Nakapag desisyon na si angel hihinto muna siya sa kanyang pag-aaral upang tumulong na kanyang inay na mag isang kumakayod.
"Inay, hihinto po muna ako sa aking pag aaral."
"Naku! Anak huwag na at sayang ang iyong pag aaral, Nasa 2nd year ka pa naman."
"Inay alam ko hong nahihirapan kana magtaguyod sa aming limang magkakapatid at may gastusin pa sa gamot ni itay."
"Nakakapanghinayang ang iyong pag aaral anak." Malungkot na sabi ng kanyang ina.
"Inay labandera ka sa umaga at taga hugas naman sa carenderia kapag hapon. Paano po kapag nag kasakit ka mas mahihirapan tayo"
"Oh! siya sige ikaw ang bahala"
"Maghahanap po muna ako ng mapapag applyan, mauna na po ako"
Umalis na si Angel upang pumunta sa kaybigan niyang si Grace upang magtanong kung may alam itong mapapasukan na trabaho. At swerte niya dahil may alam na bagong bukas na shop ang kaybigan isang burger milktea shop.
"Bukas ala sais y medya tayo pumunta upang mag apply" sabi nito sa kanya
"Maraming salamat Grace hulog ka ng langit saakin" masayang saad niya rito.
"Walang anuman iyon, Maganda nga iyon para may kasama akong mag apply"
"Salamat ulit ha! aalis na muna ako para ibalita kay Inay ito"
Nagagalak sa tuwa si Angel ng umuwi sa kanilang bahay dahil sa magandang balita na may mapapasukan na rin siya na istable ang income. Naabutan miya ang kanyang kapatid sumunod sa kanya na nag aayos ng gamit pang eskwela.
"Nariyan ka po pala ate"
"Wala kabang pasol Andoy?" Pansin niyang konti lang ang gamit pang eskwela ni Andoy.
"Wala pa naman po kaming masyadong gagawin sa eskwela ate at binabantayan ko pa ho si Itay"
"Ayusin mo ang pag aaral mo hindi lang para samin kundi para saiyo rin mahirap ang walang pinag aralan tandaan mo iyan"
"Opo ate ayoko rin naman po kayo mahirapan pa"
"O sige na ikaw na muna ang bahala dito sa bahay at kay Itay wag mo kalimutan ang mga gamot ha. Aalis na ako at tutulungan ko pa si Inay sa carenderia"
Dali daling pinuntahan ni Angel ang kanyang ina sa carenderia upang tulungan.
"Inay tulungan ko na ho kitang maghugas"
"Salamat anak, kahit hindi tayo mayaman mabiti nalang at may anak akong mabait masipag at matulungin"
"Si Inay naman ng bola pa"
Hanggang sa lumipas ang oras at gabi na oras na para umuwi na sila. Nilakad lang nila Angel pauwi sa kanilang bahay isang kanto lamang ang layo ng kanilang bahay sa carenderia.
"Nandito na sila Inay" ang masayang sigaw ng bunsong si Aliya at sinalubong ang ina na maraming kwento
"Ate magandang gabi, ano po ang ulam natin? nakapag saing na po ako ulam nalang po ang kulang" salubong ni Andoy
"Gatang isda bigay ni aling cora"
"Maghain na ng tayo'y makakain at makatulog na"
Sa hapagkainan sabay sabay nilang pinagsaluhan ang kanilang hapunan ng may ngiti sa kanilang mga labi hanggang sa matapos ang kanilang salo salo. Isang mahabang araw ang natpos at panibagong pagsubok ang kakaharapin bukas.
Good night ang bulong ni Angel.