CHAPTER 2

1190 Words
LILAC “SIR, mission accomplished!” BAGO ako umuwi sa condo ko, dumaan muna ako sa bahay ng parents ko. Kapag weekends nandoon na rin sa bahay si Kuya Light. Isang napakagaling na surgeon doktor ang nag-iisang kapatid ko. Nagmana talaga ito kay daddy. Napakabait, seryoso at sobrang workaholic si kuya. Actually nakuha niya lahat ang katangian ni daddy. Kahit ako nakuha ko rin ang kulay berdeng mga mata ni dad. Pero naglalagay ako palagi ng contact lens. “Good evening, ma'am,” bungad na bati sa akin ng security guard pagbaba ko sa sasakyan. Hindi ko na ipinasok sa loob ang aking kotse. “Morning. Gising pa sila?” mahinang tanong ko rito. “Yes, ma'am. Kararating lang din ng daddy mo.” Tumango na lang ako rito at dumiretso na pumasok sa loob. Nadatnan ko naman ang parents ko at si Kuya Light sa dining area na nagkakape. “Hello, world,” masayang bati ko sa mga ito. “Buhay ka pala!” agad na banat ni mommy sa akin. “Hanggat buhay ka mommy, mabubuhay ako,” nakangising sagot ko naman. “Bastos ka talagang bata ka! Kanino ka nagmana?!” galit na sigaw ni mommy. Nagkibit-balikat naman ako. “Itanong mo ‘yan sa sarili mo, Ziena,” biglang sagot ni daddy. Mahina naman ako napatawa. Si Kuya Light naman panay ang iling. “Mabuti naman naisipan mo pang umuwi dito, Lilac,” aniya ni dad. “Of course naman, dad. Kahit saang sulok ng mundo, Luzon, Visayas at Mindanao…..ehh…Chanel 5 pa rin tayo,” nakangibit na sagot ko rito. Nagsalpukan naman ang dalawang makakapal na kilay ni daddy. “Joke,” agad naman na sabi ko. Ngali-ngali na lang batuhin ako ni mommy ng kanyang tasang hawak-hawak. “Are you working under EAGLE EMPIRE AGENCY?” seryosong tanong ni Kuya Light. Napanguso naman ako. “Hindi ah. Sa club ako. PROUD GRO!” taas noong sabi ko sa harap ng mga ito. Ayun na nga hindi na nakatiis si mommy at binato na ako ng kanyang tasa. Dahil mala-ninja ang galawan ko, mabilis naman ako nakailag. “Mom! Ang brutal mo. Masakit kaya ang tasang iyan.” Namumula naman si Mommy at Daddy sa galit. “Lintek kang bata ka! Binebenta mo sa club ang imported mong buko pie! Aba, Lilac! Itatakwil na kita!” Napakamot naman ako sa aking batok. “Ma'am, bakit naman imported. Chocolate ba iyon?” Panay naman ang hilot ni daddy sa kanyang sentido. “Tumigil na kayong dalawa! Kapag nabuwisit ako,dalawa kayo palalayasin ko!” sigaw ni daddy. Napanganga naman si mommy. Parang natulala pa ito sa sinabi ni daddy. Hindi ko naman maiwasan tumawa. “King, ikaw ba ‘yan? O may sumanib lang sa'yo. Pinapalayas mo ako?!” diin na tanong ni mommy. “H-Huh..n-nasaniban lang yata ako. Si Lilac t-talaga ang pinapalayas ko,” nabubulol na sagot ni daddy. Kahit si Kuya Light nakangiti na ito. Alam naman namin na takot si dad kay mommy. Isang tingin lang ni mom, tiklop agad ang tuhod ni daddy. “Ahmmm…excuse me, guys. Pahinga na ako,” hindi ko na hinintay sumagot ang mga ito at tumalikod na. Umakyat na ako sa aking silid at diretsong pumasok sa shower room. Sobrang pagod ko na rin buong araw. After ko naligo, tamang-tama naman na pumasok sa silid ko si Kuya Light. “Kamusta ang lovelife mo, big brother?” tanong ko rito. “I'm still single. Huwag mo lagi ibahin ang usapan, Lilac. Saan ka nagtatrabaho ngayon?” “S club. Alam mo na iyon,” sagot ko naman. “Yeah, nakita ka ni Hanz. And may ka-table kang mga lalaki. Is that the life you want? Gosh, Lilac!” Si Hanz? Si Hanz Jim Vicente ay bunsong anak nina Tito Jaime at Tita Zen. So nandoon sa club ang abnoy na iyon? Matalik na kaibigan ni Kuya si Hanz. Parehong doctor ang mga ito. “Kuya, alam ko ang aking ginagawa. Matanda na ako.” “Yeah, I know! And I know that you're working under the EAGLE EMPIRE. Susunod ka rin ba sa magulong mundo ni mommy? You're a soldier. And I know, mission na naman ang ginagawa mo.” “Iba si mommy, iba ako. Saka, nag-iingat naman ako palagi. About sa mission, hindi na ako sundalo. Ordinaryong nilalang na lang ko na pinapaligaya ang kalalakihan.” Kinuha ko naman ang maleta ko at naglagay ng mga damit. “Stop it. And I knew you already. Aalis ka? It's already late, Lilac. Bukas ka na umalis,” aniya ni Kuya Light na naiinis na ang kanyang mukha. “Hindi puwede. Maaga kasi ang trabaho ko. Ahmmm….dadalaw naman ako palagi..” lumapit naman ako rito at humalik sa kanyang noo. “I love you. Bye, kuya.” Malayo pa kasi ang condo ko at mahigit dalawang oras pa ang biyahe. Saglit muna ako dumaan sa isang coffee shop at bumili ng paboritong kong kape. “Barako nga. Iyong kaya akong pakiligin sa sobrang pait,” saad ko naman sa cashier. “Yes, ma'am. Wait a minute,” aniya na bumaling ito sa lalaking katabi ko na hindi ko naman napansin agad. “Here's your coffee, Doc.” Bahagya naman ako napasilip at nagkasalubong naman ang aming paningin ng lalaki. “Ohhh…Han-..este Doc. Hanz. It's already late nagkakape ka pa,” pasimple naman akong napangibit. “May limit ba ang oras ng pagkape? And ako ang may-ari ng coffee shop na ito, so what's the problem?” Napanganga na lang ako na nakatingin rito. “Masarap ang kape mo, Doc. Kasing sa…sarap ko,” sabay kindat ko rito. “No. Paano mo nasabi na masarap ka? Kung sino-sinong kalalakihan ang nakatikim sa'yo. You're disgusting, Lilac!” As usual, labas sa kabilang tenga ang mga ganitong komento. “Ang sakit mo magsalita, Doc. Mahal pa naman kita,” sabi ko rito. “Shut up! Nandidiri ako sa’yo!” Napatangu-tango na lang ako. “Ma'am here's your order,” aniya sa akin ng cashier. “Sa’yo na lang ‘yan. Laking Alaska kasi ako at hindi ako nagkakape,” turan ko naman at tumalikod na. Huminga naman ako ng malalim. Medyo na offend ako at syempre nasaktan na rin sa sinabi ni Hanz. Dahil tinamad pa akong umuwi, dumaan muna ako sa kampo. “Captain Kingston!” Bati ng mga sundalo sa akin. Sumaludo naman ako. “Nandyan ba si General?” tanong ko sa mga ito. “Yes, Captain. Puntahan mo lang sa tent.” “Okay, thanks.” Pagpasok ko sa tent, may meeting ang mga ito. “Sir,” sabi ko sabay saludo. “Okay, men. We will continue our meeting tomorrow,” aniya ni General sa mga tauhan niya na tauhan ko rin. “Captain,” bati ng mga sundalo sa akin . Paglabas ng mga sundalo, nag-usap naman kami ni General. “How's your mission?” “Hindi ko pa rin matiyempuhan. Maybe nasa ibang bansa na ito.” “Okay, you have a contract under The EAGLE EMPIRE, Captain. After your contract, babalik ka na ulit dito.” Tumango naman ako. “Yes, sir!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD