Eto na yung araw na mag hahanap ako ng trabaho hayy ang ganda nga namn ng manila kung sana ay andito rin sina mama ay sisilayan nila ito. Nag lalakad ako ngayon dito sa may mga nag lalakihang building maaga akong nag paalam kay tita upang maka hanap ako agad ng trabaho kaya eto ako ngayon nag lalakad at nag babaka sakaling may makitang trabaho- napahinto ako ng may makitang naka dikit sa tabing poste ko na 'hiring maid' at may numero sa baba nito kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon at ni labas ko na ang aking de keypad na cellphone saka tinawagan ang numerong naka lagay sa papel.
tatlong ring at sinagot na ito "Hello po sir" Pina lasig ko ang aking boses upang magka idea sila na talagang gusto ko ang trabaho "hmm...yes wh- ah~baby wait." nag taka naman ako sa sinabi nito at bakit ganon ang boses niya masakit ata ang chan nito "sir hindi na po ako baby at chaka mag aaply po sana ako" narinig kong natawa naman ito sa kabilang linya "i'm not talking to you earlier Ahahah" natatawa parin nitong saad ano raw? "p-po sir?" hindi ako nakakaintindi mag english dahil hindi naman ako nakapag tapos hanggang grade 3 lang ang kinaya eh
"nothing what were you sayin again?" ano raw? paktay ako nito "ehem ahm si-sir hindi p-po ako maka-makaintindi ng ganyang lenguahe" utal kong saad at nakaramdam rin ng hiya pano ba kasi naman ang boses niya palang parang magandang lalake na ito narinig ko ang pag singhap nito "you what? i mean hindi ka talaga maka intindi?" pag tatanong nito "opo sir." nahihiya kong sagot "meet me at the zeyt cafe i mean magkita tayo sa zeyt cafe " at pinatay na nito ang tawag aba't ang bastos hindi marunong mag paalam.
bumaba na ako ng taxi ang chaka ni manong sobrang mahal ng singil saamin naman sa probinsya ay 50 lang kahit saan na yun dito eh parang malapit na to 100 talaga buti nalang talaga may ipon ako hay pag pasok ko ng zeyt cafe ay nag hanap ako ng mauupuan ay gaga hindi ko pala alam ang itsura ng kikitain ko, kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ulit si sir sinagot naman nito
"Hello po sir ako po to yung kanina na tumawag naalala ko sir hindi ko po pala alam ang muka mo pero andito na po ako sa cafe po" mahabang saad ko mahina nama. itong natawa "Okay i'm on my way na rin naman" hala hindi ko naintindihan "P-po?" alanganin kong sabi "oh s**t oo nga pala ang ibig kong sabihin ay papunta na ko diyan ano ba ang kulay ng suot mo para mahanap kita?" napatingin naman akk sa damit ko "ano po sir oh color yellow po may bulaklak bulaklak po " sagot ko
"okay okay wait i mean antayin mo ako riyan" at pinatay na nito ang tawag aba't tsk tsk tsk.
sampung minuto na akong nag aantay ng biglang may umupo na anghel sa harap ko kaya napa tulala ako "hey" napa kurap naman ako dahil sa sinabi niya sino ba to at napaka gandang lalake naman "ah-ahm mister sorry po pero may inaantay po akong tao" pag uusap ko dito tumawa naman ito "ako yun I'm Akinove Salazar ang tinawagan mo kanina" napaubo naman ako ay "hala pasensya na po kanina ako nga po pala si Kira mapasda sir" nag lahad ako ng kamay at tinanggap naman niya ito ngunit napa bitaw ako ng makaramdam ng parang nakoryente ako "why? i mean bakit?" takang tanong nito ang sakit naman nun ano ba ang meron sa kamay nito "Sir bakit po nangunguryente ang kamay niyo?" taka naman itong tumingin sakin "nga pala sigurado ka bang mag aaply ka bilang katulong saakin?" ngumiti naman ako sakanya ng pagka laki laki "aba! oo naman po sir kaya ko po mag luto, mag laba, maglinis ng bahay sir" may pagmamalaki kong sabi "kahit gaano pa yan kalaki ang bahay mo sir kaya ko yan" dag dag ko ngumiti naman ito hala mas gumwapi siya hala sigurado pag andito si bebeng mapapa nga nga rin yun.
"Okay you can start tomorrow" gulat akong tumingin sa mata niya "Po? Talaga sir? magkano po ang sweldo ko?" tumawa naman ito bakit may nasabi ba akong mali?
"20,000 kada buwan" lumaki ang mata ko dun seryoso ba to? "talaga po ba sir? hindi kayo nag bibiro?" tumango naman ito at may kinuha sa kaniyang bulsa ay cellphone niya pala at mukang mamahalin walang wala ang cellphone ko doon pero okay naman nag tipa ito "I texted you mg address just be there tom- naitext ko sayo kung saan ako nakatira pumunta ka lang dun bukas ng umaga alas siyete" tumango naman ako "okay po sir" tumango ito at tumayo na
"aalis kana po?" walanghiyang pagtatanong ko napahinto ito at hinarap ako "ye-" tumikhim ito bago nag salita muli "oo bakit?" umiling iling naman ako "ingat ka po sir" tumango na lamang ito.
yes may trabaho na ako yes!