KABANATA 85 "HELLO"

1376 Words

SA loob ng tatlong taon na pagiging abala sa negosyo ay masasabi niyang okay na siya. Pero ibang usapan na kapag umuuwi siya ng gabi at mag-isa nang nakahiga sa kaniyang kama. Kapag ganoon si Portia lang ang laman ng isip niya. Katulad noong binata pa siya ay sa mansyon na siya muling nanirahan kasama ang kaniyang ama. May kinuha nalang siyang tao para na regular na naglilinis at nagme-maintain sa unit na dating tinutuluyan nila ng asawa niya. Kung tutuusin hinsi lang iilang beses niyang naisip na kausapin si Henry para hingin ang address ng anak nito sa America. Binalak talaga niyang sundan doon si Portia para makipag-ayos rito. Pero nagdadalawang isip siyang gawin iyon kaya hindi nalang niya itinuloy. Tutal asawa parin naman niya ito sa papel at kung sakaling gustuhin nitong ipawalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD