ang kamay nya at buti nalang natanggal ko ito at dahan dahan akong lumabas at bumaba para kumain ng breakfast ng makasalubong ko si aling anna sa baba , Maam sakto po papunta na po ako sa inyo may naghahanap po sa inyo nandun po sya sa table sa tabi ng pool sabi ni aling anna , pumunta agad ako para makita kung sino ang naghahanap sakin at hindi ko nakita ang lubak kaya naging dahilan yun ng pagkadapa pagkatapos napasigaw ako at nasugatan ako sa tuhod . Ikaw pala yan lucas ang aga mo atang napasyal siguro ay malapit lang sa bahay mo dito sa resort ko habang paika ika akong naglakad papuntang table pero umalis si lucas at lumapit kay aling anna. , naghingi pala ito ng first aid para gamutin ang sugat ko , umupo sa sa harapan ko at tinignan ang tuhod. , lucas wag na kaya ko na pero nagpupumilit padin ito , wag na lucas ako nalang kaya ko inagaw ko ang bulak , pero inagaw nya ulit ,ako na para malinisan ng maayos , Ano ba lucas kaya ko na sabi ee napataas ang boses ko pero hindi padin nya tinitigilan ang pagpunas sa sugat ko ,nagulat nalang kami ng may humawak sa kamay ni lucas na pumupunas sa tuhod ko , Josh sabi ko , She said no ! hindi mo ba narinig ang Girlfriend ko sabi nya wag bakit ang kulit mo sino kaba bakit kinukulit mo si minah , inis na sabi ni Josh na naging dahilan ng pagtayo ni lucas nagulat sya halata sa expression ng muka nya , hinawi sya ng bahagya ni Josh at kinarga ako na para kaming bagong kasal at iniakyat sa room at sya ang gumamot sa sugat ko.
Josh Pov
nagulat ako ng makarinig ng sigaw , nakita ko si minah na nadapa malapit sa table kaya dali dali ako lumabas at bumaba ng hagdan , pag baba ko nakita ko ang isang lalaki na pinupunasan ang sugat ni minah nakaramdam ako ng inis , akala ko ay pinsan nya. ,pero paulit ulit na inagaw ni minah ang bulak at hindi gusto ang ginagawa ng lalaki , ng biglang sumigaw si minah ngunit hindi padin ito tumigil napagtanto ko na hindi sila magpinsan , kaya agad akong lumapit at bakas sa akin ang pagkainis kaya hinawakan ko ang kamay nito She said no ! hindi mo ba narinig ang Girlfriend ko sabi nya wag bakit ang kulit mo sino kaba bakit kinukulit mo si minah ? pero hindi ito sumagot at tumayo lang ito at nakita ko sa muka nito ang pagkagulat , sa subrang inis ko hinawi ko ito at kinarga si minah papasok ng kwarto .
habang ginagamot ko ang sugat nya ,
sino ba yun ? kilala mo ba yun inis na tanong ko kay minah , oo mahal kaylan lang nakilala ko sya mukang mabait naman sabi ni minah , kaylan mo lang sya nakilala pero parang ang tagal na , bakit ganun sya umasta hindi ko gustong pumupunta punta ang lalaki na yan dito sa resort, mahal naman baka naman nag alala lang sya mahal wag mo naman lagyan ng malisya ,sabi ni minah at pinaupo nya ako sa tabi , lalaki din ako mahal ramdam ko kung ano ang ginagawa nya sayo , mahal utang ko sakanya ang buhay ko , bakit ano nangyari ? tanong ko qng pagkainis ay nabahiran ng pag aalala , mahal kasi nung nagpaalam ka na pupunta ka visayas nasa tulay ako noon pinapanood ang mga batang naliligo ng biglang may dumating na humaharorot na motor hinila nya ako para hindi ako mahagip , kaya nagpasalamat ako sakanya sabi ko anytime pwede syang pumunta dito, mahal hanggang doon lang yun wag ka mag alala kasi ikaw lang ang mahal ko wala ng iba , sabi pa nito pinipilit ko wag mag alala pero nag alala padin ako sa isip isip ko , sya nga pala mahal sya yung sinasabi ko sayo na parang parehas kayo ng amoy ng pabango ! habang binubuksan ni Minah ang bintana at paika -ika , Pero sa isip ko imposible na parehas kami ng amoy ng pabango , that is personal perfume , company ang nag bibigay nun sa mga share holder ng kompanya paano nangyari yun ibig sabihin meron nakakopya ng mga ingredients but still ang ingredients na ginamit para makbuo ng ganung pabango ay expensive din , huh nawala na sya natakot ata sayo mahal para ka kasing galit na leon kanina sabi ni minah , kailangan siguro mag apologize ako sakanya nextime and thankyou kasi sinagip ka nya mahal sabay yakap ko sa likuran nito , hindi kana galit ? o inis tanong ni minah sakin, nginitian ko lang sya pero ang totoo nahihiwagaan ako Dyan sa lucas nayan . Tara na mahal breakfast na tayo , sige tara habang inaalalayan ko ito sa pagbaba ng hagdan hindi naman sya masyado nahihirapan pero iniingatan ko lang ito baka malaglag ulit , magiingat ka kasi mahal baka sa susunod hindi lang yan ang makuha mong sugat , OPO sabi nito habang nakaakbay ako sa kanya , Ano ang gusto mo gawin natin after mag brakefast ? tanong ko sakanya , hmmmp mag swimming tayo mahal gusto ko yung hot water jan sa baba ang ganda din ng view doon mahal masasabi kong yun ang best spot dito sa resort , sabi ni minah, masaya ako magkakaroon na tayo ng oras sa isat isa bulong ko dito habang naglalakad pababa ng hagdan .