HI#38 "So, when is the wedding?" tanong ni Lola Estrella na sa kanila na ni Drake nakatingin. Kasalukuyan silang nagdi-dinner dito sa mansion ni Drake. Agad na napatingin siya kay Drake nang hawakan nito ang kanang kamay niyang nakapatong sa kanyang hita. Drake smiled at her and kissed her forehead tenderly. "Next month, Grandma." sagot ni Drake na ikinabigla niya. Tinaasan niya ng kilay ang nobyo. Nagbibiro ba ito? Ang dami-daming preparation ang gagawin para magpakasal. Sure, ba talaga ito sa next month na sinasabi nito? Pero seryoso lang ang kulay asul nitong mga mata na nakatitig sa kanya. "Drake, seryoso ka ba?" hindi na napigilang tanong niya. "Yes," anito na ikinamangha niya. Mukhang seryoso nga talaga ito. "Bakit? Ayaw mo ba?" may pag-aalala na sa boses nitong tanong sa kanya.

