I AM GEORGIA

210 Words
Upang takasan ang kasal na ipinipilit sa kanya ng sariling pamilya, iniwan ni Georgia ang marangya ngunit magulong mundong kinalakihan niya. Bilang anak ng isang makapangyarihang mafia family, sanay siyang gawin ang gusto niya, sumuway sa mga utos, at mamuhay nang parang walang kinatatakutan. Masayahin, matigas ang ulo, at laging nauuna sa gulo, si Georgia ang tipo ng babaeng hindi kayang kontrolin ng kahit sino. Kaya nang mapagod ang pamilya niya sa pagiging padalos-dalos at sobrang pagiging YOLO niya sa buhay, napagdesisyunan nilang ipakasal siya sa lalaking sa tingin nila ay kayang magpahinahon sa kanya. Ngunit imbes na sumunod, tumakas si Georgia at nagtago sa isang malayong probinsya kung saan walang nakakakilala sa kanya. Doon niya sinubukang mamuhay nang malaya at payapa, malayo sa mga matang gustong magdikta sa buhay niya. Ngunit nagulo ang lahat nang makilala niya ang anak ng isang Don, isang lalaking may sariling mundo ng kapangyarihan at panganib. Habang unti-unting lumalalim ang ugnayan nila, napagtanto ni Georgia na mas mahirap takasan ang nakaraan kapag pati ang puso niya ay unti-unti nang nadadamay. *Alam ko pong nag labas na ako nag kwento ni Georgia dati pero naisip ko pong bagohin para mas mapaganda.* CHECK MY "W" ACCOUNT. NAKA UPLOAD NA PO ANG STORY NI GORGIA DON. https://www.wattpad.com/story/409768154-i-am-georgia
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD