Kabanata 2

1951 Words
Ellah " Mano po Ninong Art." Mabilis lumipas ang araw at dumating na nga sila Ninong Art at Tita Nicole mula sa bakasyon. " Welcome back po Tita." Humalik ako kay Tita Nicole at nag mano naman ako kay Ninong Art. Nadatnan ko sila sa kusina na magkasamang nagluluto. Napaka-sweet talaga nilang dalawa. Nabanggit sa akin ni Gab na malaki ang agwat ni Ninong at Tita Nicole pero kung titingnan mo sila parang magka edad lang, dahil hanggang ngayon magandang lalake pa rin si Ninong. " Matanda na ba ako Hija? bakit kay Misis ko kiss sa cheek, samantala sa akin pang matanda? " Alam kong nagbibiro lang si Ninong pero seryoso ang pagkakasabi niya kaya hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. " Po? ah e__" Napapakagat na lang ako ng aking daliri sa kawalan ng masasagot kay Ninong, nakasandal ito sa may sink habang tinitingnan ang niluluto ni Tita. Pinatay ni Tita ang kalan saka humarap sa asawa na seryoso pa din hanggang ngayon. " Ha ha, mister ko matanda ka naman na talaga, tinatakot mo naman si Ellah n'yan." sagot ni Tita Nicole sa asawa na kunot noo pa rin. " Tinawag mo akong matanda, misis ko?" Tumayo si Ninong ng tuwid saka nilapitan si Tita na pinipigilan ang tawa. Dito ako dumeretso kanina nang malaman kung dumating na nga sila. " Isa Arthuro, binabalaan kita__," tumakbo pa labas si Tita Nicole at hinabol naman ito ni Ninong. " Hay," sabi ko na lang, para kasi silang mga bagong kasal na naghahabulan dito sa loob.Sinundan ko sila sa labas dahil natutuwa ako silang pagmasdan. " Ang sweet nila noh? sana kami din ni Lloyd." Biglang dating naman ni ate Mira mula sa itaas.Ang ganda-ganda niya talaga, kung titingnan mo parang buhay na manika lang siya, Parang female version lang ni Ninong. " Asa ka pa, 'yang arte mong 'yan hindi ka type ni kuya Lloyd kasi iba ang gusto niya, oh, hi besty taba." na siya namang dating ni Gab, pawis na pawis ito mukhang galing sa gym. " Eww pangit, you're so sweaty, kadiri, yaks." Natatawa na lamang ako sa tabi habang pinagmamasdan silang dalawa. Mas malaki ang agwat sa amin ni ate Mira pero kung mag-asaran sila ni Gab ay parang magka-edad lang.Masyado kasing mapang-asar si Gab, si kuya Adam lang ang hinid niya kayang asarin. Mas naging malapit kami ni Gab kaysa kay ate Mira dahil palagi itong sinasama ni Tita Nicole sa shop nito at si Gab ay naiiwan sa bahay kasama si Ninong na dito lang ang opisina sa bahay. " Yak, yak ang arte, mabuti pa itong si besty taba hindi nandidiri sa'kin." Ako naman ang siyang binalingan ni Gab. Pina-amoy niya lang naman sa akin ang pawisan nitong t-shirt na kahit hindi naman mabaho ay nakaka diri nga naman. " Ano ba Gab, ang baho kaya," Ibinato ko ulit sa kanya ang t-shirt nito ngunit gaya ng dati ay hahabulin na naman ako. " Ahh, gano'n ah, maarte kana ngayon, porke hindi na ikaw ang besty kong taba." Parang alam kona pag ganito si Gab, minsan pikunin pero ang hilig mamikon. " Isa Gab, isusumbong kita kay Ninong ___ " Para kaming bumalik sa pagkabata na naghahabulan dito sa loob ng mansyon nila. " Mommy, daddy si Gab panget inaasar na naman kami ni Ellah." Sumbong ni Ate Mira sa mga magulang na ngayon ay nasa kusina na. " Ninong ohh, si Gab," takbo pa rin ako nang takbo hanggang magawi ako sa pintuan at sakto naman na may nakabangga akong malaking katawan at mabango. Maliit lang ako kaya hindi ko kaagad napagmasdan ang kanyang mukha, pero parang pamilyar siya sa akin, parang naamoy kona ito na hindi ko lang matandaan kung saan. " Kuya Adam!" Dinig kong sigaw ni Arries mula sa aking likuran, kaya naman dahan-dahan kung itinaas ang aking mukha at si Kuya Adam nga ito. Kunot ang kanyang noo na para bang hindi natutuwa. " Hi Kuya Adam.", bati sa kanya ni Gab. Tango lang ang isinagot, saka ulit binaling sa akin ang atensyon. Humakbang ako ng isa patalikod dahil sa labis na taranta. Mukha kasi siyang galit. " S--sorry po Kuya Adam, si Gab kasi." Kinagat ko uli ang aking daliri, dahil gaya kanina natataranta na naman ako. " Baby ko, halika kay mommy, na-miss kita." Titig na titig pa rin ito sa akin na para bang malaki ang nagawa kung kasalanan sa kanya, ngunit nang humarap sa mommy nito'y bumalik na ulit ang masayang aura. " Mom, I miss you too, but please I am not your baby anymore, pwede na nga ako gumawa ng baby." Bakit ko ba nakalimutan na linggo ngayon kaya siya nandito,umuuwi talaga ito kapagka linggo dahil may family day pala sila. " Stop biting your fingers." Dinig ko pang bulong nito sa akin bago ako lagpasan at lumapit sa mga magulang niya. Kaya naman dali-dali kung natanggal ang aking hintuturo mula sa aking bibig. Bakit ba siya ganito? bumalik na naman sa pagiging masungit at hindi na naman ako pinapansin. Noong nakaraang linggo lang masaya pa niya akong kinakausap at pinunasan pa ang muta ko sa mata. Akala ko tuloy-tuloy na. Akala ko bumalik na sa dati ang kuya Adam ko kung saan napakalambing nito sa akin. Nalungkot naman ako. " Oh, malungkot kana naman, hayaan mona si Kuya, siguro marami lang iniisip,halikana dinner time na at mamaya ipaparinig ko sa'yo ang bago kung compose na kanta para kay Jenny." Isa pa itong si Gab, naging official Girlfriend na niya si Jenny na gaya niya ay sikat din sa school. " Puro ka na lang Jenny, hmm, uwi na lang ako." Tinalikuran ko siya ngunit natigilan ako nang marinig kong muli ang boses ni Kuya Adam. " Ellah, uuwi kana? Join us." Nakaramdam ako ng saya sa simpling tawag lang nito sa akin. Kaya natigil ako at humarap muli. " Sige po." mahinang sagot ko. Nasa may dining table na sila, hindi naman niya ito nadidinig. " Kita mona, sabi sa'yo marami lang iniisip si Kuya Adam, " Inakbayan ako ni Gab at nakangiti naman akong nagpatangay sa kanya palapit sa kanila kung saan naroon na silang lahat at masayang kumakain sa mahabang mesa. At home na at home talaga ako sa pamliya nila dahil nakasanayan na nilang may naka reserve na upuan sa akin, na napapalagitnaan ni Gab at kuya Adam. Simula kasi pagkabata ko'y halos dito na ako nakatira, maghapon kasi ako narito lalo na noon noong nagtatrabaho pa si nanay at si tatay naman ay may inaasikaso sa labas. " So, how's Rosalen? bakit hanggang ngayon hindi mo pa siya sa amin pinapakilala Adam? " Tanong ni Tita Nicole sa kanya. " Oo nga naman anak, kilala namin ang girlfriend mo because she's a celebrity pero in person hindi pa namin siya nakikilala." Segunda naman ni Ninong. Tahimik lamang kami at naghihintay sa sagot ni Kuya Adam. Sino kayang Rosalen ang tinutukoy nila? " Mom, dad, it's Rose, 'yan ang screen niya Rose Borja." Nabilaukan ako bigla nang makompirma ko na si Rose Borja pala ang tinutukoy nilang Rosalen. Ang isa sa pinaka sikat na modelo/artista na hinahangaan ng maraming kalalakihan at maging ng mga kaedaran kong mga babae. Magaling kasi siyang umarte, kumanta at sumayaw. Kaya hinahangaan ko din siya. " Are you alright, hija?" tanong ni Tita Nicole. " Tubig." " Drink it," sabay na abot sa akin ni Gab at kuya Adam, at dahil juice ang hawak ni Kuya Adam kaya 'yung kay Gab ang kinuha ko at dali-dali kong ininum. " Dahan-Dahan kasi," si Gab na natatawa, pinunasan pa nito ang aking bibig at hinahagod din ang aking likod. " Thanks, Best." " Tsk, clumsy," dinig kung sabi ni Kuya Adam at pabalag nitong binaba ang hawak na baso na may laman na Juice. " Soon mom, dad busy lang talaga siya sa bagong movie niya and so I am." sagot nito sa kanila. " I don't think so, kuya are you sure na ikaw ang boyfriend niya? " " Mira not now, wala ako sa mood." sagot nito sa tanong ni ate Mira sa kanya. " I'm just asking Kuya Adam, kasi lagi silang laman ng entertainment news ng bago niyang ka love team ngayon." " I said, stop!" Napataas na boses nitong saway sa kapatid. " Adam wala naman masama sa tinatanong ng kapatid mo, besides nagsasabi naman siya ng totoo." Pagtatanggol ni Tita Nicole. " Tama na 'yan nasa hapag kainan tayo, at ikaw naman Mira hayaan mona ang kuya mo, he's old enough to know the truth." Ma awtoridad na saway ni Ninong sa kanila. " Sorry, dad, mom, and Kuya," Si ate Mira " Sorry po, masakit lang ang ulo ko." Nagpatuloy kami ng pagkain, parang bale wala naman ang sagutan ng dalawa dahil center of attraction na naman ang kambal at mga kalukuhan nila kaya napalitan ng tawanan at kulitan ang hapag kainan nila. " Wait, may kukunin lang ako, dessert natin," tumayo si kuya Adam at tinungo ang kusina, tapos na rin naman kami kumain kaya nagpapahinga na lang. Maya-maya'y bumalik ito dala ang tray na may lamang " Wow ice cream! na miss ko kumain nito Kuya, ngayon ka nalang ulit nagyaya kumain ng ice cream." Inilapag niya ito at isa-isa sinalinan ang mga kapatid pati na rin ng mga magulang niya. Tahimik lamang ako at naghihintay na bigyan niya ako. Nakaharap pa naman sa akin ang isang galoon ng Strawberry ice cream na pinangako kong hindi na muli akong kakain kung hindi galing sa kanya.Ngunit matapos nga niyang mabigyan lahat ay hindi pa rin ako nito binibigyan. " Ellah hija,bakit hindi ka kumain ng ice cream? " tanong sa akin ni Tita Nicole. Tumayo ako kailangan makaisip ng palusot para hindi ako magmumukhang nagtatampo. " Tita, hindi na ho kasi ako kumakain niyan, baka tumaba na naman ako at aasarin na naman nitong taba," ang tinutukoy ko ay si Gab. " Kaya naman pala ang sexy mona Ellah, siguro may boyfriend kana." Natutuwang tanong ni ate Mira sa'kin. " Hoy panget, huwag mo igaya ang kaibigan ko sa'yo na habol nang habol sa lalake na hindi naman gusto." singit naman ni Gab mula sa aking tabi. " Look who's talking, alamo mo ba mommy si Gab___" " Ate Arriane mas lalo ka yatang gumaganda." " Ngayon mo lang napansin Gab? umalis na ako at iniwan na lang ang bangayan ng dalawa. Gabi na rin naman at may pasok na rin bukas. Naisipan kong dumaan sa likod bahay kung saan dating nakatayo ang tree house na ngayon ay kalahati na lang ang natitira. " I will never forget that once upon a time there was a child who used to cry always but with just a cup of ice cream she instantly smiled." Napalingon ako at sobrang nagulat na isang dangkal na lang pala ang lapit nito sa akin. " Kuya Adam? ___ "A smile that melts my heart and gives a shimmering into my eyes." " Kuya___ " Just a moment Ella, I want to hold you and feel you, even just now." Tuluyan akong hindi nakakilos ng yakapin ako nito ng mahigpit. Malakas ang paghinga niya at ramdam ko din ang mabilis na t***k ng puso nito. " Do you feel it, Ellah? that's my heart that beats too fast, in due time you will also know what that means." " For now, itong ice cream na muna ang kaya kong ibigay, akala mo nakalimutan na kita? " Kumalas siya at ginulo nito ang aking buhok,kinurot din nito ang tungki ng aking ilong, bago kinuha ang nakapatong na malaking strawberry ice cream sa may bench at naka ngiti niya itong ibinigay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD