Ellah Buong araw kami magkasama ni Adam sa bahay nila upang ako ang personal na mag alaga sa kanya, May kinuhang lalakeng nurse si Tita Nicole pero naka alis din dahil ako ang siyang gusto nitong mag alaga daw sa kanya, graduate na daw kasi si Tita Nicole sa kanya at ako na lang ang siyang pinalit nito. Natatawa na lang ako kasi alam ko naman na may balak siya kahit na puros pantal ang katawan nito. Gaya ngayon naghahanda na rin kami matulog na dalawa. " Baby gusto ko sana maligo pero bawal ako mabasa sabi ng doktor ko, kaya punasan mo na lang ang katawan ko hmm? " Paglalambing nitong utos sa akin habang naka nguso pa ang labi nito. Naka tayo ito sa bandang pinto ng banyo at papasuk na sana nang may biglang naisipan. " Pwede naman, pero punas lang ahh," paninigurado ko pang sagot din s

