Yna’s POV
“Untie Dina…anong nangyayari dito???? Akala ko ba tungkol ito sa utang niyo? Pero bakit pati bahay ni Papa ay ginagalaw na nila????!!!!”, sabay dukot ko sa bulsa ng isang sobre. Doon nakapakaloob ang 100k na kailangan nila. Ito ang buong ipon ko sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho “, Ito … ito ang 100k na kailangan niyo… Kaya pls… pls naman Untie Dina!!!! Patigilin mo na sila… !!!”
Kukunin bigla ni Untie ang sobre at titignan ang nasa loob nito. Nakita kong bahagya itong napangiti pero masamang napatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Untie. Pero masama ang kutob ko.
“Huli na ang lahat Yna!!!! Nakapirma na ako sa kasulatan kay Mrs. Gomez na ang kapalit ng 100k na utang ko sa kanya ay ang bahay na ito… Total, ano pa bang silbi ng bahay na ito? Eh , Lumang-luma at sira pa.”
Biglang tumulo ang mga luha sa aking mga mata ng bigla kong narinig ang sinabi niya. Tila nais ipahiwatig ni Untie Dina na ang bahay na iyan ay wala ng silbi. Tila nanginginig ang aking mga kalamnan sa galit. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Dahil sa sobra kong galit, biglang tumulo at nag-uunahang pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Poot at pighati ang nararamdaman ko ngayon. Ang bahay na ito…
Ang bahay na ito ay may silbi pa.
“Walang silbi? Ilang taon ba kayong tumira sa pamamahay na ito!! Ngayon sasabihin mong walang silbi!!! Kung sa tutuusin ako ang may Karapatan sa bahay na ito sapagkat ako ang anak!! Hindi ko nga alam kung bakit kayo nagkabaon-baon sa utang kasi halos ibigay ko na lahat ng ipon at sahod ko sa inyo!!! Tapos ngayon, ang nag-iisang ala-ala ng mga magulang ko ay ibebenta niyo lang nang ganito?”, sabi ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Habang tila ayaw nitong tumigil sa pagpatak sapagkat ang galit at poot na aking nararamdaman ay lalong lumalaki. Lalong tumitindi.
“At ano?!!!Naniningil kana sa mga binigay mo sa amin? KUlang Pa iyan!!!! Kulang pa iyan sa lahat ng pagsisilbi ko saiyo pagkatapos mawala ng mga magulang mo!! Gusto mo kuwentahin ko pa lahat ng kinakain mo noong araw!!! Kulang pa lahat ng iyan!!! Bakit ?! anong pinagmamayabang mo! Yung pagtatrabaho mo sa isang bigating kompanya!!! Eh baka janitress kalang doon eh!! Eto!!! Etong 100k na ito, kulang pa iyan sa gastos naming magkakapatid para i-cremate ang magulang mo!!! Gusto mo pati iyon kuwentahan ko saiyo!!! Wala kang magagawa !!! ako nakakatanda dito at ako ang kapatid ng Daddy mo! Gagawin ko ang gusto ko sa bahay na ito! At isa pa… Salamat sa perang ito huh… Pambaon ko ito pauwi sa probinsya ng Uncle mo.” Sabi ni Untie Dina na tila halos wala itong puso kung magsalita. Halos di ko mailunok lahat ng sinabi ni Untie. Pagkatapos ng lahat ng aking ginawa sa kanilang pamilya, di ko alam na ganito pala ang dadanasin ko.
Akala ko noong umpisa, mabait ang aking Untie. Naninirahan sila sa malaking bahay namin upang sila ang magbantay nito kung sakaling wala ang mga magulang ko dahil sa business matter. Naiiwan ako sa kanila. Maayos naman ang kanilang trato sakin noon. Tila tunay akong anak ni Untie. Pero biglang nagbago ang lahat ng namatay si Daddy at Mommy. Naicremate sila noon , kasabay ang pagkawala ng bankbook ni Daddy. Biglang napagka-alaman ko nalang na naiwithdraw na lahat ito ni Untie at yun daw ang ginamit na pang-cremate sa mga magulang ko. Ngunit pagkatapos ng lahat, nagulat nalang kami at halos araw-araw madaming delivery ng iba’t-ibang gamit ang dumarating sa bahay. Laging nakikipag inuman si Uncle, at pag birthday ni insan, lagi itong naghahanda ng bongga. Doon ko nalaman na ginagamit na pala ni Untie ang perang ipon ni Daddy. Kaya galit na galit ako sa kanya noon. Lagi kong sinusuway ang kanyang mga utos ngunit lagi akong talo. Lagi niya akong pinagsasabihan ng masasakit na salita . At lagi din niya akong sinasaktan. Kaya nag pursige akong makapagtapos ng kolehiyo. Simula noon, lumayo ako sa kanila. At naghanap ng trabaho. Hangga’t matanggap ako bilang isang intern sa JY Entertainment. Pero lagi parin niya akong binubulabog. Lagi siyang nanghihingi ng pera sa akin. Halos buwan-buwan. Minsan ilang beses sa isang buwan. Kung di ako makapagbigay, halos isang nobela ang sinasabi niya sa aking pangongonsensya.
Ngayon, ayoko nang palagpasin ang lahat ng ito. Dahil ako ang may mas Karapatan sa bahay na ito. Sobra na ang lahat ng ginagawa ni Untie at di na ito puwede pang palagpasin.
Magsasalita pa sana ako ngunit nagulat ako nang biglang may humila sa sobreng hawak ni Untie Dina. Lahat kami ay napatigil at sabay kaming napalingon sa taong iyon. Nagulat ako nang si Sir Luigi pala iyon. Kitang – kita sa kanya ang pagiging seryoso. Mas seryoso pa ang mukha nito simula kanina. Pag ganito ang mukha niya, ako ay natatakot. Tahimik man si Sir, pero sa totoo lang, grabe ito kung magalit. At malalaman mo ito pag bigla siyang tumahimik at emotionless na ang mukha niya.
“Siguro sobra-sobra pa siguro ang lahat ng ito. Binenta niyo na nga ang bahay, kukunin mo pa ang pera na ito. Diba abuso na ito? Hindi pa ba sapat sa inyo ang perang ibinibigay sa inyo buwan-buwan ni Yna? Alam niyo bang puwede kong i-consider na pangingikil ang ginagawa niyo? Kasi kinukuha niyo ang pagmamay-ari ng ibang tao ng puwersahan. At isa pa , ang pinagbentahan niyo ng mga ari-arian na ito at ang mga taong kasama nito ay puwedeng isama sa kaso?!”, buong tapang na sabi ni Sir Luigi. Halos lahat kami napatigil. Ang babaeng matabang iyon ay napahinto sa ginagawa at napalingon sa amin. Ganun din ang iilang trabahante na halos nabitawan ang kanilang bitbit na sofa bed matapos marinig ang mga sinabi ni Sir.
“Aba at sino ka ba?!! Abogado ka ba? O nag-aabogado lang ? Hoy! Wag mo akong tatakutin sa mga banta mong iyan.. Hinding-hindi ako matatakot sa iyo kasi walang sinumang puwedeng makapakulong sa akin!!! Mamamatay muna ako bago ako makulong. Tandaan mo iyan!!!”, buong tapang na sabi ni Untie but I saw Sir Luigi confidently smirk. Biglang may dudukutin ito mula sa kanyang bulsa. At tatambad sa amin ang kanyang pitaka. Dudukutin niya ang isang credit card at ang isang papel na hugis parihaba. May isusulat siya sa papel. At agad na ibibigay sa babaeng mataba. Ang credit card naman ay nasa kamay parin niya. Hindi ko alam kung ano ang plano niya.
“ You will choose either of two. Either kukunin niyo ang credit card ko pero ititigil niyo ang lahat at ibabalik niyo lahat ng gamit na pagmamay-ari pa ng pamilya ni Yna o kaya , hindi niyo ito kukunin but I’ll sue you a case. I can call my lawyer anytime para asikasuhin ang lahat. Please think of it. Sa oras na kukunin niyo ang credit card na ito, aalis kayo dito at di nyo na guguluhin pa si Yna “, maya-maya pa ay may darating na isang itim na sasakyan at hihinto mismo sa harapan ng bahay ni Yna. Lalabas ang isang lalaking nakapang-americana at may dalang hand carry rectangular bag na kulay itim. Magba-bow ito sa harap ni Sir at agad ibibigay ang isang puting papel.
“ Eto ang kasulatang ipinagawa ko kay Atty. Oli. Read and sign, if you want this credit card.”sabay abot ni Luigi ng papeles sa mag-ina saka siya babaling sa matabang babae na sa pagkakasabi kanina ni Untie, siya si Mrs. Gomez.
“Mrs. I already gave you the money for the debt of this lady. So puwede na ba naming maibalik ang gamit sa loob??”, sabi niya pero hindi parin sumasagot ang babae. Napatingin pa ito sa aking mga Untie tila nagpapahiwatig na nasa kanila ang desisyon ng lahat.
Biglang nagkaroon ng katahimikan ang lahat sapagkat nananatiling nagbabasa parin ang mag-ina sa agreement na hawak nila. Halos naman pinagkakaguluhan na sila, lahat ng mga kapitbahay na malapit sa kanila ay parehong nakamasid sa kanilang mga bakuran. Ung iba ay nakikiusyoso tila naghihintay ng itsi-tsimis sa mga kapitbahay.
“Fine! Pipirmahan ko ang kontratang ito. Hinding-hindi ko na guguluhin si Yna. Klaro naba?!”, sabi ni Untie habang nakataas pa ang kanyang kilay ngunit di siya makatingin sa amin. Kinuha niya ang ballpen na iniabot ni Sir Luigi at pinirmahan ang kasunduan pagkatapos ay umalis sila sa kinatatayuan nila.
Muling naging ok na muli ang lahat. Wala na si Untie Dina at si Insan sapagkat kapwa na sila nag-alsa balutan at ipinahatid pa ni Sir Luigi kay Atty. Oli ang mag-ina sa terminal ng bus. Naibalik na rin sa dati ang bahay kaya tila ba nabunutan ako ng tinik . Salamat talaga kay Sir. Kung cool na cool siya sa opisina, lalo siyang naging mas cool ngayon. Ngayon ko lang din pala napagtanto na hindi masungit si Sir. May kabaitan rin pala siyang tinatago.
Nasa labas pa kami ng bahay habang nagpapahangin parin dahil sa stress na dulot ng eksena kanina. I saw Sir Luigi sitting on one of the chairs na nasa labas ng bahay. He really did a great job today and I really appreciate it. I owe my life today. Kaya kailangan kong bayaran lahat ng mga naitulong niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya. At walang patumpik-tumpik na iniabot ko ang aking mga kamay upang makipagkamay sa kanya. Nagulat siya at tumingala siya ng bahagya.
“Thank you,” akala ko ay di niya aabutin ang kamay ko. Pero tinanggap din pala niya ang pasasalamat ko.
“Kung hindi dahil saiyo sir, siguro hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sorry kasi pati ikaw ay nadamay sa g**o ng aming pamilya. Nakagastos kapa tuloy. Pero sir, pangako , uunti-untiin ko ang pagbayad ng lahat ng ginastos niyo kanina lalo na sa credit card at sa tseke.”
“Don’t worry Yna. Wala kang dapat bayaran sa akin. Yung credit card, it was all paided. 20k nalang ang laman noon pero naka-state sa contrata kung saan lang sila puwedeng gumamit noon. 20k is just a small money. Madali kolang iyon kitain. At doon sa tseke, don’t worry , madali ko lang iyong ipunin. Ang pera, madali lang hanapin pero ang tanging bagay at ala-alang pinagiinatan mo ay mahirap nang ibalik. Alam ko namang kung gaano kaimportante sa iyo ang bahay na ito. Kaya ayokong makita ang eksenang iyon na wala man lang akong nagagawa. Im just doing my part as your boss and at the same time, as your friend. And accept all without thinking it as a debt.”
Napatango at napangiti na lamang ako sa sinabi niya sa akin. He is really my angel. God given from heaven.
He still sitting on that chair while ako ay nakasandal lang sa pader while staring at him. Hindi ko alam pero napapangiti nalang ako habang nakatitig sa kanya. Pero ilang sandali palang, bigla siyang napatingin sa akin dahilan upang iiwas ko ang aking mga mata.
“Bakit ka nakatitig sa akin? Is there anything wrong?”,tanong niya. Napansin yata niya na nakatingin ako sa kanya.
“Ahhh… ehh… nakatingin po ba ko Sir?”, sabi ko tila napangiti pa ako sa kanya.., “Hindi kaya.Hindi…”, sabi ko at para makaiwas, isang palusot ang sinabi ko sa kanya “ Ahh, sir pasok muna ako sa loob nakakasilaw kasi ang liwanag ng araw eh…”
“Ahh ok..”, sabi niya sabay tango. Ako naman, iniwan ko lang siya sa upuang iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang suporta parin ng paa ko ang saklay. Sa labas pa lamang, kitang-kita ang kalumaan ng bahay na ito. Halos bakbak at nilulumot na ang iba’t-ibang bahagi ng bahay. Ang pintuan, halos may bahid na ng gasgas at ang pintura nito ay kumukupas na. Pare-perehong kinakalawang ito at halos kainin na ng kalumaan ang bawat bakal na ikinabit sa bawat bintana ng bahay. Pagpasok ko palang sa bahay, kitang-kita kung paano ito napabayaan. Ang dating malinis at makintab na sahig na tiles, ngayon , halos dikit na dikit na ang dumi dito. Ang pader ay dinikitan ng wallpaper para magmukhang bago ngunit may ilang bahaging halos mawala na ang dikit sa pader. Ngunit kahit ganun, wala pa ring binago sa istruktura ng bahay. Doon, biglang nagbalik ang aking ala-ala. Ang mga matatamis na ala-ala.
Pagbubukas ako noon ng pinto, sasalubong agad si Daddy habang bitbit ang isang pack ng paborito kong fried chicken. Ibababa ko agad noon ang bag ko at tatakbo ako agad sa kusina at agad kong kakainin ang dala noon ni Daddy. Minsan, lulutuan ako agad ni Mommy ng pangmiryenda at sabay kaming kakain . Dito din sa salang ito kapwa kami ay nagtutulungang itayo at pagandahin ang Christmas tree na talagang pinasadya ni Daddy ang taas nito. At pag birthday ko, hindi naghahanda ng bongga si Daddy bagkus, nagvivideoke kaming dalawa at tila magkakaroon pa ng concert sa loob ng bahay. Hanggang nagdalaga ako. Hindi parin nagbago ang trato ni Daddy at Mommy sa akin. Kung ano ang nakagawian nilang gawin sa akin noon, iyon parin ang paulit-ulit nilang ginagawa sa kin hanggang naghighschool ako. Some people said it was weird and overreacting for my age, but for me,it’s natural. Since it was a good memory after all. Saka hindi ko iyon ikinahihiya sapagkat sa paraang iyon, alam ko, at malalaman ko kung gaano nila ako kamahal.
Unti-unting tumutulo ang luha sa aking mga mata at hindi ko namamalayang nakangiti din ako.Hindi ko alam kung luha ito dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng parents ko, o luha ba ito dahil sa saya. Sayang dulot ng aking nakaraan.
Papahiran ko ang luha ko sa aking mga mata. Ngunit di parin ito titigil sa pagpatak. Dahan-dahan akong lalabas ng pinto ngunit mababangga ako ni Sir.Napatingala ako sa kanya. Bigla naman niyang pinahiran ang mga luha sa mata ko. Napakalayo ng awra niya ngayon. Ibang-iba kanina. Ngayon, tila isang anghel na siya dahil sa amo ng kanyang mga mata. Matang tila laging nangungusap.
But then, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bigla kasing may ala-alang biglang babalik sa isipan ko. I remember the boy who wipe my tears after I’ve done mistakes during our play. Namali ako noon ng pasok at biglang ikinagulat ng lahat ng cast sa gitna. Napahiya ako noon and I cried all time sa likod ng stage. But that boy wipes my tears and brought back my confidence.
Luigi was like him.
I don’t want to compare but he literally like him. But I know they were different. I know that he is not Miguel Torres. But I felt relief. Kahit wala na si Miguel sa buhay ko ngayon, at least nandyan naman si Luigi Condor.
It was past 5 in the afternoon at medyo madilim na nang nakabalik kami sa JY Entertainment building. Ang ibang employee ay nagsiuwian na at ang iba naman ay nag-OOT. Ihihinto ni Sir ang sasakyan niya sa mismong harapan ng building and I saw Cindy waiting for me outside. Binuksan ni Sir Luigi ang pintuan ng sasakyan at inalalayan pa niya ako dahil still nakasaklay parin ako. Pagbaba ko, agad kong tinawag si Cindy. Bigla itong napatingin sa akin at nagulat pa siya nang makita akong nakasaklay. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Maya-maya pa, habang nakayakap siya sa akin, narinig ko nalang tila humihikbi siya. Di ko alam bakit bigla na lang siyang umiyak. Yakap -yakap ko parin si Cindy when I saw Luigi staring on us. I smiled on him and whispered, Thank You. Akala ko iignore lang ako ni Sir Luigi. But no. He smiled back on me and whispered, welcome. And then, he walked at sumakay siya sa kanyang sasakyan at umalis.
Maya-maya pa ay bigla akong napaatras ng bigla akong tinulak ni Cindy habang hawak niya ang mga balikat ko. Nagulat ako sa kanya habang mula ulo hanggang paa niya akong tinititigan at ang kanyang mga mata ay may bahid pa ng luha.
“Saan ba kasi kayo galing? Bakit naging ganyan ang paa mo? Hindi mo pa ako sinama…Look at you.. I promise to your parents na I will take care you and treat you like my own sister. Pero… look at you now. May saklay kapa sa paa. Hindi ko nagawa ang pangako ko sa parents mo.”
“Cindy, I am totally fine. I am 100% fine.”
“100% fine????!!!!!!”, sigaw niya na patanong. Halos napalakas pa ang pagkakasigaw niya na halos lahat ng dadaan at mga naghihintay sa lobby ay napatingin sa amin.
“SSSSHhhhhhhh. Wag ka namang sumigaw. Yes. Im fine . OA lang talaga si Sir Luigi. Sprain lang ito and actually kaya ko naman siyang itapak na.”, sabi ko at bibitawan ko na ang saklay. Itatapak ko ang paa ko and at this moment, hindi nako nakakaramdam ng sakit hindi katulad kanina. “ Oh diba, ok na ako.” Habang tinatanggal ko ang benda sa paa ko. I drop it in the trash bin at naglakad ng paikot-ikot. Tumalon-talon pa ako just to prove that I am ok.
“Ok fine. Your’e fine. But I want to know the reason kung bakit ka nakasaklay. And… bakit mo kasama buong maghapon si Sir Luigi. Di natuloy ang interview kanina kasi ayaw naming umpisahan ito without him.”
Iniaabot ko ang saklay sa guard at pinalagay ko muna sa lost and found. Bago ko sinagot si Cindy.
“It’s a long…long… story…. I can’t explain it here kasi mahaba nga diba..So let’s chill. I just want to take away all my stress today. Gusto kong magpalamig ng ulo ngayon eh.”
“Ok ..Ok.. basta magkuwento ka huh.. So… ano? Go ka ba?”
“Saan?”, tanong ko just like gusto kong hulaan ang kanyang nais ipahiwatig.
“Sa gusto kong puntahan ngayon...You want to chill right? So.. come with me..Tara!!”, sabi niya na may tila may liwanag sa kanyang mga mata. I do not know where. Pero tila sure na sure siya sa kanyang pupuntahan. Pero wala na akong magagawa nahila na ako eh.
She grabbed my arms and nagulat ako nang bigla nalang sumulpot ang kanyang pulang sasakyan na pinakuha niya sa Valet. Sila yung kumukuha at nagpapark o naghahanap ng paparkingan ng bawat sasakyan ng kanilang mga customer/ empleyado sa isang building.
Mr. Valet goes out. Iniabot niya kay Cindy ang susi at sekreto naman siyang aabutan ni Cindy ng tip. Magte-thank you si Mr. Valet at nakangiti itong aalis sa aming harapan. And now, hihilain na naman ako ni Cindy papasok ng kanyang mamahaling pulang Sportage Car. Her car is quite pretty. Talagang pinasadya niya ang bawat gamit sa loob and it turns all in pink. Napabuntung-hininga ako habang nililibot ko ang aking paningin sa loob ng kanyang sasakyan. Napaisip ako kung kailan ba ako magkakaroon ng ganitong sasakyan. I know how to drive but I only drive the company car and I do it kung may business trip lang at minsan nasasama ako kasi ako ang magdadrive. I glanced on my beautiful Cindy. She was singing accompanied with the song from the radio. I looked at her hanggang sinabayan ko na siya ng pagkanta. Para tuloy nagkaroon ng isang concert sa loob ng sasakyan. Since alam naman ni Cindy na marunong akong kumanta.
Halos napapayuko habang bumibirit sa kantang “ Rolling in the Deep” kasi halos napapatingin na sa amin ang ibang tao sa kabilang sasakyan habang naka-red light ang traffic light. Pero patuloy parin si Cindy sa pagkanta. I really like her confident. After a few minutes ng tawanan, chikahan at kantahan sa loob ng sasakyan, sa wakas ihihinto n ani Cindy ang sasakyan sa harap ng isang establishment. Napansin ko na tahimik sa labas. Walang ni isang naka-park na sasakyan sa labasan at wala ring naglalakad na mga tao sa paligid. Tila isa itong tahimik na lugar sa loob ng Business City.
“Bakit walang katao-tao dito Cindy? Saan ba tayo pupunta?”,tanong ko tila may halong kaba at pagtataka sa aking mukha.
“Hindi ka kasi gala eh. Nandito tayo sa tahimik na bahagi ng Business City. Tinatawag nila itong Secret Village. As what you can see, puro hotels, motels and condominium and nandito.. And See..”, sabay turo ng isang kapirasong bahagi ng building na yun lang ang maaninag sa kanilang pinaghintuan ng sasakyan sapagkat mga nagtataasan ding mga building ang nakaharang sa view nito. “, Yung building na iyon eh yun ang condo na tinitirhan mo. So, in other words, malalakad mo lang ang Condo mula dito. Bakit Secret Village? Kasi sa mga Condo at Hotel na nandito, eh may mga bars at clubs na puwede kang puntahan. And they were open lang pag gabi. Yung iba ay nasa likod ng mga malalaking building na ito at ang iba, nasa basement ng mga motel at hotel.”
“Ahh kaya pala. Nakakatakot yata dito. Wala man lang katao-tao kasi.”
“Hindi naman. Valet and club bouncer is ready to rescue naman. Para silang guwardiya sa gabi at sekretong babantayan ka sa labasan. Just like now. Nakita mo…..”, ituturo yung isang bahagi ng building na tila may isang maliit na guard house colored with black.Hindi ito masyadong maaaninag lalo na sa madilim na sulok ng likod ng hotel na pinaghintuan ng sasakyan ni Cindy. “, diyan nakaupo ang guwardiya at mamaya-maya lalabas na ang valet ng resto bar na iyan.”.
And tama ang sinasabi niya. Sasalubong sa amin ang isang lalaking nakapolo ng puti at nakangiting bumati sa aming dalawa. Ibinigay ni Cindy ang kanyang car key at saka kami nagdesisyong pumasok sa isang malaking building na ito. The style outside is contemporary. It was colored by white, grey, and black at napapalibutang disenyong geometrical ang labas. Every geometrical figure ay pinatungan ng mga hanging plants at halos ang lalago ng mga dahon ng mga ito. Sa labas tila hindi mo aakalain na may restobar sa loob. Nakasound proof kasi ang buong building kaya kahit isang ingay mula sa loob ay di mo maririnig. This was my first time to enter a restobar. Wala akong idea kung ano ang nasa loob. Basta ang pumapasok sa isip ko ay madaming tao, mga lasinggero, nag-iinuman at madami ring mga bayaring babae.
Binuksan ng isang crew ang pintuan and he greet politely with a big smile on his mouth. Pag pasok ko, halos napanganga ako sa nakita ko. Hindi ko aakalaing, napakalayo nito sa iniisip ko at lalong napakalayo ng expectation ko dahil sa mga nakikita ko labas ng building. Para akong nasa grand ball. Ladies and even a gentleman inside wear their formal attire. Pagpasok mo, makikita mo agad ang isang bar counter on which nakahilera sa likuran ang iba’t-ibang wine,beers, gins and soju. May iilang nakatambay at umiinom na doon. Sa gitna naman ay nakalagay ang napaka-eleganteng chairs at tables na tila nasa isa kang mamahaling restaurant. Kulay ginto ang bawat lamesa at upuan dito. Ang mga disenyong dahon at bulaklak sa bawat poste at pader naman ay kulay ginto rin. May VIP table din sila on which ang chairs nito ay isang round couch at isang golden table din at may free wine in every VIP table.
Ang kinuhang table ni Cindy ay sa table no. 4. Sabi nya, mas maganda ang view dito para sa harapan. Upang makita daw naming ang mga kumakantang mga banda. At sa kilid din namin malapit ang VIP table. Minsan daw kasi, may mga artistang naliligaw dito.
Isang babaeng bokalista ang kumakanta sa harapan. I gave her an applause after she sang “Half-Crazy” with her own version. Maya-maya pa ay pumunta sa harapan ang isang lalaki na naka longsleeve polo at bow tie. Hawak-hawak niya ang isang microphone tila isang announcement ang gagawin niya. Lalapit din ang waiter at dadalhan kami ng isang basong beer, isang bote ng wine, wine glass, at ilang grilled meat na pampulutan pa yata.
I start drinking my beer pero in moderately lang naman habang ang mga mata ko ay nakamasid sa lalaking emcee nila. Suddenly he announces…
“ So, excited na ba kayong lahat sa susunod nating singer?!!!!”, halos hinayawan at palakpakan ang naririnig naming na tila isang kilalang bokalista ang papasok sa stage.
“Siyempre, hindi naming kayo bibitinin, alam ko naman siya lagi ang hinihintay niyo dito sa restobar. Kaya Ladies and Gentlemen, palakpakan na may halong sigawan para sa nag-iisang bokalista ng bayan, ang gwapong-gwapo, machong-macho na si Mr. Miguel Torres!!!!!!”, sabi niya sabay palakpak.
What?!!! Miguel Torres?
Tama ba ang narinig ko?
Halos napatigil ako sa pag-inom ko ng beer nang marinig ko ang pangalang Miguel Torres. Nagulat ako at di ako makapaniwala na sa pagkakataong ito, at sa lugar na ito, makikita kong muli ang Miguel Torres na matagal ko nang hinahanap.
Biglang may aakyat sa stage. Tila nag slow-mo ang oras habang paakyat ang lalaking tinawag ng Emcee na si Miguel Torres. Halos di ko na naririnig ang sigawan, tilian at ang palakpak ng mga tao sa paligid. Sapagkat ang isipan ko at ang konsentrasyon ko ay nasa tao lang na nasa gitna ng stage na iyon. Hindi ko alam kung siya nga talaga si Miguel since graduation ang huli naming pagkikita. Kung siya man ito, malayong -malayo ang hitsura niya noong HS kami.
“Good evening everyone. My song tonight was dedicated to my first love. Sana nakikinig ka ngayon.” Sabi niya ang now, he started sing the song WHEN YOU SAY NOTHING AT ALL.
Nagulat ako sa kinanta niya. Bigla ko tuloy naalala yung mga sandaling una kaming nagkakilala. Yung mga sandaling naging close kami until we treat ourselves as a best of friend. I looked at him while he was singing. Tagos na tagos sa akin ang kanta. Tila ba bawat liriko nito ay nagbibigay ng kahulugan sa akin. Hindi ko namalayan na biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na naghahabulan na pala ito sa pagtulo.
“Beshy, are you ok?Ba’t ka umiiyak? Is there’s anything wrong?”
“Nothing”, sabi ko sabay tayo at sabing, “Mag-c-cr lang ako.”
I walked pass at hindi ko na pinapakealaman kung sino man ang nasa harapan ko. Nang makarating ako sa CR, agad akong naghilamos para di halatang umiiyak ako.
I really missed him so much. I know it almost a long year ang lumipas at napakatagal na na panahon ang nawala, pero , still he is my first love. And memories still stay in my heart.
I used my handkerchief para punasan ang basa kong mukha. Then suddenly , habang ako ay nagpupunas ng mukha, two girls went inside and they were talking about Miguel. I stay inside the Comfort room and took my make up kit para marinig ko ang usapan nila.
“Alam mo , ang suwerte talaga ng magiging girlfriend ni Miguel noh, he is sweet, gentleman at saka gwapo. Kung ako ang magiging girlfriend niya, di ko na talaga siya bibitawan.”
“ Asa kapa! May fiancé na si Miguel Torres. She was a multimillionaire daughter and at her age, she was a famous model in Philippines, London and Korea. Siya si Natalie Corpuz.Kaya asa ka pa! Eh halos wala ka sa kuko ni Natalie eh.”
Fiance? Natalie Corpuz? So it means….
Wala na akong aasahan din?
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa table ko. Still Miguel singing on the stage but with another song. At ako habang nakikinig sa kanya, halos laklakin ko nalang ang bote ng beer sa table namin.
I got one…
Two…
And more…
And then…
Cindy POVs
I do not know what took her for so long sa CR. Hindi ko alam kung bakit tila nakakita siya ng multo sa stage at umiiyak nalang siya na umalis. She’s really weird tonight.
Pabalik na sya sa table pero may dala na itong dalawang bote ng beer at kasunod pa niya sa likuran ang waiter na may dalang pitong bote ng beer. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako umiinom ng beer kaya sure ako na siya ang iinom ng lahat ng ito.
“Teka Besh ang dami nito… Mauubos mo ba ang lahat ng ito?”,sabi ko sabay senyas sa waiter na kunin ang ibang bote pero pinipigilan ito ni Beshy.
“Ano ba… pabayaan moa ko…. Akin na yan.. Akin na … Ibalik mo .. mo yung lahat ng beer na yan…”, tila lasing na si Beshy.
She drink one ..
Two..
Seven..
At bigla itong …
Bugz!!
Hindi ko alam kung nakatulog ba siya sa lamesa pero ang pagkakaalam ko ay tumama sa lamesa ang kanyang ulo. Hinila-hila ko na siya para akayin at para umuwi pero nagulat ako nang biglang tumayo siya sa kanyang upuan at lasing na naglakad papunta sa harap ng stage. Magugulat ang lahat ng biglang,……
“Miguel Torres!!!!!!!!!!!!!!!!!”, sigaw ng malakas ni Yna kay Miguel dahilan upang mapatigil ito sa pagkanta at halos lahat ay nakatitig na sa kanya. Biglang umingay ang paligid dahil sa mga bulong-bulungan. Lalapit ako kay Yna at hihilain ko siya ngunit nagpupumiglas ito at ayaw paawat.
“Hindi mo ba ako nakikilala?!!!! Ako si Yna Galvez!! Ako ito!!!”
Abangan….