Lady Ellah " Lady Ellah nakahanda na po ang lahat kayo na lang ang hinihintay. " " Susunod na po ako." Malungkot ngayon ang buong Empire Group dahil sa pagpanaw ni Don Jacintho Borromeo ang lolo ko matapos ang tatlong buwan simula nang matagpuan nila ako. Aaminin kung sa loob ng mga buwan, araw, oras na kasama ko ang lolo ko'y nakilala ko ang totoong pagkatao nila ni lola Isabelle. Sobrang napamahal na ako sa kanya at mababait din sila sa mga nasasakupan nilang empleyado. Sa loob ng mga araw na iyon ay marami siyang nai-kwento sa akin tungkol sa totoong nanay ko na si Sheina. Mabait naman daw talaga ang nanay ko kaya lang nalulong sa masamang bisyo gaya ng pagsusugal. Aaminin din daw niya na malaki ang naging kasalanan nila sa kanya dahil tinanggalan daw niya ito ng mana at ibang ari-ari

