“Wala pa rin po ba si Vincent?” anong oras na lagpas seven pm na wala parin si Vincent. He said earlier saglit lang siya before he leave. Napatanong nalang tuloy ako kay aling Medina na kasalukuyang nag aayos ng hapagkainan. Nanggaling ako sa may garden sa itaas pumunta ako rito para tanungin kong nakarating naba si Vincent ngunit wala parin pala ito. “Baka naman po, maraming inasikaso Ma'am Cath kaya ginabi na.” sagot ni Aling Medina sa'kin habang nag lalagay ng plato sa lamesa. Napasinghal nalang ako saka lumapit kay aling Medina para tulungan itong mag ayos ng hapagkainan. “Naku Ma'am d'yan nalang po kayo ako nang bahala rito.” pag-pigil sa'kin ni Aling Medina. “Okay lang naman po sa'king tumulong,” saad ko nang nakangiti. Wala namang nagawa si Aling Medina kundi ang hayaan akong tul

