Chapter 2. Promoted

1102 Words
Bree's POV . "Bilisan mo, Tina. Hay naku! Ba't ngayon pa? Kainis!" Hinubad kong muli ang stocking na suot sa kaliwang paa. Hindi ko namalayan na malaki na ang butas nito at halata na masyado ang sira. Kahapon ko pa ito napansin, pero kasi wala akong extra kaya sinuot ko pa rin. Binaliktad ko lang din at sinuot pabalik. Wala akong extra'ng pera at malayo pa ang sweldo, sa katapusan pa, kaya nagtitipid ako. "Hoy! Hubarin mo 'yan. Halata masyado." Naupo agad siya sa tabi ko at kinuha lang din ang pagkain na binalot namin kaning umaga. Sabay kaming kakain ngayon, dito lang din sa labas ng building. Nasa likurang bahagi kami at wala masyadong tao rito. Medyo patago na kasi ang pwestong ito. "Paano iyan wala akong extra man lang. E, sa katapusan pa ang sweldo," ngiwi ko sa sarili. "Hayaan mo na tutal makinis naman ang legs mo. Maputi at makinis, kaya ipagmalaki mo na," ngiti niya. Maingat na niyang nilapag sa gitnang upuan namin ang baon naming pagkain. "Bawal. Hindi pwede," ngusong tugon ko. Bawal naman talaga. Yes, I have a smooth legs with an olive skin, slender body and average height. Maganda na rin siguro ako, sabi nga nila dahil madalas naririnig ko ito. Ewan ko nga lang kung totoo dahil magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Sayang naman ang ganda ko kung wala maski isang maglakas loob na ligawan ako. "Okay lang 'yan. Kausapin mo si Ma'am Odette. I'm sure maiintindihan niya." Nagsimula na akong kumain at tumango na lang din. Piniritong galunggong na isda at tuyo ang binaon namin ni Tina. Pareho kaming nag t-trabaho rito sa Del Real Hotel. Ibang departamento nga lang siya, samantalang ako ay nasa Accounting Team Management na assign. Hindi ako accounting, hindi ko rin pinag-aralan ito dahil Hotel and Business Management ang natapos kong kurso. "Ang sarap! Marami akong binaon na kanin. Kain ka ng marami," tugon niya. "Wala ka bang extra?" napanguso na ako habang nakatitig sa hita niya. "Wala na eh. Napunit din ang isang extra ko noong nakaraang linggo. Nakakainis nga dahil ang mahal pa naman nito," sabay tingin niya sa hita ko. "Roving ka ba ngayon?" pagpatuloy niya. "Oo," ismid ko. Mabilis na akong kumain para matapos na. Hahanapin ko pa si Ma'am Odette bago ako magsisimula sa trabaho. Mas mabuti na malaman niya, kaysa sa e-demerit points ako. Panay ang subo ko ng kanin at isda hanggang sa maubos ko na ang akin. Nagtaka si Tina na nakatitig sa akin at mabilis din siyang kumain. "Tapos na ako. Kailangan kong mahanap si Ma'am Odette bago ang oras ng trabaho ko." Napatingin na ako sa suot na relo. May kalahating oras pa ako. "Maaga pa naman ah. Ang dami pa nito. Ayaw mo na?" Napailing na ako habang iniinom ang tubig at tumayo na. Inayos ang maikling skirt. "Salamat, Tina. Bukas ako maghahanda sa baon natin," lawak na ngiti ko. "Sige mauna na ako!" Kinuha ko na ang bag at tumango na siya habang nagpatuloy sa pagkain. Maliban kasi na magkasama kami sa trabaho ay ka-boarding mate ko siya. Malapit lang din dito ang boarding house namin at nilalakad lang namin ito. Sa locker agad ang punta ko. Ibinalik ang bag at mabilis akong pumasok ng banyo, nag toothbrush at nag-retouch na sa sarili. Napatingin ulit ako sa hita ko ngayon. Agaw atensyon ito at mapapagalitan ako. . "Nasa loob na ba si Ma'am Odette?" tanong ko kay Sara, isa sa mga staff sa loob ng opisina. "Nasa canteen pa, Bree. Paakyat na yata iyon may tumawag kasi at importante. Bakit?" "Magpapaalam lang ako. Wala akong suot na pantyhose stocking. Napunit kasi, e roving pa naman ako." Napatingin agad siya sa hita ko. Masyado nga namang maliit ang office skirt ko. "Ang flawless pala ng legs mo," ngiti niya. "Tumigil ka nga! Demerit points na talaga ito." "Oo, halata kasi masyado at tiyak ang mga VIP ay ang legs mo ang tititigan at hindi ang mukha mo," bahagyang tawa niya at napailing na lang din ako. "O, ayan na pala." Umayos agad siya at pati na ako. Inayos ko na ang sarili at ngumiti ako ng pormal nang matitigan si Ma'am Odette. And as expected, sa hita ko agad napaku ang paningin niya. Tumaas agad ang kilay niya at mala-tigre akong tinitigan. "Good afternoon, Ma'am." Mabilis akong sumunod at nakabuntot ako hanggang sa opisina niya. Sumenyas pa si Cora, ang sekretarya niya. Napalunok na ako nang makapasok sa opisina ni Ma'am Odette at umikot lang din siya sa mesa. Nangunot ang noo habang nakatitig sa makapal na papel na nasa ibabaw ng mesa at bumuntong hininga. "What do you want?" "Uhm. . . W-Wala akong suot na-" "Minus five points," agad na tugon niya. Hindi man lang niya ako pinatapos at umupo agad siya sa mesa. Nanlumo lang din ako. Kainis! Ang laki ng limang puntos at ibabawas ito sa performances ko. "Napunit kasi, Ma'am. P-Pasensya na po. Kaya mas minabuti kong ipagpaalam sa'yo, kaysa sa makita mo ako mamaya na walang suot na stocking." Hindi siya umimik at binuksan ang drawer. Nakatayo akong naghintay sa magiging sagot niya, pero para akong statwa at titig na titig lang ako sa bawat kilos niya. Aalis na ba ako? E, mukhang wala na akong magagawa rito. "O-okay po, Ma'am," yuko ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya. "Sa Isla ka na bukas. Kasama mo sina Sharon at Levi. Pack your things and you together with the team will fly after lunch." Natulala ako nang marinig ito at kinabahan sa sarili. Hindi ko alam kung bakit ako malilipat sa Isla. May isang sikat na branch ang El Real Hotel sa Isla ng Palawan. Medyo malayo ito sa sentro at naka-separate nga naman. Hindi kasing layo ng El Nido, pero parang ganun na din. Esklusibo at rinig ko ay puro mga elite at malalaking tao ang mga customers nila roon. Napalunok ulit ako at nag marathon nang lalo ang puso ko. Itatapon ba ako roon dahil wala akong silbe rito? Dios ko! Ayaw ko sa Isla. Nakakatakot doon. Madalas kasi nandoon ang may ari ng Hotel. "B-Ba't po ako malilipat, Ma'am Odette?" Napakagat ko na ang pang-ibabang labi. Nanlamig na tuloy ang buong katawan ko. "Bakit ayaw mo ba?" seryosong titig niya sa akin, at napalunok lang ulit ako. Kinabahan na akong lalo. "You got the promotion. Assistant Supervisor on that Hotel. Ayaw mo?" Napaawang ang labi ko at hindi ako makapaniwala. Did I heard it right? I got promote? Oh my goodness! "No, Ma'am. Gustong gusto ko po. Salamat!" lawak na ngiti ko. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD