••••••
Kinabukasan maagang nagising si Angel upang maghanda para sa training ng kanyang papasukan. Suot niya ulit ang kanyang blouse na kulay blue at ang skinny jeans niya konting polbo lang at ready na siyang umalis.
" Inay aalis na ho ako " sabi nito sa kanyang ina.
" Oh sya sige, eto ang isang daan pamasahe mo at pang kain na rin " sabi ng kanyang ina
" Naku h'wag na ho Inay may pera pa ho ako rito " sabi nito at pakita ng singkwenta pesos niya.
" Tanggapin mo na ito anak pang dagdag rin ito, mas okay na ang sobra kesa sa kulang " sabi niya sabay abot ng aking kamay at nilagay ang pera sa aking palad.
" Salamat Inay pero paano kayo? Ano ang gagamitin niyong pang gastos " tanong ko.
" Huwag ka mag alala sa amin ako ng bahala sa kakainin namin mamaya, hala sige na lumakad kana ng makarating ka agad doon sa shop " sabi nito .
" Sige ho Inay mauna na ho ako sa inyo " tugon ko rito.
" Sige na at mag ingat ka sa daan, good luck sa iyo " bilin nito sabay halik sa aking pisngi niya.
Ngumiti na lamang ako at umalis na upang hindi ako matrapik sa daan. Sumakay na ako sa tricycle para mapabilis ang aking byahe papasok.
••••••••
Nakarating agad si Angel sa shop at napansing marami na ang tao rito, pansin niyang nakasara pa ang shop kaya siguro maraming tao dito sa labas. Maya maya ay may dumating na babae naka office attire pa ito.
" Kayo ba ang mga trainees para sa shop? " ang sabi nito habang binubuksan ang shop.
" Opo ma'am " sagot ng karamihan sa amin.
" Tara na magsi pasok na kayo rito para ma kapag orientation na tayo " sabi nito.
Nagsi pasukan naman kami at umupo sa oracan chairs pumuwesto ako sa harapan upang marinig ko agad ang mga sasabihin ng owner. Nilabas ko na rin ang aking papel at ballpen para sa ita-take down ko para hindi ko makalimutan.
" So bago tayo mag simula, Paki lista muna ang inyong pangalan " sabi nito.
So ayun ako na nag umpisa mag lagay ng pangalan dahil ako lang naman may papel at ballpen, ipinasa ko sa katabi ko hanggang sa makarating sa dulo. At ng matapos na kami mag attendance ay nag umpisa na magsalita yung babae kanina.
" Good morning sa inyo. My name is Hana Sol ako ang trainer niyo for 2 days. Basic muna tayo guys " sabi ni miss hana.
At nagsimula na siyang mag demo from basic to difficult kasama natin ang tamang pag approach sa cutomer at pag linis sa mga lamesa. After 10 mins ay nag bigay si miss hana ng water break.
" Water break muna tayo guys, mamaya na ang mga question pwede kayong kumain muna. " sabi ni miss hana, Siguro nagutom na siya.
Nilabas ko na lmang ang aking baon na tubig at biskwit pang laman tiyan ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang isang matangkad na lalaki sa itchura niya mukha siyang mayaman pero sa ayos niya ay malabo dahil sa suot nitong gusot gusot na long sleeve polo at maong pants.
" Sorry i'm late " sabi nito sabay yuko.
" You must be Frank Torres? pero sana sa susunod ay maaga kana. Paki lista rito ang pangalan mo " sabi nito sabay abot ng papel dun sa lalaki .
" Wala ho akong ballpen " nahihiyang sabi niya kay miss hana.
" Pahiram naman ako ng ballpen miss " sabi nito saakin.
Lumapit naman ako at bingay ang ballpen ko doon sa lalaki. Sinulat nito ang kanyang pangalan Frank Torres ganda ng name.
" Miss tutal may take down notes ka naman pwede bang ikaw na magsabi sa kanya ng mga namiss niya sa orientation kanina? " sabi ni miss hana sa akin napansin niya siguro na sinusulat ko lahat ng sinasabi niya .
" Yes po ma'am " tugon ko.
" Okay! So Mr. Torres go with her she will assist you " she said and go to her table.
At yun umupo muna kami at nag pakilala sa isa't isa.
" Hi, ako nga pala si Angel " sabi ko sabay lahad ng aking kmay.
" Ako naman si Frank Torres " pakillala niya.
Pinaliwanag ko naman sa kanya yung mga sinabi ni Miss Hana kanina wala naman siyang tanong at mabilis pang maka pick up, at natapos na ako magpaliwanag kaya bumalik ulit ako sa pagkanin ng biskwit at paginom sa tubig ko.
Pansin kong may nakatingin sa akin kaya lumingon ako at nakitang nakatingin si Frank sa biskwit ko. Inabutan ko naman siya ng bagong biskwit at mukhang nag aalangan pa siyang kuhain.
~>Gggrroowlll<~
" Eto oh! Biskwit tanggapin muna mukhang dika pa nag aalmusal tanggapin muna " sabi ko sa kanya kase tumunog na yung tyan niya.
" Salamat ahh! na late kasi ako ng gising eh! " sabi nito.
" Walang anuman Frank " sabi ko rito.
Natapos na ang water break at sinalang na kami sa actual training, nag umpisa kami sa tamang approach para sa customer one by one sunod naman ang paglilinis ng mga kalat sa tables.
Alas singko ng matapos kami sa good manners and right conduct. Palabas na ko ng makita si Frank na tulog kaya nilapitan ko siya at ginising.
" Frank gising tapos na training natin " sabi ko sabay tapik sa balikat nito.
" Tapos na? " tanong niya.
" Oo, tapos na uwian na " sbi ko rito.
" Salamat sa pag gising sa akin " sabi nito saby ngiti. Wow, ang pogi naman nito kahit bagong giaing lang.
" Tra sabay na tayo, saan kaba sasakay? " tanong ko.
" Magje jeep ako ikaw ba? "
" Same tara para makauwi na "
Nakasakay na kami sa jeep after 15 mins ay pumara na siya.
" Sige mauna na ako sa iyo ingat ka " sabi niya sa akin at bumaba na.
Ngumiti na lang ako bilang tugon.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba narin ako, nilakad ko na lang hanggang sa amin. Dumaan na rin ako sa tindahan para bumili ng sardinas.
" Nandito na ako " masayang bati ko sa kanila.
" Nandito na si ate " sigaw ni Lysa ang pangatlo sa amin.
Nagsimula ng maghanda si Andoy ng lagay ng mga plato at kutsara. Ako naman ay nagbihis lang saglit at sumalo na rin sa kanila sa pagkain.
" Kamusta ang araw mo anak " tanong ni inay.
" Maayos naman ho " tugon ko.
Tumango lang si inay at nag patuloy na sa pagkain at ganoon din ang ginawa ko. Tahimik lang kaming kumakain, hanggang sa matapos kami.
" Matulog na kayo at maaga pang gigising bukas " sabi ni inay.
" Good night " sabi ko at humiga na sa kutson.
" Good night " ang huli kong narinig bago ako naka tulog.
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️