Napabalikwas ng bangon si Diva nang may maramdaman siyang parang may nakatitig sa kaniya. Namataan niya ang isang hindi pamilyar na lalaki sa loob ng kuwarto ni Brent na mariing nakatitig sa kaniya habang natatawa. "Who are you? Where's Brent?" nahintakutan niyang tanong sa lalaki. Napasiksik siya sa dulo ng kama kasabay ng pagbalot niya sa sarili sa pamamagitan ng kumot. Namilog ang kaniyang mata ng akmang lalapit ito sa gawi niya. "Brent!" tawag niya kay Brent sa pinakamalakas na tinig. Dumating naman kaagad ang taong tinawag niya. May dala-dala itong bimpo at saka palanggana. 'Yong tubig na nakalagay sa palanggana ay halos nagkatapon-tapon na. Marahil tumakbo ito nang mabilis para mapuntahan siya kaagad. "What did you do to her?" tanong ni Brent sa lalaking naroon. "Aba! ano'

