Chapter Seven

1570 Words
Warning ⚠️; It contains a grammatical and typographical errors. ••• Three Days of training••• Syempre sa loob ng tatlong araw nilang training ay 'di mawawala ang mga pagkakamali katulad na lang ni Frank na akala mo anak mayaman dahil sa mga kilos nito, takot ito na matalsikan ng mantika na tila ba ngayon lamang siya magpi prito ng mga patties , sa paghuhugas ng mga plato na animo'y niminsan di nakaranas pati narin sa pag lilinis ng cr at marami pang iba. First day of training ay naatasan agad si Frank na gumawa ng pearls para sa milktea iniwanan lang siya saglit ng instructor pero pagbalik nito naabutan niyang nasusunog at umaapaw na ang nilulutong pearls ni Frank kaya ang ending lahat kami ang naglinis kasama na pati ang instructor namin karamihan sa mga kasamahan naman ay umangal pero wala din naman silang nagawa sa huli nagkasundo ang lahat na mag linis pasado alas siete na kami na tapos bago kami umuwi ay humingi muna ng paumanhin si Frank. Second day training na assigned Ako at si Frank na maglinis ng restroom sabi ko sa kanya ay iinom lang ako ng tubig pagbalik ko binaha na siya ng bula. " Frank anong nangyari? Bakit puro bula dito? " tanong ko sa kanya. " Pasensya na tapon ko kasi yung sabon tapos naisip ko na paagusin nalang kaya itinutok ko ung hose kaso bigla nalang bumula " nahihiya niyang sagot sa akin. " Naku! Frank lalo mo lang pinabula kapag ganon ang ginawa mo pano na 'to? " tanong ko sa kanya. Kaya ang nangyari hinayaan na lang namin na mabula ang restroom dahil kinabukasan wala na iyon pero kami parin ang mag lilinis. Third day of training inatasan ulit si Frank na maghugas ng mga plato nung una hindi pa siya gumagalaw at tinititigan niya lamang ang mga hugasin niya na akala mo ay lilinis kapag tinitigan niya lang kaya nilapitan ko siya. " Hoy! Frank hindi malilinis yan kahit anong titig mo riyan " natatawang sabi ko sa kanya. " Aahmm! Ano kase eh hindi ako marunong maghugas " nahihiyang sabi nito sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya, seryoso ba siya? Kaya ba tinititigan niya lang yung mga hugasin? Kase 'di talaga siya marunong maghugas? " Wag ka nga magpatawa dyan Frank " natatawang sabi ko rito. " Hindi ako nagbibiro Angel 'di talaga ako marunong maghugas " seryoso niyang saad. Seryoso siyang nakatingin sa akin na kita sa mata niya na nang hihingi ito ng tulong. Kaya itinuro ko nalang sa kanya kung paano maghugas. ' " Ganito maghugas Frank tingnan mo maigi ang gagawin ko " sabi ko rito at kinuha ko ang sponge panghugas ng plato. " Ito sponge pangkuskos lagyan mo ng liquid soap tapos pigain mo para bumula at ikuskos mo na sa plato, madali lang naman ohh! ikaw naman " sabi ko sa kanya sabay abot ko ng sponge. " Gan'to ba? " tanong niya. " Oo, tama yang ginagawa mo " sabi ko sa kanya at nginitian naman niya ako Ginawa naman niya ang sinabi ko kaya nga lang ay dumudulas sa kamay niya ang plato kaya ang ending na basag ang mga plato halos kalahati ng mga hugasin ang na basag niya at ayun napagalitan na naman siya. At marami pa siyang mga epic fail na nagawa niya ng hindi naman sinasadya kawawang Frank halata sa mukha niya na nahihirap siya pero pinipilit niya para makaraos. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ At naging malapit kami ni Frank dahil sa ako lagi ang umaalay at kapareha, sabay rin kami umuwi minsan ay ihahatid niya ako. Minsan na rin kaming nasabihan ng mga kasamahan na bagay daw kami at para na raw kaming mag syota. " Frank hahatid mo ulit si Angel? Ganyan ba mag kaybigan? Parang magsyota na kayo" sabi ng isa naming kasamahan na si Beth. " Oo nga ayiiiiehh " sabi naman ni Van. " Oyy! Hindi ahh! Para kayong ano nakakahiya kay Frank " sabi ko sa kanila na pinamumulahan ng pisnge. " Sobrang close niyo na mapagkakamalan na magsyota kayo halos kayong dalawa lagi magkasama ehh " dagdag na kantyaw ni Kira. " Oyy! Issue kayo ahh! Frank tulong naman " sabi ko. Pero tawa lang ang sagot ni Frank kaya lalo kaming kinantyawan ng mga ito. " AYIIIIEH " sabi nilang lahat. " Tara na nga uwi na tayo ng wala na silang asarin " sabi ni Frank na ikinatuwa ko kaso inasar na naman nila kami. " Oo nga, umuwi na kayo " sabi ni Kira na sinundan naman ni Beth. " Oo nga mauna na kayo umuwi para makapagdate na kayo " kantyaw ni Beth. " Kayo talaga, tigilan niyo na si Angel sasabog na sa sobrang pula " gatong pa ni Frank , aba sinakyan pa trip nila. " Che! Bahala na nga kayo uuwi na ako " sabi ko sa kanila sabay walk out. Nakalabas na ako at naghihintay na lang ng jeep na masasakyan ng may humawak sa balikat ko agad ko naman itong nilingon at si Frank lang pala. " Bakit hindi mo sinasabi na mali yung iniisip nila satin " sabi ko sa kanya. " Pasensya kana kung hindi ako nag sasalita kapag inaasar nila tayo. Mas lalo kasi nilang i-insists ang iniisip nila sa atin kaya hinahayaan ko na lang kasi titigil din naman sila " paliwanag niya. Medyo natauhan ako duon sa sinabi niya bakit naman kasi sobrang affected ako ehh! Alam ko naman na hindi totoo. Bigla naman ako nahiya at naramdaman ko na uminit ang pinsgi ko kaya tinalikuran ko siya sakto at may tumigil na jeep kaya dali dali akong sumakay, akala ko ligtas na ako kase hindi niya makikita ang mukha ko pero mali ako dahil sa tumabi ito sa akin at hinarap niya ang mukha ko sa kanya at nagkatitigan kami. " Sorry na Angel, wag ka magalit sa akin " sabi nito sa akin with matching puppy eyes ang loko parang mas lalo ata siyang gumwapo to! Nasabi ko na ba na ang gwapo niya? Omg, crush ko na ata siya. " Angel sorry na " hinging tawad ulit niya sa akin. " Hindi na ako galit " sabi ko malang para matahimil na siya. " Sa susunod sasabihan ko sila na tumigil para hindi ka nagagalit sa akin " sabi niya nang may ngiti sa kanyang labi . Napaka gwapo niya kung mayaman lang siya at niligawan alo ay sasagutin ko talaga siya, Kaso hindi siya mayaman eh! Kawawa kami pareho kapag kami nagkatuluyan parehas gutom pati magiging anak namin. " Angel malapit na tayo sa inyo " sabi no Frank. " Huh? " tanong ko sa kanya. " Tabi lang po " " Tara na nandito na tayo sa inyo " saad nito. Tumango lang ako at bumaba na kami sa jeep. Nilakad lang namin papunta sa bahay, sa paglalakad namin ay may na daanan kaming grupo ng mga manginginom sa tabi tinawag nila kami. " Angel sandali sino yang kasama mo? Pakilala mo naman kami dyan " sabi ni Mang Gardo. Malaking bulas si Mang Gardo at siya rin ang kinatatakutan dito sa amin kaya kailangan maki sakay na lang sa mga trip niya kung hindi yari ka. " Mang Gardo si Frank nga pala ka trabaho ko. Frank si Mang Gardo at mga kainuman niya " pakilala ko kay Frank sa kanila. " Frank bata nainom kaba? " Tanong nito kay Frank. " Oho Mang Gardo " alangan na sagot nito. " Shot ka muna ng isa bata para wala tayong problema " savi nito sabay akbay kay Frank at inabot ang basong kalahati ang laman. Medyo nagdadalawang isip ata si Frank pero sa huli ay kinuha nito ang inabot na baso at inisang lago niya lang. " Magkakasundo tayo bata Hahaha " tuwang tuwa na sabi ni Mang Gardo kay Frank. " Mauna na kami Mang Gardo at gabi na ihahatid ko pa ho si Angel " sabi ni Frank kay Mang Gardo. " Sige, kapag may kumana sayo dyan sabihin mo lang pangalan ko " habol pa ni Mang Gardo. " Sige ho " sabi ni Frank. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at nang makarating ay onalok ko pa siyang pumasok sa loob ngunit tumanggi ito dahil maaga pa daw kami bukas kaya hindi ko na siya pinilit. " Ingat ka salamat sa paghatid at pasensya lana din kanina na pasubo ka pa " paumanhin ko rito. " Okay lang at least may tropa na ako dito Hahha " natawang sabi niya. " Sige na ingat ulit " sabi ko dito. Ngiti at tango na lang ang sagot niya at saka siya umaalis. Pumasok na ako sa bahay. " Mano po inay " sabi ko kay Inay. " Kaawaan ka ng dyos anak " sabi ni Inay. " Kumain kana ba ank? " tanong ni Inay. " Opo, Inay magpapahonga na ho ako at maaga pa ho ako bukas " sabi ko. " Sige na mag pahinga kana at mukhang na pagod ka " sabi naman nito sa akin. Pumasok na ako sa kwarto nagpalit ng pang bahay na damit saka nahiga sa kutson. Hanggang sa hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako. ❤️•❤️•❤️•❤️•❤️•❤️• Wonderfully and fearfully made by god GOOD NIGHT EVERYONE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD