“Hoy, tulala ka na naman d’yan.” Nilingon n’ya si Nadine na s’yang sumaway sa kanya. Kasalukuyan silang nasa plaza upang mamasyal kasama si Janus. Hindi naman s’ya nababahalang baka maulit ang nangyaring nakita ito ng isang nagtitinda ng balut dahil siniguro ni Janus na walang ibang makakakita dito maliban sa kanilang tatlo ng kanyang mga kaibigan. Napakurap-kurap s’ya at umiling. “W-Wala, Din. ‘Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi.” Muli n’yang itinuon ang pansin sa mga batang naghahabulan. Mag-a-alas singko na ng hapon at hindi na mainit kaya napagpasyahan nilang lumabas ng bahay. Dumaan sila kina Rhian kaninang umaga at doon namalagi hanggang matapos ang tanghalian. Umalis lang sila ng dumating ang kuya nito kasama ang mga barkada. Naramdaman n’ya ang pagsundot nito sa kanyang ta

