Dalawa silang ipinanganak, pero isa lang ang pinayagang makita ng mundo. Habang si Elise Madrigal ay tahimik na nabubuhay sa isang kasal na puno ng panlilinlang, pang-aabuso, at sakit, may isang lihim na matagal nang ibinaon sa dilim. Isang pangalang binura. Isang pagkataong itinago. Selene Madrigal.
Nang tuluyang bumagsak ang buhay ni Elise, kasabay din noon ang pagbabalik ng kambal na matagal nang nawala sa liwanag. Ngunit ang babaeng nagbalik ay hindi na lamang isang kapatid na sugatan. Siya ay galit, mapanganib, at handang gawin ang lahat para isa-isang singilin ang mga taong sumira kay Elise. Sa bawat hakbang ni Selene, bawat ngiting may tinatagong panganib, at bawat lihim na unti-unti niyang binubuksan, mas lumalalim ang kwento ng dalawang magkapatid na matagal nang biktima ng isang pamilyang puno ng kasinungalingan.
Pero habang isinasakatuparan niya ang paghihiganti, mas nagiging malabo ang hangganan ng tama at mali. Hanggang saan kayang dalhin ng galit ang isang pusong matagal na ring dinurog? Si Selene ba ang tagapagligtas ng kapatid niya, o siya rin ang magiging simula ng mas madilim na kapalaran? Dahil minsan, ang pinakadelikadong lihim ay hindi ang itinago ng mundo kundi ang katotohanang pilit ninyong ibinabaon sa sarili ninyong dugo.
CHECK MY w*****d ACCOUNT
https://www.wattpad.com/story/409401574?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=iamROSAS