Kabanata 6

1516 Words
Ellah Marie Hindi naman kami masyadong ginabi ni Kuya Adam sa pag-uwi kaya bago mag alas nuebe ng gabi ay nasa bahay na ako. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog, mag aalas dose na at dilat na dilat pa rin ang aking mata. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang eksena namin kanina. Maraming kinikilig pero ako hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Siya pa lang ang kauna-unahang lalake na nagtapat sa akin at si Kuya Adam pa ito, ang tinuring kung kuya ay may gusto pala sa akin? Ano ba ang dapat kung maramdaman? Oo at nakakakilig ang ginawa niya pero nagdadalawang isip kasi ako. Kilala siyang tao at alam ng lahat kung sino ang girlfriend niya, kaya naguguluhan ako kung bakit kailangan pa niyang aminin na gusto niya ako? " Ano ba Ellah matulog kana, maaga ka pa bukas." Saway ko sa king sarili. " Seryoso ba si Kuya Adam sa akin? baka nag-prank lang siya? Pero bakit naman ang saya-saya niya at nagsisigaw pa sa restaurant kanina? " Para na akong sira na sinasagot din ang mga tanong ko. Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na matulog kaya ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang umilaw ang cellphone ko kaya naisipan kong tingnan na muna, baka sakali makatulog ako. At hindi ako makapaniwala sa nagpop-up ng messages. Hindi ko naman matandaan na naibigay ko sa kanya ang number ko at lalo wala naman siya sa friendslist ko. "1 new message from Nick Adam Mendez" Paano niya kaya nakuha? Hindi kaya 'yung kunyaring may tatawagan daw kuno siya? Hiniram niya kasi ang phone ko at lowbat lang daw siya. So ang totoo pala is ni add niya ang sarili niya para friend's kami. Kailan pa siya ang f*******:? Ang alam ko hindi siya gumagamit nito dahil para lang daw sa mga jologs pero bakit ngayon meron na rin siya? At Real account na. Actually, marami siyang dummy account na gawa lang ng mga fans niya.Pero ito alam ko siya na talaga. Ayaw ko na sana buksan ang message niya pero nag-vibrate nang vibrate ito kaya binuksan ko nalang. " Baby ko." " Baby ko, Runner Ka ba? kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko." " I know you're still awake because you're thinking about me too." Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa, ako ang siyang teenager sa aming dalawa pero daig niya pa ang teenager sa mga paandar niyang ganyan. " Matutulog na po sana kaya lang istorbo ang cellphone ko." Sent, bahala siya kaya papatayin kona sana ang cellphone ko ng bigla itong tumawag kaya para matapos na sinagot ko nalang. " Bakit po kuya Adam, inaantok na po ako," Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa silid ko kundi, makikita ni nanay at tatay na hindi pa rin ako natutulog. " Bakit madilim baby ko, please magpa ilaw ka, gusto lang kita makita para makatulog ako ng mahimbing." Ganito ba talaga ang mga lalake. Kung hindi ko lang siya tinuring na kuya ay baka kinilig na ako ng bongga pero hindi ko pa alam kung ano ba itong nararamdaman ko sa kanya. " Hindi na po, tinatamad ako bumangon at saka po matutulog na nga ako kaya walang ilaw." Sagot ko sa kanya. Habang naka higa at siya naman ay naka tayo sa may labas, nakikita ko ang puno na putol at ang likod bahay namin.Paano niya kaya na akyat ang pader? pwera na lang kung may lihim siyang lagusan. " Sige ka pag hindi mo binuksan ang ilaw mo aakyatin kita diyan, at alam mong hindi ako nagbibiro Ellah." Nanlaki bigla ang aking mga mata dahil baka nga totohanin na naman niya, lalo na at tanaw kona ang bintana ng kwarto ko at alam ko walang imposible sa kanya, kaya naman mabilis kung binuksan ang lampshade sa aking tabi. " Ayan na po, please lang balik na kayo sa kwarto ninyo." Nakikiusap kong utos sa kanya. Ano na lang isipin ni tatay at Ninong pag nakita siya sa labas ng ganitong oras? " Bakit ba kasi ang tagal pa ng birthday mo baby ko, excited na ako na maging akin ka." Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan at kinilabutan ako sa sinabi ni Kuya Adam. Seryoso ba siya? Wala pa naman ako sinasabi sa kanya pero ano bang meron sa birthday ko at atat na atat siya? " Sige na po matutulog na ako." Yun lamang ang aking isinagot at pinatayan na siya ng tawag, pati na rin ang cellphone ko'y pinatay ko na rin para hindi na niya ako matawagan. " Ellah kung ano-anu kasi sinabi mo ayan tuloy." Pinilit kong makatulog at nagtagumpay na rin ako sa wakas. *** Kinabukasan ay katok sa pinto ni nanay ang siyang nagpagising sa akin. " Ellah anak, may pasok ka ba? alas syete na." Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso agad sa banyo upang maligo. Alas otso pa naman ang pasok ko pero ayaw ni Gab na nale-late. Nagmadali ako maligo at matapos nag bihis at nag ayos saglit saka nagmadaling bumaba. " Nay, bakit ho hindi ninyo ako ginising ng mas maaga," umupo ako sa hapag kainan para inumin ang gatas na inihanda sa akin at kinain din ang pandesal na may palamang itlog. " Aba'y malay ko ba, nasanay lang kami na kusa kang gumigising anak, kaya akala namin wala kang pasok." Sagot naman ni nanay. " Sige na po, aalis na ako baka magalit na naman si Gab pag tumagal pa ako, sige po Nay, Tay, bye bunso.Hinalikan ko sila isa-isa saka nagmadaling lumabas at isang nakasimangot na Gab na nga ang sumalubong sa akin. " Ang tagal mo__ " Sorry, na late lang ng gising." Pumasok ako agad sa kotse niya at hindi na lamang inintindi ang sinabi pa nito. " Kulang na lang iisipin ko may kausap ka sa gabi kaya ka na puyat at late nagising." Sabi pa nito. Natigilan ako at hindi makapag react. Paano kong malaman niya na ang kuya Adam niya pala ang dahilan kung bakit ako napuyat. " Kung anu-ano iniisip mo, sige na baka lalo tayong ma late." Dahilan ko nalang, pero may hirit na naman siyang tanong, ganyan si Gab pag hindi kombinsido sa sagot ko. " Sino nga pala kasama mo kahapon? " Tanong pa nito, dapat ko na bang sabihin na ang kuya Adam niya ang siyang kasama ko? bahala na nga " Si Ku__ " Sabi ng tatay mo mga Tita mo raw? Bakit hindi ko kilala? " Panabay namin naming sabi, mabuti na lang at hindi niya nadinig ang sinabi ko. " Oo tama sila Tita, niyaya lang ako mag dinner, sige na mag focus ka na lang sa pagmamaneho, saka kuna ikukwento." Sorry Gab kung kailangan kong ilihim sa'yo. Nagkipit balikat na lang si Gab at nagpatuloy na rin sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa school, at sakto pag pasok namin saka nag bell. " Best, practice kami ngayon kaya mamaya pa ako papasok." Paalam nito sa akin. " Sige best sabihan ko na lang si ate Jenny pag nakita ko." " Hindi na kailangan, naamoy ako 'non." Sira talaga, naamoy siya? napapailing na lang ako sa kalukuhan ng kaibigan ko. Nagpatuloy ako sa classroom pero nagtataka ako kung bakit ang daming tao sa field. Kaya naalala ko first subject namin ngayon ay PE kaya imbes na sa classroom ay dumiretso ako sa locker para makapag bihis ng PE uniform, short kasi ito kaya dito na kami nagbibihis. " Grabe excited na ako sa bagong PE teacher natin." Dinig kong usap-usapan sa labas habang nagbibihis ako. Tama naka maternity leave na pala ang PE teacher namin at 'yung assistant niya pansamantala lang,sino naman kaya ang pumalit? At dahil wala si Gab at wala naman ako friend's at ako lang ang siyang walang ka grupo kaya naman umupo na lamang ako sa may dulo ng bench para hindi na nila ako makita at mapansin. " Good morning, grade 11 students. Alam ko lahat kayo excited nang malaman kung sino nga ba ang bago ninyong guro na pansamanatalang papalit kay teacher Anna, Tama? " " Yes, Ma'am," "Sige, Hindi ko na patatagilin; He was excellent in academics when he was studying here; he's also a fresh graduate with honors; he's an athlete and a very talented young Architect just like his Father, no other than Mr. Nick Adam Mendez." Kumukurap-kurap lang ang aking mata ng marinig ko ang pangalan niya, Ayaw kung maniwala hangga't hindi siya lumabas suot ang outfit nitong pang PE teacher. Puro tilian lang ang siyang naririnig ko sa mga classmates kong mga babae at pusong babae. Samantala ako speechless at hindi pa rin makapaniwala na siya nga talaga, ang lalaking gusto ko munang iwasan ay narito na at makakasama pa namin ng madalas dahil sa malawak na sakop ng subject niya " Good morning, class; please introduce yourself individually." Tila wala na yata akong takas pa, akala ko habang naghihintay ng aking kaarawan ay magiging malaya muna ako, pero lalo yatang mapapadali dahil nandito na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD