"Love, ano na?" tanong ko kay Daena.
Nasa loob s'ya ng banyo habang ako ay nasa kama at hinihintay s'ya. Ilang beses ko s'yang tinatawag subalit hindi ito tumugon kaya naman pumasok na ako upang sundan s'ya. Nadatnan ko s'ya na tila nauupos sa isang sulok. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Nalungkot ito kaya nilapitan ko s'ya at niyakap.
"It's okay! We will try harder. May mga kilala nga ako fifteen years bago nakabuo. Magkakaanak din tayo kaya. Siguro ay hindi pa napapanahon," pag-comfort ko sa aking asawa.
Imbes na manahimik ay lalo itong napahagulgol. Hindi ko alam kung paano ko s'ya ngayon aaluin. Hinayaan ko muna s'ya na mailabas ang kanyang nararamdaman subalit hindi ako umalis sa kanyang tabi.
"Huwag kang mag-isip ng hindi maganda. Ang mahalaga ay masaya tayo at hindi tayo bumibitaw sa isa't isa," pagpapalakas ko ng loob n'ya.
"I am sorry!" umiiyak na pahayag ng aking asawa.
Patuloy na umaagos ang luha sa buong mukha nito.
"Wala kang kasalanan! Gusto nga natin di ba? I-enjoy muna natin na tayo lang at kusa din s'yang darating," patuloy na sabi ko.
Matagal na magkayakap lang kami sa loob ng banyo.
"Proud ako dahil ikaw ang kapiling ko. Huwag na natin isipin na may kulang sa atin. Okay?" saad ko.
Tumayo na kami saka bumalik sa aming silid. Kumandong s'ya sa akin habang nakatingin.
"Sayang naman kasi ang magandang lahi natin kung hindi tayo mabiyayaan," may panghihinayang na sabi ni Daena.
"Sssshhh! Tama na!" mahinahon na pakli ko.
"Bakit hindi natin subukan magpatingin sa ibang doctor? Lahat na kasi nasubukan natin pero hindi nagbubunga," suhestiyon mula sa aking asawa.
"Sige! That's a good idea! Sa friday mag-leave tayo para makapagpatingin din sa ibang espesyalista," tugon ko.
Nabuhay ang pag-asa sa mukha ng aking asawa. Nakangiti na ito at nabura na ang lukot sa mukha.
Ilang buwan na lang ay sampung taon na anibersaryo na naming mag-asawa. Subalit kahit minsan ay hindi ito nabuntis man lang. Marami na rin kaming napuntahan at nasubukan subalit walang nangyayari. Kaya hindi ko masisi si Daena kung bakit naging ganun ang reaksyon nito pagkatapos mabasa ang resulta ng pregnancy test. Sa loob ng mahabang pagsasama namin ni Daena ay never pa kami nagkaroon ng malaking problema. Mabuti na lang din na hindi na muling nangulit pa si Daryl kaya natahimik na rin ang aking isipan.
"Love, ready ka na ba?" tanong ko kay Daena.
Kanina pa ito subalit hindi pa rin lumalabas ng bahay. Sa kotse na kasi ako naghintay sa kanya dahil kailangan ko maihanda ito bago kami umalis. Hindi nagtagal ay nakasakay na rin ito.
"Love, may dadaanan tayo ha!" bilin nito.
"Sige, basta ipaalala mo sa akin," tugon ko sa kanya.
Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng isang bangko. Ang akala ko ay mag-withdraw s'ya ng pera subalit nagulat ako na may iba itong kasama sa pagbalik. Parehas na malapad ang kanilang mga ngiti bago sumakay sa kanyang kotse.
"Let's go! Bago pa tayo ma-late sa appointment natin," pahayag ni Daena.
Subalit hindi ako natinag at nakatingin lamang sa bisita.
"Hindi mo ba sinabi sa kanya?" tanong ni Daryl sa aking asawa.
"Wala s'yang sinabi sa akin na may iba kaming makakasama," sagot ko.
"Love, ano ka ba! Ganyan ka ba magsalubong sa bagong dating na kaibigan? Matagal kayo na hindi nagkita tapos ganyan ka pa. We talked through chat minsan and I open up tungkol sa problema natin. Gladly he offered some help. Sasamahan n'ya tayo sa kakilala n'ya na doctor," paliwanag ni Daena.
"Why did you not say anything? Atleast aware ako, di ba? Hindi iyong magugulat na lang ako," masama ang loob na sabi ko.
"Akala ko kasi okay lang dahil magkaibigan naman kayo," giit na sabi ni Daena.
Bumuntong-hininga ako ng marahas para lang maibsan ang inis na aking dibdib.
"I can just give you the address kung nakakaabala ako," saad ni Daryl na nakaramdam ng tension sa pagitan ng mag-asawa.
"No! You will go with us, Daryl. Gaya ng napag-usapan natin. Ikaw nga itong inabala ko na dapat ay pahinga mo ngayon pero pinili mo na samahan kami," pigil ni Daena.
Hindi na ako nagsalita pa. Nakakabingi na katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Madalas ay si Daena ang nakikipag-usap kay Daryl. Parang mas sila pa ngayon ang may kaugnayan kumpara sa amin ni Daryl. Lumalabas pa na ako ang kontrabida sa eksena subalit wala na akong sinabi upang huwag lang magkaroon ng ibang kulay ang magiging reaksyon ko. Alam ko na sa naging asta ko sa harapan ni Daryl ay may mga katanungan na si Daena na ako lamang ang nais n'yang makasagot.
Dumating kami sa clinic at nauna ang dalawa na bumaba. Sumunod ako at sabay kami na ipinakilala ni Daryl sa nasabing doctor. Mabait din naman ito at mabilis na nakapalagayan ng loob ni Daena ang babae. Naiwan sa waiting area si Daryl habang kami ni Daena ay pumasok sa laboratory nito. Ipinaliwanag ng espesyalista ang susunod na gagawin nito. Pumirma kami sa isang papel bago kami magsimula sa procedure. Handa kami magbayad kung kailangan upang malaman namin ang dahil kung bakit hirap kami maka-buo ng aking asawa.
"Bumalik kayo tomorrow for the result if you can't wait until this afternoon," paalam ng mabait na babae.
"Nandito rin lang kami kaya maghihintay po kami," tugon ni Daena na sigurado sa nais mangyari.
Nakipag-usap si Daena sa ibang pasyente na nandoon kaya naiwan ako na katabi si Daryl sa upuan.
"Why didn't you refused? Alam mo naman na magiging awkward lang tayo sa bawat isa. Hindi magandang tingnan na magkasama tayo," pahayag ko.
Ang iniisip ko kasi ay baka malaman ng pamilya ko at ibang nakakakilala sa amin na kami ay magkasama.
"Masyadong mabait ang asawa mo para tanggihan ko. Isa pa, I wanted to help," saad nito.
"Naisip mo man lang ba na baka makarating ito kanila Daddy, ha?" pilit na pinapaintindi ko kay Daryl.
Subalit wala itong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
"Hanggang ngayon ba naman ay nabubuhay ka sa anino nila? Are you really happy?" usisa ni Daryl na medyo napikon na sa akin.
"Masaya ako! Kaya huwag ka na sanang gumawa ng kahit anong hakbang na makakasama sa aming relasyon ni Daena," paliwanag ko.
"Really? Masaya ka? Bakit natatakot ka na mapalapit ako sa iyo at sa asawa mo? Mahal mo pa ba ako kaya ka nagkakaganyan?" hamon ni Daryl.
"Of course, masaya kami ni Daena. Hindi ako magpapakasal kung hindi ko mahal ang kinakasama ko. Stop hallucinating na may nararamdaman pa ako sa iyo. Dahil matagal na panahon na nakabaon lahat iyon sa limot. Wala akong ginawa to communicate with you dahil masaya na ako sa buhay ko," dagdag na sabi ko pa.
"Are you guys having an argument?" usisa ni Daena.
Lumapit ito nang napansin na kapwa hindi maiguhit ang mga mukha namin ni Daryl.
"We are just having some discussion. I think the result is ready," tugon ni Daryl sanay pag-iiba ng paksa.
Mabuti na lang dahil lumabas na nga ang doctor hawak ang kapirasong papel. Sabay kami na lumapit ni Daena rito. As usual naiwan si Daryl na nanatiling nakaupo.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Daena was very healthy however Kevin may problema sa reproductive health mo kaya hanggang ngayon ay hindi kayo nakabuo. I am not sure what you have been told by your previous doctors but that's what I see now," paliwanag ng mabait na babae.
Ipinakita at ipinaliwanag nito ang data na nakasulat sa resulta ng aming procedure. Hindi nakapagsalita dahil nahirapan ako i-digest ang sinabi ng doktora.
"What else can we do? Any alternative option, doc?" nag-aalala na tanong ng aking asawa.
"Adoption is one. Maraming options but it may involve other people and would also be based on your preference," paliwanag nito.
Maraming katanungan si Daena sa doctor subalit ni isa ay wala akong nauunawaan. Nakalutang lang ang aking isipan at hindi alam ang susunod na sasabihin o gagawin. Nalungkot naman ang mukha ni Daena. Lumabas kami ng clinic na bagsak ang balikat. Walang nagsalita sa pagitan namin ni Daena kaya nagtaka si Daryl sa nangyari subalit hindi ito nangulit pa. Hinahayaan lang kami sa aming pananahimik at pag-iisip. Si Daena ang nagmaneho dahil wala ako sa tamang pag-iisip. Tila binagsakan ako ng langit sa natanggap na balita.
"Ano nga ba ngayon ang gagawin ko? Paano na kami ni Daena?" sabi ng aking isipan.
Pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Subalit sa nangyari ay nawalan ako ng karapatan na maging masaya at kumpleto. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa aking pamilya. Ang akala ko ay tuloy na tuloy na ang pagiging pamilyado ko na tao. Nilingon ko ang aking asawa subalit naka-focus ito sa daan. Blangko ang mukha nito. Sadyang matibay ang aking asawa. Pagdating sa bahay ay nauna ako pumasok sa aming silid. Doon naibuhos ko ang paninikip ng aking dibdib. Iniisip ko na baka ito na ang kabayaran sa lahat ng mga naging kasalanan ko at sa mga nagawa ko in the past.