Author's p.o.v
Makalipas ang ilang araw ang mga tao sa kaharian ngayon ay busy sa paghahanda
Paghahanda?
Paghahanda para sa gaganaping pag hirang sa bagong magiging Reyna walang iba kundi si Kim
Wala ng panahon si Kim makipag kita o kahit dumalaw man lang sa mga kaibigan nya lalo na sa anak at asawa nya maraming pag babago ang kapansin pansin kay Kim parang hindi na sya yung Kim na masayahin kundi ibang iba na ito kumpara sa Kim noon
Syempre kung si Kim ang magiging Reyna si Kaitou naman ang magiging Hari habang ang anak naman nila ang prinsesa
Nagsimula na ang okasyon na kung saan si Kim maging ang mag ama nito ay nakatayo sa harapan ng lahat ng tao na naroon nagsimula ng koronahan si Kim ng matapos iyon biglang may lumitaw na pentagram sa paanan ni Kim at nabalutan ito ng isang nakakasilaw na liwanag
Kim p.o.v
Pagkatapos akong makoronahan maging si Kaitou at AmethystLey ay biglang may lumitaw na pentagram sa paa ko at biglang uminit ang buong katawan kaya ipinikit ko ang mga mata ko ng imulat ko na ang mga mata ko ay nasa harapan ko ngayon ang mga goddess
"Surprised"
"Hindi naman gaano ano nga pala ang ginagawa nyo dito"
"Dahil ikaw na ang bagong reyna ng mundong ito kakailanganin mo na ito"
Ang kwintas kong gold ay biglang humiwalay sa leeg ko at biglang lumiwanag at unti unti itong nagfo form ng bilog ng mawala na ang liwanag lumapag sa palad ko ang isang bilog na pendant na mayroong mga simbolo ng mga elemento na kagaya ng hawak kong mga kapangyarihan..
Someone p.o.v
Sa wakas dumating na ang pinaka hihintay nating lahat
"Maghanda ang lahat ito na ang tamang panahon"
Maghintay ka lang itinakda o mas tamang sabihin ang bagong reyna kukunin ko lahat lahat ng mga bagay sa paligid mo tatapusin ko lahat wala akong ititira..
Author's p.o.v
Kasalukuyang nag diriwang ang lahat dahil sa na koronahan na ang bagong mamuno sa kanilang mundo
Sa kabilang Banda naman si AmethystLey na syang prinsesa ay nag iisa ngayon dahil nakikipag usap si Kaitou sa mga kaibigan nito..
AmethystLey p.o.v
Nag iisa na naman ako tumingin ako sa paligid ko at doon nakita ko si mommy naalala ko tuloy yung mga panahon dati na palagi kong kasama si mommy pero nag bago na ang lahat simula ng pumunta kami sa mortal world kung alam ko lang sana na mangyayari iyon sana hindi na lang kami pumunta doon
"AmethystLey"
Ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko agad agad akong luminga sa paligid pero walang bakas ni anino man lang akong nakita
"Hinahanap mo ako lumabas ka mahal na prinsesa "
Agad agad naman akong tumakbo sa labas dahil gusto ko rin namang makita yung tumatawag sa akin
Author's p.o.v
Walang kamalay malay na lumalabas si AmethystLey walang sinu man ang nakakita sa paglabas nito dahil abala ang lahat ng marating na ni AmethystLey ang labas ng palasyo doon nakita nya ang isang lalaki na naka itim malaki ang pangangatawan nito at nakaka takot
AmethystLey p.o.v (Continuation)
"Sabihin mo sinu ka at ano ang kailangan mo sa akin"
Pero wala akong natanggap na sagot maya maya pa ay
"Sumama ka sa akin at hinding hindi ka na muling mag iisa"
Tama ba ang narinig ko kapag sumama ako sa kanya hindi na ako malulungkot at mag iisa tiningnan ko ang nakalahad nyang kamay sa harapan ko at nagda dalawang isip kung tatanggapin ba Ito
"Sigurado ka"
Tumango naman sya at sa pagkakataong iyon unti unti kong tinanggap iyon at hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman..
To be continued...