"Brent, galit ka ba sa akin? Ano na naman ba'ng ginawa ko sa 'yo para magalit ka?" tanong ni Diva kay Brent dahil kanina pa siya nito hindi iniimik. Magkasama nga sila pero parang hindi naman siya nito nakikita. Nandito sila ngayon sa kubo dahil nagpapaani ito ng mga palay. Kanina niya pa ito kinakausap pero hindi man lang ito sumasagot o tumitingin man lang sa kaniya. "Mang Pilo, tawagin niyo na po sila para kumain na muna nang meryenda," utos ni Brent sa matanda. Tumango naman ang matanda at agad na tumalima. "May ginawa na naman ba akong mali? Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi mo ako kinakausap," kausap niya sa lalaki pero para itong bingi dahil kung saan-saan ito tumitingin. "Aling Lilia, puwede po bang asikasuhin niyo muna ang mga tauhan natin dito? Aalis lang po ako s

