Naalimpungatan si Diva nang maramdaman niyang may humalik sa noo niya. Brent looked intently at her like she was the most beautiful woman in the world. "I'm sorry. I was just checking on you. Did I wake you up?" "Anong oras na, Brent?" Tiningnan naman nito ang suot na relong pambisig. "Four o'clock." Tumaas ang kilay niya dahil amoy alak din ito. "Lasing ka ba?" Para siyang maybahay na nagagalit sa asawa dahil lang ginabi ito ng uwi. "A little bit tipsy," anito sa mahinang tinig. "Saan ka uminom?" "Chloe's house," matipid nitong tugon sa kaniya. "Okay, matulog ka na," saad niya. Umisod siya ng kaunti para bigyan ito ng espasyo. "Can I kiss you?" tanong ni Brent sa kaniya. Tumango siya nang marahan. Tiningnan niya ito at nakita niyang nagniningning ang mata nito. "Sigurado ka

