KABANATA 58 "HER MOTHER'S PAST 2"

1503 Words

 HINDI naman malayo ang sakayan ng traysikel mula sa kanila kaya nilalakad nalang niya iyon para makatipid. Nasa ganoong ayos siya nang mula sa kaniyang likuran ay marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki, napabuntong hininga doon ang dalaga saka ito nakangiting nilingon. "Halika na idadaan na kita sa school mo," si Lauro iyon isang gwapo at masugid na manliligaw. Magkakasunod na umiling si Janet saka muling nginitian si Lauro. "Naku hindi na, okay lang ako," ang nahihiya niyang tanggi. Nangalatak ang lalaki saka muling nagsalita. "Tsk, ano ka ba, sa akin ka pa nahiya eh samantalang ang tagal na nating magkakilala?" anito sa kaniya saka tumawa ng mahina. Muli ay magkakasunod na umili siya Janet upang tanggihan ang gustong mangyari ng binata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD