Chapter Seven

2176 Words
Chapter 7 "D-dad? B-bakit po kayo nandito?" Tanong ni Kev kay daddy samantalang ako ay nasa likod niya at kinakabahan na rin sa mangyayari. "Come out, Kev. I need to talk to you." My dad commanded. Inayos ko ang sarili ko at si Kev ay tinignan ako nang may pagtataka saka siya lumabas sa kubo at naiwan ako na nakatayo doon kasama sila Feri. Habang papaalis sila dad ay hindi na nagsasalita si Kev at tumitingin na lang sa akin ng makahulugan habang sila ay papalayo. Bago sila makasakay ay nginitian ako ni Kev samantalang ang expression ni dad ay blangko pa rin. Ano na namang mangyayari sa amin? Ngayon at naghihinala na sa amin si daddy na may nangyayari sa amin ni Kev kahit pa hindi kami kasal. Simula bata pa lang kasi ako ay todo paalala na sa akin si dad na 'make love after marriage' kasi mas maganda daw ito at mas maganda na h'wag ko daw basta-basta ibibigay ang sarili ko. Pero alam kong may tiwala naman si dad kay Kev kaya hindi naman siguro siya magagalit. "Okay lang 'yan. Maiintindihan naman siguro ni tito." Kumbinsi sa akin ni Feri habang tinatapik ako sa balikat. Ngumiti na lang ako at nilingon sila Celeste, Doyle, at Sara na naghaharutan sa batis. Bumalik na pala sila matapos na nandito sila kanina, siguro pinabalik ni dad. "Tara na doon." Yaya ko kay Feri pero pinigilan niya ako. "Ayusin ko muna sarili mo, nahahalata kasing katatapos niyo lang ni Kev haha." Natawa pa siya tsaka inayos ang damit ko pati na rin ang magulo kong buhok. Wild kasi kami kanina ni Kev eh kaya magulong-magulo ang sarili ko tapos dumating pa si daddy. "Thanks Feri. Tara na." Hinila ko na siya papunta sa kinaroroonan nila Celeste. Habang papalapit kami ay hindi makatingin sa akin ng diretso si Doyle pero sila Sara naman ay nakangiti pa sa akin habang inaabot ang mga pagkain. "Come on Ella! Maligo ka na!" Asar sa akin ni Cel at tumawa pa. "Wait!" Imbes na lalayo ako ay tinulak naman ako agad ni Feri dahilan para mapunta na ako sa may batis at napasukan pa ng tubig ang ilong ko. Narinig ko silang nagtawanan at may naramdaman akong kumapit sa may bewang ko at pagkatingin ko ay si Doyle ito. I saw Doyle's worried reaction. Inayos ko ang sarili ko at kaagad akong humiwalay sa hawak niya sa akin. "Okay ka lang?" Tanong niya ng may pag-aalala. Tumahimik ang paligid at ubo pa rin ako nang ubo kasi sa napasok na tubig na galing sa ilong ko at dumiretso sa lalamunan ko. "I'm alright." Sabi ko nang makabawi na ako nang lakas at inirapan sina Feri na ngayo'y tumatawa pa. "Ito kasing mga 'to, ang pipilyo." Saad ko at pinagpapalo sila. Tawa lang kami nang tawa hanggang sa nagdesisyon silang kukuha ng maiinom namin sa kubo. Naiwan naman kami ni Doyle dito. Nakakainis nga kasi gusto kong sumama pero pinaiwan ako ng dalawa at si Sara ang sumama imbes na ako. "Kung saan-saan na lang ninyo ginagawa ni Kev ang bagay na 'yon. Nawawalan ka tuloy ng dignidad at respeto. May respeto ba 'yan si Kev sayo?" Nabigla ako sa tanong niya at kaagad ko siyang nilapitan at kumunot ang noo. Anong sinasabi niya sa boyfriend ko? "Ano bang pakialam mo?" Matapang kong sumbat sa kanya. Nakakainis na kasi siya at sumosobra na. Dignidad ko na ang tinutukoy niya. "Of course as a friend of yours, may pake ako sayo." Sagot niya habang papalapit sa akin at ako naman itong paatras nang paatras. "Hindi naman ikaw ang nawawalan ng dignidad eh. And to tell you, OO. Oo, ako ang nagyaya kay Kev na gawin namin yon in that place. Sa kubong 'yon at wala kang pake. Yes! Yes, we MADE LOVE." I hissed trying to insult him. Tumiim-bagang siya tsaka hinawakan ang kamay ko. "Aaminin ko Ella nagseselos ako. Nagseselos ako kay Kev at gustong-gusto ko na siyang sapakin pero alam kong mali. Akin ka lang dapat kasi." Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mabilis na umahon. "Tama na Doyle. Tama na ang kahibangan mo sa akin. At kung nawawalan ka ng respeto sa akin, pwes wala akong pake. Hindi kita boyfriend at wala akong pake sa opinyon mo." I exclaimed. Umahon na rin siya at hinawakan niya ulit ang kamay ko pero mabilis kong nabawi ito. "You don't understand how I feel, Ella. Mahal pa rin kita so please, ingatan mo naman ang sarili mo at huwag mong sasayangin ang dignidad mo." Sabi niya sabay yakap sa akin mula sa aking likod. Shit! Baka may makakita sa ginagawa niya sa akin. Kaagad akong kumalas sa yakap niya at sinampal ko siya. "Tama na nga! Ayoko na! Tsaka hindi ko naman sinasayang ang dignidad ko sa taong mahal ko! Isa pa, ikaw ang sumira ng respeto mo sa akin kanina doon sa ibabaw ng kabayo." I paused. Nakakahiya mang sabihin pero gusto ko siyang sumbatan. "You f****d me while I'm driving horse! Sa tingin mo ba nirerespeto mo ako?" I hissed. Gusto ko siyang mawala sa paningin ko dahil sa ginawa niya sa akin kanina. "I'm sorry." Napayuko siya at naisara ang kamao niya. "I just miss you. Hindi ko sinasadya, Ella. Mahal na mahal pa rin kita." He continued explaining. Nasaan na ba ang tatlo bakit ang tagal nilang dumating? Baka kasi kung ano ang magawa ko sa lalaking ito. Nakakagigil lang. "Tama na, Doyle. Mahal ko si Kev at siya lang. Siya lang, please layuan mo na ako. Mahalin mo na lang si Sara gaya ng pagmamahal mo sa akin. Handa niyang ibigay sayo ang lahat." "But please..." He held my hand and kissed the top of it. "Gusto ko lang na makasama ka, kahit isang beses lang. Kahit konting oras mo lang. I know it sounds so bad but I want you. I want you Ella in my life." Tears began to fall from his face and I couldn't keep to swipe those. Nasaktan ko ba siya ng sobra? Minahal niya ba talaga ako ng husto at nagkakaganito siya? "Doyle, Doyle, I'm engaged. I love Kev and I'm sorry." At bago pa dumating sila Feri na alam kong malapit na sa amin ay binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at lumayo na sa kanya. Naupo ako sa kakahuyan at pinamasdan kong papalapit sa akin sila Feri na tumatawa pa at nang makita nila ako ay natahimik sila sa kakatawa at mataman akong tinitigan. "Ella? You crying? Why?" Kaagad na tanong ni Sara at inalo ang likod ko. "What?" Pinakiramdaman ko ang mukha ko at medyo may luha nga sa mata ko. Naiyak pala ako kanina? Pero bakit? Bakit ako naiyak? Nasilip ko si Doyle na ngayo'y tahimik na naliligo ulit sa batis pero ramdam ko ang kalungkutan sa mukha niya. "Uhm.. A-ahh... H-hindi ah. Kayo talaga. Haha! Ano ba kayo? Tubig lang 'yan kasi naligo ako sa batis." I stuttered. Siguro nga nadala lang ako kay Doyle kanina. Natahimik silang tatlo at nagtinginan silang tatlo. "Hmmm? You sure?" Suhol pa ni Celeste. "Kaya nga. Mukha kang naiyak e." Si Feri naman ngayon. Pumunta ako at tumayo. "I'm going guys. Medyo nangangati na rin kasi ako. Call me if you need anything. And ingatan niyo ang mga kabayo ah." Ngumiti pa ako at umalis na para makaiwas sa intriga nila. Narinig ko pang nagsasalita si Feri ngunit hindi ko na ito pinansin at dumiretso na kay Petra na kabayo ko. Pagdating ko sa kubong tinutuluyan namin ni Kev ay naligo na ako't nagbihis. Wala naman si Kev kaya ikinapagtaka ko at nahiga na lang. I'm almost tired of everything. I sighed. Bakit ba kung kelan na okay na ang lahat sa amin ni Kev at ikakasal na kami ay susulpot itong si Doyle at guguluhin kami? Hindi ko alam pero binabagabag pa rin ako ng konsensya. Nakokonsensya ako kay Doyle dahil sa mahal niya pa rin ako at nakokonsensya ako kay Sara dahil mahal na mahal niya si Doyle at niloloko lang siya nito. "You okay?" Narinig kong tanong ni Kev habang hinahaplos ang mukha ko. Napangiti na lang ako at kaagad ko siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang tugon niya sa yakap ko at mas lalo kong hinigpitan 'yon. "What's wrong my love? Bakit nandito ka na?" He asked again while patting my back. Umiling ako. "Hindi ko matiis na hindi ka makita. Mahal na mahal kita, Kev." He chuckled then hug me tighter. Napahiga na siya at nakapatong na ako sa kanya. "I love you. Ang bango-bango naman ng taong mahal ko." Sambit niya at sininghot ang leeg ko. Napangiti ako at kinagat ang pisngi niya. "Ouch, babe please!" Saway niya na natatawa. "Anong pinag-usapan niyo ni dad?" Seryoso kong tanong habang inaayos ang damit niya sa may kwelyo. "Our future. Gusto niya na bukas na natin gawin ang mga plano niya kaya pinatawag niya ako." "Yon lang sinabi niya sayo? Wala ba siyang nasabi sa nangyari sa atin kanina?" Paninigurado ko sa kanya habang kinukurot-kurot ang pisngi niya. "Wala naman siyang nasabi. Hindi nga namin napag-usapan 'yon e. Syempre personal life na natin 'yon at alam niyang ginagawa na talaga 'yon ng mga couple." He convinced me and give me a peck kiss. Thank god kasi alam kong tanggap na ni dad si Kev at alam kong may tiwala siya sa akin. "Aalis na tayo dito bukas?" Tanong ko ulit. "Opo. Kaya this time," he softly massages my right bosom and I moaned in pain and building pleasure. "I want to make love to you, again and again. All over again. I want everything about you. I want to hear you moaning my name. I want you to scream my name while reaching the glory. I want you so bad, Ella. I love you." And in one swift move, nasa ibabaw ko na siya at hinahalik-halikan na ako. Tumugon at nakangiti pa akong humahalik sa kanya. Napakapilyo talaga ng pogi kong boyfriend. "Two months na walang ganito, babe. Susulitin na kita. I will miss you, I will miss this moment. I will miss this kind of love." He said huskily and removes my robe. And we made love in that afternoon until late evening. Nakakapanghina at kakaiba si Kev kanina sa akin. Ewan ko ba kung may nainom siya pero ang lakas niya kanina. He made me reach the glory several times and I love that. Ngayon naman ay yakap-yakap niya ako habang sinusuklay gamit ang daliri niya sa buhok ko habang nakahiga ako sa dibdib niya. "I love you, Ella. I will miss you." "I love you and I will miss you, too." Hinalikan ko pa siya sa noo bago ako nakatulog. KINAUMAGAHAN ay nanghihina pa rin ako kasi sa walang kain na rin siguro at sa ginawa namin ni Kev maghapon. Umalis na rin kami sa mansyon kasama sila Feri at sila Sara. Binigyan pa kami ng payo ni dad para sa gagawin naming trabaho ni Kev. Sana nga matapos namin agad ito para ikasal na kami at magsama na kami sa iisang bahay na pag-aari naming dalawa. Tahimik kami sa byahe ni Kev at halatang inaantok din siya. "Matulog ka na lang muna para 'pag dating natin sa Manila ay bawi na ang lakas mo." Kev speaks and touched my left hand. "Pinagod mo kasi ako." Natatawa kong sabi sa kanya at pinisil niya lang ang kamay ko at tumawa. "I know you'll work with Doyle and I hope na magkasundo kayo sa mga plano niyo." Oo nga pala. Event manager si Doyle sa magiging trabaho ko at alam kong hindi kami magkakasundo noon. Baka kung ano na lang ang mangyari. "I hope so." Sagot ko na lang ng matabang. Ngumiti naman siya sa akin at pinisil ulit ang palad ko at hinalik-halikan 'yon. Naalala ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Doyle kahapon sa batis. Alam kong mahal niya pa talaga ako. Pero bakit ganito akong maapektuhan sa pagluha niya kahapon? "Gusto ko nang matapos ang task natin at para ikasal na tayo. Para hindi ka na maagaw sa akin." Napukaw ang atensyon ko kay Kev na ngayo'y seryoso habang nakatingin sa daan at hawak ang kamay ko. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Ayoko ring mangyari na maghihiwalay kaming dalawa ni Kev pero kailangan naming gawin para sa future namin. "Matatapos din ang lahat, babe." Kumbinsi ko sa kanya. NAKARATING kami sa Manila at nag-empake na ako pati na rin si Kev. We are ready for our flight tomorrow. Umalis muna siya sa condo naming dalawa para magpaalam sa mommy at daddy niya at naiwan akong mag-isa dito. Habang nag-aayos ako ng iba pang dadalhin ay may kumatok sa main door. Kaagad ko itong binuksan at baka sila Feri lang ngunit nabigla ako nang si.. "Doyle?! Ba-bakit ka nandito?" Taka kong tanong. "Your dad sends me here." Tipid niyang sagot at hindi ko palang pinapapasok sa loob ay bigla siya pumasok at naupo sa couch. What I'm gonna do right now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD