HI#30 “How’s your school?” Agad napatingin si Jenina kay Drake nang magsalita ito. Ito ang nagda-drive. Mula kasi nang pinayagan niya itong manligaw ulit sa kanya ay ito na ang naghahatid-sundo sa kanya. Umalis na rin kasi ito sa school na pinapasukan niya dahil bumalik na si Ma’am Emelyn. Na ipinagpasalamat talaga niya dahil hindi na ito at si Ma’am Laney magkikita. She’s jealous with Ma’am Laney, para naman kasi itong linta kung makadikit kay Drake. Selos na selos na siya pero hindi naman niya maamin sa gurang na ito. Hindi rin naman niya masisisi si Ma’am Laney kung magkakagusto ito kay Drake. Tall and lean, and super handsome, his hair is naturally messy like he was not spending too much effort for it like other man does. “Nakakapagod pala ang mag-aral no?” Aniya kaya agad itong

