The beginning

1140 Words
" iloveyouuu......" malambing na bulong ni Dylan kay Ria habang nakayakap ito mula sa likod. " Hmm? " nagtatakang nangunot ang babae sa biglaang tinuran ng lalaki tyaka ito humarap sa nobyo ng may nagdududang tingin. " sobra " sabay halik sa tungkil ng ilong. Huminga siya ng malalim at kumawala sa mga bisig ng binata. kumawala ang pilyong ngiti ng lalaki at hinabol niya ng mas mahigpit na yakap ang nobya ng papunta na ito sa kusina. " stop! dy" " whatttt? " umaktong nayayamot at ngumuso ang binata habang mas lalo niyang ibinabaon ang kanyang ulo sa leeg ng dalaga at inaamoy amoy ito. " I'm not in the mood, okay. may kailangan akong tapusin." " mahaaaaal~" " oh? " nayayamot na sagot ng babae. " Hindi mo na ako love? " nakayakap pa din ng mahigpit. " mahal po, mahal na mahal " ngumiti siya sabay alis ulit ng mga bisig na nakayakap sa kaniya. " pero magluluto muna ako okay? kase kahit nagmamahalan tayo kung gutom naman ikamamatay din natin" dagdag pa neto habang sinisimulan ng ihanda ang mga gagamitin sa iluluto niyang adobo. Walang nagawa si Dylan kundi ang panoorin ang nobya niyang seryosong- seryoso sa pagluluto na ayaw syang pakialaman. Paminsan minsan ay tinatawag niya itong mahal bilang tawag pansin ngunit wala naman din itong sasabihin.Ito ang paraan niya upang asarin si Ria. " alam mo b-" " hindi ko pa alam" pagputol niya sa sasabihin ni Ria. " so ayon nga niloko si Amanda ng Bf niya." pagsisimula nito ng kwento habang nilalapag ang mga pagkaing nniluto niya. " kaya ka nag kakaganyan? " tanong ni Dylan ng nakataas ang isang kilay. " hindi ah " mabilis na sagot ni Ria " kilala na kita mahal " " hindi pa no! " pagdidiin ni Ria " oo kaya Girlfriend kita kaya kilala kita " " oo na, kumain nalang muna tayo " Habang kumakain ay nagkwentuhan sila at natapos ng busog at payapa.sana all " imissyou mahal " paglalambing na naman ni Dylan ng pareho na silang nakahiga sa kama at nakayakap ito sa likod ng dalaga. " talaga? pero kanina pa tayo naguusap miss mo agad ako? " mahinang tanong ng babae. " kaseeee pooo- " " ano nga?" pamumutol nito sa kahaba habang pagsasabi ng lalaki habang nakanguso. Huminga ng malalim si Dylan at umalis sa pagkakayakap takang nilingon naman ito ni Ria at ganun nalang ang pagka kunot ng noo niya ng makitang naka nguso na ang Dylan niya. " mahala naman e! " nayayamot na ani ng babae. " sorry na poooooooo" dagdag pa neto. " hays natatakot lang naman ako na baka magaya tayo sa kanila e " " halika nga ritoooo ang mahal kong kung ano ano ang iniisip sa tuwing wala ako " " aray namann ilong kooo! " reklamo ni Ria ng mauntog ang ilong niya.Ilong niyang pango chos. " ayos lang yan mahal cute ka pa din ok? nga pala mahal kailangan kong umuwi sa cebu next week at--" " ha?bakit? I-i mean ano kase monthsary na natin yon nagplano na tayo na pupunta ng tagaytay. mahal naman hindi naman sa ayaw kita pauwiin sa inyo pero sana diba sinabi mo ng maaga man lang na hindi kana pala makakasama dahil aalis ka kung-- " " opsss " muntikan ng matumba ang babae ng biglang ilapit ng nobya ang matangos niyang ilong sa bibig niya upang mapigilan ito sa kakadaldal ng walang preno-preno. Natawa silang pareho habang naglalapit ang kanilang mga labi. Siniil niyang marahan ang mga labi ni Ria at humiwalay ng nararamdaman niya ng lumalalim ito. mahirap na baka daw malunod(づ ̄ ³ ̄)づ " scam " na lamang ang nasabi ni Ria. " You're in the mood na mahal? " pang aasar nito. " he! hindi no! " singhal neto habang inaayos ang damit. Baka daw may natanggal ha! ha! ha! " 'wag mo ngang ibahin ang usapan. Sabihin mo nga bakit bigla kang uuwi? " " may kailangan kase akong ayusin sa bahay sabi ni mama ako lang daw makakaayos ng bagay na 'yon.Babalik ako after two weeks mahal. " " okay " tipid na sagot ni Ria sa mga sinabi ng nobyo. Hindi niya alam ang mararamdaman hindi naman sa ayaw niyang umuwi sa pamilya niya ang lalaki. At lalong ayaw naman din niyang isipin na magiging hadlang siya sa kung ano man ang mga desisyon niya sa mga ganyang bagay lalong lalo na kung makakatulong sa pamilya niya.Sa dami nasa isip niya mga gusto niyang sabihin at itanong at ireklamo ni isa walang gustong kumawala.Nakakapanghina nga naman ang bagay na pinagplanuhan niyo ng matagal pero napurnada pa. " oy! mahal! " " ay sorry hahahahah nakalimutan ko akala ko tulog na ako pasenysa hehe. ano 'yong sinasabi mo?" kita sa mga mata niyang pilit siyang biruin ang nobyo . " mahal sorry talagaaa" ani ng lalaki habang dinadampian ito ng halik sa baba ng tenga. " nakikiliti po ako Dylan an-" "oh! tinawag na ako sa pangalan kooooooooooo~ " parang batang nagtatampo. " e kase naman nakikiliti ako!" " galit ka talagaa eeeeee. Sabihin mo po na ayaw mo at hindi na ako uuwi mahal" Huminga ng malalim si Ria at pinitpit ang mukha ng nobyo gamit ng dalawa niyang kamay at... "Hindi ano kaba naman e pamilya mo 'yon sabi mo nga kailangan ka at ikaw lang makakagawa ng bagay na kailangan mong puntahan don kung ano man yan. Hindi ako galit okay? " tyaka niya ito hinalikan sa ilong. " totoo mahal hindi ka galit?" "HAHAHAHA ang cute cuteee mahal " humagalpak ng tawa si Ria ng makitang napaka cute ng mahal niyang pinilit magsalita kahit ipit na ipit parin ang magkabilang pisngi neto. Hindi niya parin inalis ang mga palad niya sa mukha ni Dylan. " mahal pwede alisin mo na po?" nagmamakaawa kunwaring pakiusap niya. " hehe sorry masakit ba? hindi ko naman diniinan e pero cute ka talaga pag iniipit ko yan basta po hindi ako galit.Matulog na tayo " anyaya ni Ria. Pinipigilan niya ang mga luhang hindi niya mawari kung bakit siya nasasaktan na parang mas higit pa sa pag alis ng nobyo ang dahilan kung bakit mayroong kapiranggot na kirot sa puso niya at ramdam ng buong katawan niya ang panghihina. " Goodnight mahal,sleep na us" sabay higa at yakap. " Goodnight mahal, iloveyou.... sobra" sabay halik sa noo ng nobya. Ngumiti ng tipid ang babae gustong gusto niyang naririnig ang mga iloveyou mula kay Dylan na sinusundan ng sobra. Ang sarap sa pakiramdam.Napalis non ang kaunting duda. Lumipas ang gabi ng payapa.Gaya ng nakasanayan si Dylan ang naghahanda ng almusal nilang dalawa.Mas maaga kase itong nagigising dahil maaga din ang pasok niya sa trabaho.Habang nagluluto ito sa kusina at nakikinig ng 90's songs. Hindi sinasadyang madaanan ng mata ni Ria ang cellphone na kanina pa ring ng ring. Ang cellphone ni Dylan.Kinuha niya ito mula sa side table ng kama nila sa parting side ni Dylan.malamang From: Cy kailangan kita rito. Nanginig ang kamay ni Ria ng mabasa ang simpleng mensahe na mula sa kapatid ng nobyo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD