WHEN HE LOVES HER

489 Words
Hindi maintindihan ni Alyanna Marquez kung bakit sa tuwing may lalaking sumusubok lumapit sa kanya, kinabukasan bigla na lang iyong umiiwas na parang may kinatatakutan. Dahil doon, minsan na rin niyang naisip na baka may mali sa kanya, baka hindi naman talaga siya ganoon kaganda, o baka sadyang walang kayang manatili sa tabi niya. Ang hindi niya alam, may isang tao palang tahimik na binabakuran ang mundo niya sa paraang hindi niya napapansin. Si Blake Lloyd Smith Yee, ang pangalawang anak sa tatlong magkakapatid ng isang napakayamang pamilya, ay lumaki sa US na sanay nakukuha ang lahat ng gusto niya. Nang minsan niyang makilala si Alyanna, may kung anong kumapit sa kanya na hindi na niya nabitawan. Kaya iniwan niya ang buhay niya sa America at lumipat sa Pilipinas, hindi dahil gusto niya ng panibagong simula, kundi dahil gusto niyang mapalapit sa babaeng matagal na niyang gustong mapasa kanya. Hindi lang iyon alam ni Alyanna, dahil sa halip na maging mabait, pinili ni Blake na asarin siya palagi, kulitin, inisin, at guluhin ang araw niya na para bang iyon lang ang paborito niyang libangan. Sa paningin ni Alyanna, si Blake ay isa lamang spoiled, mayabang, at mapang-asar na lalaking laging nasa paligid niya para sirain ang katahimikan niya. Pero ang hindi niya alam, sa likod ng bawat pang-aasar nito ay isang lalaking galit na galit sa ideyang may ibang mauuna sa kanya. Isa-isang nawawala ang mga lalaking lumalapit sa kanya dahil tahimik silang binibigyan ni Blake ng dahilan para lumayo. Hindi man niya ito tuwirang inaamin, malinaw na sa puso niya na mula pa lang sa umpisa, si Alyanna na ang gusto niya. At walang kahit sino ang puwedeng basta na lang sumingit. Ngunit habang palalim nang palalim ang nararamdaman ni Blake, saka rin unti-unting lumilitaw ang katotohanang pilit itinatago ni Alyanna. Sa likod ng ngiti nito ay isang katawan na unti-unti nang nanghihina. May sakit si Alyanna, at mas pinili niyang sarilinin iyon kaysa maging dahilan ng awa ng kahit sino. Habang si Blake ay abala sa pag-angkin sa puwesto sa tabi niya, si Alyanna naman ay tahimik nang nakikipaghabulan sa oras. At nang dumating ang panahon na handa na sanang tigilan ni Blake ang pang-aasar at amining mahal na mahal na niya ang babaeng buong akala niya ay mananatili pa sa mundo niya, saka naman siya pinakamasakit na iniwan ng tadhana. Dahil may mga pag-ibig palang hindi kailanman umaabot sa tamang timing. May mga pusong saka lang natututong maging totoo kapag huli na ang lahat. At para kay Blake Lloyd Smith Yee, ang babaeng matagal niyang binakuran, inasar, at minahal sa sarili niyang paraan ang siya ring babaeng hindi niya nailigtas nang tuluyan itong mawala sa mundo. Sa dulo, maiintindihan ni Alyanna kung bakit lahat ng lalaking lumalapit sa kanya ay nawawala. Pero sa oras na malaman niya ang totoo, iyon din ang oras na mawawala na rin siya kay Blake habambuhay. CHECK MY w*****d ACCOUNT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD