Ellah Marie Hindi na kami nagkita pa ni kuya Adam dahil biglang nag-iba ang araw ng alis namin. Imbes na sa makalawa pa ay naging kinabukasan na agad. Kaya ngayon ilang araw na rin kami dito sa probinsya kasama sila lolo at lola pati ng mga pinsan ko. Naging masaya at puno ng tawanan ang naging bonding namin. Nagkakilanlan kaming mag pipinsan, Mababait silang lahat kaya nakagaanan kona agad sila ng loob. Kaya hindi man lang ako nakaramdam ng pagkainip. Wala gaanong signal dito sa probinsya kaya pinatay ko na lamang ang telepono ko. Wala naman akong kokontakin o tatawagan. Oo si Gab pero alam naman niya na hindi ako mahilig makipag usap lagi sa telepono kaya alam kung hindi siya mag-eexpect na kokontakin ko siya, pero si Kuya Adam? 'Yon ang hindi ko alam. Hindi rin naman siya naghanap ng

