•Frank•
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha galing sa labas ng bintana kaya nilingon ko ang aking alarm clock at laking gulat ng makitang quarter to seven na kaya dali dali akong nag tungo sa cr para maligo. Suot ang long sleeve polo at maong pants dali dali akong lumabas sa aking kwarto naabutan ko pa si Manang na naghahain ng aking almusal.
" Gising kana pala iho kanina pa kita ginigising mukhang na pasarap ang tulog mo halika at kumain ka muna ng almusal bago ka umalis " sabi nito sa akin.
" Wala na ho akong time manang nagmamadali na ho ako " sabi ko rito at humigop ng konti sa kape at kuha ng dalawang pandesal.
" Sige mag ingat ka " pahabol na sabi nito.
Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas sa aming village kung bakit ba naman kasi nagyaya pa sila Paul mag inom late tuloy ako nagising malas talaga .
Pinara ko ang taxi kaso hindi huminto , kapag minamalas ka nga naman oohh wala pang masakyan wala na bang mas imamalas ang araw na ito ?
Sa kabutihang palad may huminto namang taxi ang kaso nga lang traffic naman ayst, tumingin ako sa palapulsuhan para tingnan ang oras at 7:20 am na sana makahabol ako ang sabi pa naman ni mom wala akong special treatment kaya kaylangan kong pagbutihan ang trabaho tapos eto late pa ako sa training.
After a couple of minutes i arrived at my aunts shop i hurriedly open the door and ayun mukhang break na nila it's past 8 kaya malamang tss .
" Sorry i'm late " sabi ko sa babaeng naka office attire . I think she's the assistant of my aunt .
" You must be Frank Torres , Mrs. Fuentes niece ? Pero sana sa susunod mas maaga kana . Paki lista ang pangalan mo " at abot ng papel sa akin. wala kong ballpen tss
" Wala po akong ballpen " sabi ko sa kanya .
" Pahiram ako ng ballpen miss " sabi niya sa kung sino man .
Lumapit naman yung babae na tinawag ng assistant ni auntie at binigay yung ballpen sa akin. Salamat sabi ko sa aking isip .
" Miss tutal may take down notes ka naman pwede bag ikaw na magsabi ng mga namiss niya kanina sa orientation kanina " sabi ng assistant ni auntie .
" Yes po ma'am " tugon niya rito.
" Okay ! So Mr. Torres go with her she will assist you " she said and leave.
Iginiya niya ako sa kanyang pwesto at nag pakilala siya.
" Hi ako nga pala si Angel " pakilala nito sa akin at lahad ng kanyang kamay .
" Ako naman si Frank Torres " pakilala ko naman sa kanya .
Ipinaliwanag naman niya ang mga na i-discuss ng assistant ni auntie , hana daw pangalan , salita lang siya ng salita at tango naman ako ng tango absent minded ako dahil kulang sa tulog hindi na talaga ako iinom.
Natapos na siya magpaliwanag at kumain ng biskwit, Napatitig nalang ako sa kanya parng nag wawala na mga alaga ko sa tyan .
Nakakahiya naman potek nahuli pa akong naka tingin buset! Bigla kasi itong lumingon dahil tumunog ang tyan ko at inabot ang biskwit na hindi pa na bubuksan .
" Eto oh! Biskwit tanggapin mo na mukhang dika pa nag aalmusal, Tanggapin muna " pilit nito sakin, kaya tinanggap ko na rin.
" Salamat ahh! na late kase ako ng nagising " sabi ko sa kanya.
" Walang anuman yon Frank " sabi naman niya. Ang bait niya naman, Angel bagay sa kanya ang pangalan literal na angel.
Matapos ang aming pagkain nag umpisa na ang assistant ni auntie mag actual training kung paano ihandle ang mga customer etcera. Nakaupo lang ako sa gilid at tamihimik na nakikinig.
••••••••
Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sa akin. Nagising naman ako at nakita so Angel sa harap ko.
" Frank gising tapos na ang training natin " gising nito sa akin. Buti nalang at ginising niya ako, baka makandado pa ako rito.
" Tapos na? " tanong ko pa, tila di makapaniwala sa sinabi. Matagal na siguro akong naka idlip.
" Oo tapos na uwian na " sabi nito at naglakad na palabas, dali naman akong sumunod.
" SAlamat sa pag gising sa akin " pag papasalamt ko sa kanya.
" Tara sabay na tayo, saan kaba sasakay? " tanong nito.
" Magje jeep ako ikaw ba? " tugon ko sa tanong niya.
" Same tara para makauwi na " sabi naman nito.
After a couple of minutes naka sakay na rin kami sa jeep, 15 minutes ang byahe papunta sa aming village, ng makita kong malapit na ay pinara ko na ang jeep.
" Sige mauna na ako sa iyo ingat ka " paalam ko rito. Ngumiti lang siya bilang tugon kaya bumaba na ako.
Nang makalayo ang jeep nag umpisa na akong maglakad pauwi matutulog ako ng maaga para makabawi ng lakas, Pagdating sa bahay nakita ko si manag na nag luluto kaya dumersto na ako sa kusina.
" Nandyan kana pala iho, malapit na ako matapos dito " sabi ni manang, mayamaya nag handa na siya ng hapunan. Kumakalam na ang sikmura ko hindi pala ako nakakain ng tanghalian kanina.
Pagkatapos kumain ay nagtungo na ako sa akong kwarto naglinis ng aling katawan at naghanda upang matulog, bigla kong naisip si Angel magbaon kaya ako? tama para makabawi ako sa kanya. Dala ng sobrang pagod nakatulog na lang ako bigla.
••••
Hope you like it guys. Please support and follo for more. HAPPY READING ❤️❤️❤️