"Stay away from Brent," bungad ni Chloe kay Diva habang nagtatanim siya ng mga halaman sa gilid ng bahay ni Brent. Kahapon kasi pumunta sila ni Brent sa bahay ni Aling Lilia at nakita niyang maraming tanim na halaman ang ginang. Kaya naman nanghingi siya para itanim dito sa gilid ng bahay ni Brent. Puro kasi mga gulay ang nakatanim dito kaya naisipan niyang magtanim ng mga halaman na namumulaklak. Para kung sakaling wala na siya ay maalala siya ni Brent sa pamamagitan ng mga halaman. "Ano'ng sadya mo kay Brent? Pera ba? Gusto mo bang angkinin lahat ng mayroon siya?" Kung husgahan siya ni Chloe akala mo kilala-kilala siya ng babaeng 'to. "I have a fiance," tugon niya rito. "Then, why are you here? Did your fiance know about what you were doing in here?" nang-uuyam nitong tanong sa

