Episode 22

1557 Words

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Brent kay Diva pagkatapos nitong kumalas mula sa pagkakayakap nito. Umiling-iling siya. "Alam mo, kaunti na lang iisipin kong nababaliw ka na." Nakangiwi pa si Brent habang sinasabi iyon sa kaniya. Bigla na lang daw kasi siyang umiiyak tapos tatawa nang walang dahilan. Abala ito ngayon sa paglalaga ng mga mais na kinuha nito kanina. Ang ginamit nitong panggatong ay ang mga palapa ng niyog na pinulot nila sa daan. Mas masarap daw kasi ang lasa ng mga pagkain kapag niluto ang mga iyon sa pamamagitan ng mga tuyong kahoy. "Masama bang tumawa at saka umiyak?" tanong niya rito. Kung makatingin kasi ito sa kaniya para bang may kakaiba na sa mga ikinikilos niya. Hindi naman sana siya iiyak kung hindi ito nagkuwento sa kaniya tungkol sa babaeng mina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD