↭BL∞D MONSTER↭
(Year 1966)
↭
5 Years later >>
"Yuan! Yuan! Buksan mo 'tong pinto! Sabay tayong magbreakfast!" Malakas siyang kumakatok ngayon sa pinto ng kwarto ni Yuan.
Magmula nung nagkaroon sila ng unang tampuhan nito noong bata-bata pa siya ay palagi ng nakalock ang pinto nito pero kahit pa nagkaayos na sila nu'n ay 'di na talaga siya muli pang nakapasok pa rito.
"Hayss..." Iniwan niya na lang sa tapat ng pinto nito ang tulip na bagong pitas niya.
Doon na naman siguro 'yun magdamag kasama 'yung babae niya.. Kaiinniisss!! Haba ngusong litanya niya.
Hayy naku, hanggang kailan kaya kami ganito? Hmmp!
.....
I am Avinir Satanus, 'yan ang pangalang ibinigay sa akin ni Yuan. 'Di naman sa wala akong respesto sa kanya pero 'yun kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Yuan lang.
Wala rin naman akong balak tawagin siyang Daddy, Tito or Kuya kahit pa siya ang umampon at pumulot sa akin no'n dahil wala rin naman sa mga iyon ang turing ko sa kanya at 'yun ay dahil sa gusto ko siya. Tama, Gusto ko siya bilang Prinsipe— bilang napupusuang mapapangasawa ko balang araw! Marahil sasabihin mong bata pa ako na 10 years old pa lang ako ganito na kaagad ang naiisip ko pero para sa'kin siya lang ang kayamanan ko.. dahil kung wala siya wala rin ako.
Kaya simula noon nagkapagdesisyon na ako. Ako! Ako na ang magiging asawa ni Yuan paglaki ko! Hahahaha! *witch laugh*
" 'Di ka pa rin talaga sumusuko Ms. Avinir.. Hayaan mo na si Master, Hmn.. tulog pa siguro 'yon." Sabi ng tagapagsilbi nito kaya kumain na lang siya mag-isa ng paboritong breakfast meal niya.
Pandesal & Butter freshly made by Luirica.
Siya nga pala si Luirica.. Ito naman ang tagapangalaga ni Yuan na medyo mas bata rito at aking guro sa lahat ng bagay na dapat kong matutunan lalo na sa mga gawaing bahay.
Siguro mas mabuti kung si Luirica ang tinatawag ko ng may paggalang dahil simula nung baby pa ako ito na talaga ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa akin. Lahat kasi ng alam nito na dapat kong matutunan ay itinuturo niya sa akin kaya lang gaya rin ni Yuan pangalan lang din nito ang gusto niyang itawag ko sa kanya.
"Hmmp! Akala niya siguro titigilan ko siya pero hindi! Hindi pa rin ako susuko.. Tama. Darating ang araw at makakasabay ko rin siyang kumain pero diba dapat ngayon pa lang masanay na siyang gawin 'yon? Dahil ako ang feather wife niya? Pagnag-eighteen na ko pwede niya na kong pakasalan."
"Ahm.. Hahaha... Masyado ka pang bata Ms. Avinir atsaka ang gusto ni Master 'yung mga—"
"Feather wife? Tch. It's Future not feather. Démį (Idiot) and about that marriage— Masyado ka na atang nahihibang bata." Bigla na lang itong sumulpot sa kung saan at kinurot na lang bigla ang pisngi niya.
"Uiamm!!" Hindi niya na halos mabigkas pa ang pangalan nito dahil sa pagkakakurot nito sa kanya pero dala ng matinding pagkasabik nung makita niya ito ay balewala na 'yun sa kanya at agad niya lang itong niyakap.
Right. Nayayakap niya na si Yuan ngayon na dati ni dulo ng daliri nito ay 'di niya nahahawakan.
"Future pala 'yun.. Hehehe! Basta lagi mong tandaan ako na ang mapapangasawa mo!" Hindi pa rin siya bumibitaw ng yakap dito.
"Ang taas ng pangarap mo kutong lupa Tch. Layo nga. Isa pa ayoko sa babaeng walang boobs." Sabi naman nito na tinanggal ang pagkakayakap sa kanya.
"Ano ka.. Lalaki rin 'yan! Makikita mo luluwa rin 'yang mga mata mo pagnagdalaga na ko.. Hmmp!" Bwelta niya rito habang sanay naman si Yuan sa ganitong usapan nila pa'no laging 'yun nalang kasi ang topic nila.
"Then Wish you luck anyway, Luirica 'yung pinapaayos ko. Suleta gyivi wo ti. (I'm going to rest)." Naglakad na ito paalis atsaka biglang naglaho.
Alam ni Avinir na sa kwarto ito papunta kaya naman pinuntahan niya rin agad ang silid nito at ganu'n na lang ang paglaki ng ngiti niya ng makita niyang wala na 'yung tulip na iniwan niya roon.
"Ayos!" Masayang reaksyon niya atsaka lakad-talon siyang bumalik sa kwarto niya para makapaligo na.
Simula nung magkaisip siya alam niya ng hindi pangkaraniwang nilalang ang mga kasama niya rito sa malaking mansyon na ito. Tanging tatlo lang kasi sila nila Yuan ang nakatira rito kaya naman madami na talaga siyang napansing kakaiba sa mga ito.
Una, kay Luirica. May tenga kasi ito na hugis tatsulok, maliit na pakpak na kulay itim na parang sa paniki at may buntot ito na medyo pa curl at may hugis pana sa dulo. Basta! kakaiba talaga ang buong kaanyuan nito bukod dun ay marunong silang gumamit ng mahika.
Malalaman mong malayo ang agwat ni Yuan kay Luirica dahil gaya ng sabi sa kanya ni Luirica si Yuan daw ay kayang pagmukhaing normal na tao ang itsura nito sa isang pitik at salita lamang. Madali raw para rito na itago ang magkaibang kulay na mata nito, sungay, pakpak at buntot na hindi niya maisip kung totoo nga ba ang mga 'yon dahil sa pagkakaalala niya buntot at sungay pa lang naman nito ang nakikita niya rito pero dahil sa paniniwalang magiging asawa niya si Yuan no problemó kahit magmukha pa raw itong tipaklong.
Pangalawa, tumatagos sila ng pader na minsan ay ginaya niya noong babying-baby pa siya kaya makailang beses siyang nagkaroon ng bukol sa ulo niya, madalas tuloy sabihin sa kanya ni Yuan na marahil dahil sa ilang beses na pagkaalog ng ulo niya kaya ganu'n na lang kahina ang utak niya. Ito kasi ang nagtuturo sa kanyang magbasa, magbilang at kung ano-ano pa.
Pangatlo, hindi sila tumatanda as far as she remember kung ano ang itsura ni Yuan at Luirica dati ay ganu'n pa rin ang mga ito ngayon.
Syempre marami pangpatunay na naiiba siya sa kanila at ang alam niyang kauri niya ay 'yung mga taong minsan nakikita niya sa labas at nababasa niya sa libro na walang alam sa mahika pero ang pinakamalalang paraan na napatunayan niya iyon ay nung minsang pairalin niya ang katigasan ng ulo niya at naging dahilan din kung bakit hindi na siya nakakapasok pa sa silid nito ngayon.
Four years ago
"Wag.. W-wag po please... Agh!" Bigla na lang napabalikwas ng bangon si Avinir habang habol ang hininga niya at pinipigilan ang maiyak.
Nagkaroon na naman kasi siya ng masamang panaginip kung saan iniwan siya ng mga tao sa paligid niya at kahit anong pakiusap niya ay tinalikuran pa rin siya ng mga ito.
"Yuan.." Unang naisip niya.
Nang mahimasmasan siya ay 'di na rin siya ulit nakabalik pa agad sa pagtulog niya. Mag-isa lang siya rito sa malaking silid na ito at tanging buwan na lang ang nagsisilbing liwanag ngayon sa kwarto niya.
"Nakauwi na kaya si Yuan?" Tumingin siya sa orasan niya at nakita niyang malapit ng maghating gabi nung mga oras na 'yon.
Alas nuebe pa lang ng gabi ay talagang pinapatulog na siya at pinagbabawalan ng lumabas ng kwarto niya pero dahil sa masamang panaginip niya ngayon gusto niyang makitang may kasama siya rito sa bahay nila, natatakot kasi siya na baka magkatotoo 'yung panaginip niya na iniwan na siya rito ng mga kasama niya ng mag-isa.
Gusto niya sanang puntahan si Yuan ngayon at silipin kung nakauwi na ba ito at kung maari rin makikiusap sana siya na makitulog muna kahit sa sahig lang ng kwarto nito o kahit pa doon lang sa may pintuan nito ay ayos na sa kanya sadyang natatakot lang talaga siyang magpag-isa ngayon, pakiramdam kasi niya ligtas siya kapag malapit siya rito.
Naglalakad na siya papunta sa kwarto ni Yuan nang makirinig siya ng malakas at malalalim na paghinga, mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba kaya naman mas binilisan niya pa ang paglalakad niya habang mahinang binabanggit ang pangalan ni Yuan at Luirica.
Hanggang sa napansin niyang nakabukas ng malaki ang pinto ng kwarto ni Yuan at dala na rin ng takot niya kanina dali-dali siyang lumapit dito para magsumbong sana.
"Yu—" Bahagyang natigilan siya at nanlaki ng sobra ang mga mata niya.
Ibang-ibang Yuan kasi ngayon ang nakikita niya, nakatalikod ito at tanging liwanag lang galing sa nakabukas nitong bintana ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto nito.
Ang malalakas rin na paghinga nito ang tanging maririnig lang ng mga oras na iyon. Alam niyang si Yuan 'yun, wala itong pang itaas na damit at nakapantalon lang ito, punong-puno rin ng kung ano-anong marka ang buong katawan nito at higit sa lahat may malaking sungay ito at mahabang buntot ngayon.
"Y-Yu-Yuan..." Natatakot na may halong sobrang kaba na tawag niya rito— ni hindi niya nga magawang igalaw kahit anong parte ng katawan niya dahil tila napako ba siya sa kinatatayuan niya.
Pero ang mas ikinagulat niya pa ay 'yung nakita niyang nasa mga kamay nito hindi malinaw iyon sa kanya pero para itong laman loob na pumapatak pa ang napakaraming dugo mula rito.
"Alis." Doon na nanginig ng tuluyan ang mga tuhod niya dahil sa laki at malahalimaw na boses nito, bakas din ang matinding galit sa pagkakasabi nitong iyon.
Nanatiling nakanganga ang bunganga niya na tila 'di alam ang sasabihin niya at dahil mukhang nainis na ito sa kanya bahagya itong lumingon sa direksyon niya upang tingnan siya, kalahati lang ng mukha nito ang nakikita niya pero kitang-kita niya ang kaliwang mata ni Yuan na wala namang pinagbago pero ang mas nakaagaw pansin sa kanya ay nung makita niyang mula sa bibig nito hanggang sa may baba nito ay may tumutulo ring mga dugo mula roon.
"AGH—" Pasigaw pa lang sana siya ng malakas nang biglang sumulpot sa harap niya si Luirica at ang sumunod na pangyayari ay 'di niya na alam dahil nawalan na siya ng malay.
"Ms. Avinir!" Bahagyang napatalon na lang siya mula sa pagkakaidlip niya sa bathtub niya, mabuti na lang at 'di siya nalunod dito dahil sa pagkakatulog niyang iyon.
"Luirica, bakit?" Tanong niya rito mula sa banyo.
"Magpapaalam sana ako saglit baka kasi hanapin mo ko.. babalik din ako agad Ms. Avinir." Sabi nito sa kabilang panig ng pinto.
"Okay, Balik ka kaagad ha." Ito lang kasi palagi ang kabonding niya rito dahil hapon pa talaga ang gising si Yuan.
'Di niya na rin ito narinig pang sumagot pa sa kanya kaya alam niyang nakaalis na ito kaagad.
Mabilis niyang tinapos ang paliligo at nag-ayos ng sarili niya. Plano niya na lang kasing pumunta na lang muna sa library nila rito para kumuha ng panibagong libro na maaring basahin niya.
Bitbit ang lumang libro na ibabalik niya ay lumakad na siya paalis pero syempre bago pa man siya magtungo sa library ni Yuan ay pumitas muna siya ng tanim niyang tulip at iniwan muli ito sa tapat ng pintuan nito.
Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti ng maalala 'yung panaginip niya kanina, kung saan unang beses niyang makita ang ganu'ng anyo ni Yuan. Maaring nakakatakot ngang karanasan iyon pero dahil din dun nagkaroon ng malaking pagbabago ang pakikitungo ni Yuan sa kanya ngayon.
"Hehehe! May maganda rin palang dulot 'yung pagiging makulit ko noon." Nagpatuloy na ito sa paglalakad papunta sa silid-aklatan ni Yuan nang biglang mapatigil ito at may mapansin siyang kung ano sa gitna ng sahig nila.
Kulay itim na bilog iyon na may nakalutang na mga letrang gumagalaw paikot dito na sa pagkakatanda niya'y nakikita niya lang ang ganito sa tuwing umaalis sa kung saan si Yuan, para itong lagusan na hindi niya alam kung papunta saan pero alam niya na sa tuwing ginagawa 'yun ni Luirica o Yuan mabilis din iyong naglalaho pero itong nasa harap niya ngayon mukhang walang balak maglaho.
Nang makalapit siya ng husto rito ay may napansin siya sa gitna nito.
"Teka.. Bunbunan ba 'yan?" Napaupo pa siya roon para silipin ito ng maigi.
"Grabe, bunbunan nga!" Pinindot-pindot niya ito na wala naman na siyang ibang makita bukod sa pinakatuktok lang ng ulo na iyon.
"Ayy!" Napaigtad na lang siya bigla nung parang nanginginig ito at gumalaw-galaw pa ng sobra kaya sa takot niya pinukpok niya ito ng paulit-ulit ng librong hawak niya hanggang sa lumubog ito at tuluyang mawala. Mabuti na lang at 'di lumusot 'yung librong hawak niya kundi magagalit talaga si Yuan sa kanya. Hinintay niya pang may lumitaw muli rito pero ng mabagot na siya ay 'di niya na ito pinansin pa at umalis na rin doon.
Ngunit pagkaalis niya maya-maya lang din ay nadagdagan na lang ang laki ng bilog na iyon.
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Yun oh~ Hehehe! Di ko hahabaan bawat chapter hirap eh.. 'Di kerokeropi ng aking pawers. 'Yung ibang napublish ko kasi dapat di bababa sa 4k words this time sakto lang.
SKL : Ang dami kong napanood na Japanese movie ngayon hohoho!
Ang gaganders!
Sinu BL fan dito like me? Hi sayu!
YOU may now proceed to the next chapter..
If merun na..