KABANATA 44 "PURPLE BEDSHEET 1"

1142 Words

HINDI naman nagtagal sina Vincent nang gabing iyon at nagpaalam narin sila ng kaibigan nito si Stephen. Nang mga sandaling iyon ay tapos nang maglipit sa kusina si Tita Cecil at nagpapahinga na sa loob ng kwarto nito. Halatang hindi nga nito gusto ang desisyon niyang magpakasal. Pero ano ba ang gagawin niya? Alam naman niyang hindi na si Alvin ang totoong dahilan kaya niya ginagawa ito. Alam niyang may nararamdaman na siya para kay Vincent at kapag hiniwalayan niya ang binata ay talagang masasaktan siya ng sobra. Inisip niyang kausapin si Tita Cecil. Tinungo niya ang kwarto nito para sana katukin ito pero nang pihitin niya ang door knob ay saka niya napag-alaman na naka-lock iyon. Doon malungkot na nagbuntong hininga si Portia. Hindi naman kasi mahilig mag-lock ng pinto si Tita Cecil. A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD