Chapter Four

1813 Words
Chapter 4 "Nothing." Tipid kong sagot sa kanya at nagkatitigan kami ng mariin. Tumahimik silang lahat at ako naman ay nginisian si Doyle. Bakit ba nagkakaganito siya? Naengage lang ako kay Kev. He is acting so weird but I hint so much bitterness in his heart. "Guys, tara na lang sa loob at ayusin na natin ang mga gamit natin." Yaya ni Celeste at hinawakan ang kamay ko, senyales na iniiwas niya ako sa away namin ni Doyle. Kumilos na kami papunta sa loob at kinuha ko ang mga gamit ko habang nagkakatinginan kami ng masama ni Doyle. "Babe, come on. Don't stress yourself, we're in a vacation to relax not to stress ourselves." Sabi ni Kev at hinalikan ako sa labi pero smack lang. "Ako na ang magdadala nito sa loob." Kinuha niya ang mga bag sa kamay ko. "Thanks." Then I kissed him passionately na kinagulat niya pero nakabawi din agad. Ramdam ko na nakangiti siya sa halik namin pero idinilat ko ng konti ang mga mata ko just to see Doyle's reaction. Mas lalo akong natuwa nang iniwas niya ang tingin niya sa amin at saka hinila niya si Sara papasok sa loob. I removed from the kiss. Wala lang, trip ko lang talagang inisin siya kasi siya ang unang nang-inis sa akin kanina. "Excited for honeymoon, babe?" Kev speaks as he walks while carrying our bags. "No, I just miss your lips." Sagot ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa loob ng mansyon. Dito kasi sa hacienda ay may mansion sa gitna na antique ang design. Sobrang ganda lang at sila lolo at lola ang tumira dito dati kasama si daddy. "Hello mga anak, good to see you here!" Daddy welcome us. Nakipagbeso sila kay dad samantalang ako ay busy sa kakatingin kay Doyle na hawak-hawak ang kamay ni Sara. Sa buong meeting namin ay si dad ang nagdesisyon na kada-dalawang tao sa amin ay isang kubo. Syempre ako at si Kev ay napagdesisyunan namin na magsama sa pangalawang kubo, si Celeste at Feri naman ay sa pangatlong kubo at sina Sara at Doyle ay sa pinakaunang kubo. Bale pinagigitnaan kami ng kubo nila Sara at Feri. Dinala na namin ang mga gamit namin doon sa loob ng kubo. Maluwang siya, may kitchen at CR pati na rin isang kwarto. I don't know but dad did it the best. Sa plano niya ay alam niyang hindi siya magkakamali kaya nga maganda ang pagkakarenovate ng hacienda dahil sa plano niya. Natapos na akong naligo dahil sa nanlalagkit ang katawan ko. Ewan ko ba, pagkatapos kasi ng mahabang byahe, nanlalagkit ang katawan ko. Naglunch kami ng sabay-sabay sa mansion sa long table. At sa kasamaang palad, katapat ko pa si Doyle. "Really?" Bulalas ko nang maupo siya sa tapat ko at inaaalalayan si Sara na maupo sa tabi niya. "Yeah, really." Sabi niya rin ng mahina pero sapat na para marinig ko. Nagkakaintindihan yata kami nito. "Babe ano?" Ani Sara nang makaupo na. Akala siguro siya ang kausap nito. "Wala, babe. Sabi ko, ang ganda mo." He said while smiling widely. Ugh! Bwiset. Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit ba! Stop it, Ella! Hindi ka nandiyan para pag-initan siya ng dugo. "Huwag mo nang pansinin." Feri blurts out at saka hinawakan ang kamay ko na nasa table at mahigpit na nakahawak sa tinidor. "Oo, hindi na." Sagot ko. Sa kanan kasi si Feri at sa kaliwa ko naman ay bakante kasi wala pa si Kev. Nandoon kasi siya at seryosong nakikipag-usap kay daddy sa balcony. "Oh, ano? Hintayin na lang muna natin sila Ivan at Kev bago tayo magsimula." My mum scold out. "Sige po tita." Ang matinis na boses ang narinig ko mula kay Sara. Grabe. Ang arte niya kay mummy. Nakakainis. Habang nilalaro ko ang tinidor ko at tinatama sa plato ko ay ito ang nangingibabaw na tunog. "Would you mind stop that, Ella!" Masungit na saway sa akin ni daddy pagkapasok niya dito sa kusina. Itinigil ko naman ito habang sila ay sa akin na nakatingin. "Good. Let's start." He said and naglagay na siya ng linen cloth sa dibdib niya. Naupo naman si Kev sa tabi ko at hinalikan pa ako sa pisngi. Kahit minsan talaga si dad nakakainis. Lagi niya na lang akong sinasaway at pinapahiya in front of many people lalo na sa social gatherings. I don't know but he wants me to be perfect like him daw. I wonder na masyado siyang perfectionist at mas malala pa siyang kumilos kesa kay mummy. Dad started the prayer. We're in the middle of praying when I felt a foot reaching my legs. Naidilat ko ang mata ko at tinignan ko kung si Doyle ba ang gumagawa noon pero nakita ko na nakapikit lang siya at seryoso ang mukha niya. Nang mahuli ko ang paa na 'yon ay inapakan ko kay umiwas ulit. Natapos ang prayer namin na hindi man lang ako nakinig dahil sa paa na inaabot ang legs ko. Nakashorts lang kasi ako kaya nararamdaman ko ang mga paa na yon dahil nakatsinelas kaming lahat dito sa kusina. Kumain kami na puno ng pag-uusap habang ako ay tahimik lang at pinapakiramdaman ang paa kung kanino ba 'yon. It was too big kung kila Sara, Feri at Celeste ang paa na yon, saka bakit naman nila gagawin yon sa gitna ng prayer? Pagkasubo ko ay umulit na naman ang paa na 'yon, this time pataas na siya ng pataas at malapit na sa pagitan ng hita ko kaya napaurong ako ng konti sa upuan. Bwisit na paa 'yan. Tinignan ko si Kev at masaya siyang nakikipag-usap kina daddy, Sara at Celeste. Si Feri naman ay nakatayo at inaabot ang juice na nandoon sa dulo. Nang mapatingin ako kay Doyle ay nakangisi siya habang nakayuko at nagpipigil ng tawa. And I know, it was his foot. His playful foot. Ah, gusto mo ng laro ah. Okay, makikipaglaro ako. Sadya kong hinulog ang tinidor ko. "Its okay babe, ako na." Prisinta ni Kev at akmang aabutin na ang tinidor sa lapag. "No! I can do it." Pagtanggi ko. "Okay." Inalalayan niya ako sa pagyuko. Mabilis kong kinuha ang tinidor at tinusok 'yon sa paa ni Doyle na ngayo'y hinahanap ang legs ko. Bigla niyang inilayo ang paa niya at nang hindi ko na maabot ay bumalik na ako sa pagkakaupo. "Okay na baby ko?" Tanong ni Kev habang inaayos ang mukha kong pawisan. Mainit kasi sa baba ng long table. "Ako na lang dapat kasi ang kumuha, ayan tuloy pawisan ka na." "Okay lang ako, baby." I smiled at binalik na sa pagkain ang atensyon ko. Tinignan ko ang mukha ni Doyle at ngayo'y halata na nasaktan siya sa ginawa ko. Ang bastos kasi niya, ayan tuloy. "Ella," Nagulat ako sa pagtawag ni daddy kaya napatingin ako sa direksiyon niya. "Daddy? Bakit po?" Tanong ko. "Okay, ngayon na engaged na kayo ni Kev," He clears his throat at sa kanya napunta ang atensyon namin. "I want you to know na may isa kayong gagawin ni Kev na task para makuha ang ireregalo namin ni mummy mo kasama na rin sila Livia at Maki. Gusto naming gawin niyo muna ang task niyo at pag naging successful ang task na ito ay sa inyo na mapupunta ang pinapatayo naming mansion malapit dito sa hacienda, agree ba?" Napunta sa akin ang atensyon nila. "Wow! Ella, grab it, house and lot na 'yan." Sara frowns. "Go Ella!" Feri cheers up. "What about the task?" I asked confuse. "Well, napag-usapan na namin ni Kev ito kanina. Within two months dapat natapos niyo na itong magnobyo. About that sweetheart, maghihiwalay muna kayo ni Kev dahil sa task na ito, I mean not actually hiwalay na wala na kayo, hiwalay niyong gagawin ang task na ito. Si Kev works as the manager of his team, while you works as the acting director of your team. Two months dapat matapos na 'yon." Dad announced. "Okay dad. Yon lang ba?" Tanong ko at hinawakan ni Kev ang kamay ko. "Yes, sweetie. Ang task mo ay makikipag coordinate ka sa local managers ng ating company at itetrain mo ang team mo samantalang si Kev ay magmamanage ng company nila within two months, serves him as a training." Dad explains and cleared his throat. "Yeah. Thanks, good to hear dad Ivan." Kev thanked dad. "Another special announcement for Doyle," dad added. Napatingin ako kay Doyle na ngayo'y busy sa pagkain niya. Napatingin din siya sa akin at napunta kay dad ang tingin. "Ano po yon, Tito?" Tanong niya. "I heard you are a good event organizer, am I right?" "O-opo. Hindi naman po masyado." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Don't tell me na kasama siya? "And aside from that, I will hire you as an event manager of the team of my daughter at para na rin may kasama siya doon. I will double your salary, Doyle." Oh f**k! This is bullshit! Bakit kasama pa siya? Nagkatinginan kaming dalawa at nag-smirk siya. Bwisit. "Dad, are you sure?" Tanong ko. "Yes, dear. Kesa naman maghahire pa ako ng iba at hindi ko kilala, syempre dito na lang ako kay Doyle na mas kilala ko." He explains and smiles to Doyle. "A pleasure to work with your daughter, tito." Makahulugang sabi niya kay dad at tumingin at ngumiti sa akin ng makahulugan. "A pleasure to work with you, Ella." He said. Gosh! Nag-iinit ang dugo ko. Nakakainis. "But dad, baka naman busy si Doyle at nahihiya lang tumanggi, baka may kliyente pa siya o kaya opportu--" "You heard him, right?" Dad ended my statement. "Tinanggap niya na." He hissed at me. Tumango na lang ako kay dad at binigyan ng ngisi si Doyle. Nabaling ang atensiyon ko kay Kev na nakangiti sa akin. Hindi ba siya magseselos kay Doyle? _____ "Babe, napag-usapan na namin ni daddy mo kanina at saka I trust you and Doyle. Alam ko naman na ako ang mahal mo." Sabi sa akin ni Kev nang matutulog na kami kasi gabi na dito at naririnig na namin ang mga huni ng insekto sa gabi. "Okay lang ba na mahiwalay tayo ng two months? Mamimiss kita." I hug him at nahiga ako sa dibdib niya, pinapakinggan ang t***k ng puso niya. "Not really. Pero madali lang yon kung determinado tayo, baby. Siguro way lang nila mommy ang ganoon para subukan ang pagmamahalan natin." He said and kissed my forehead. Nangiti ako. Alam ko na hindi naman magloloko sa akin si Kev dahil mahal na mahal niya ako. He trusts me. "Mamimiss kita, I love you." I say. "I love you, too. I am going to miss you too baby." He replied. Nawala ang pag-aalala ko sa dibdib nang dahil kay Doyle kanina. Pero iniisip ko pa rin kung anong magiging kalalabasan ng team ko kapag kasama ko siya as event organizer, worst event manager pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD